Chapter 16

1.7K 28 0
                                    

Embers of Devotion
Chapter 16
Banta

Nakatingin lang ako kay Cloudius, pinag-iisipang mabuti kung…magtatanong ba ako o mananatiling tahimik at hihintayin na lamang siyang magkusang sabihin iyon.

It’s been bothering me for days. Minsan gusto ko nang pumunta kay Daddy dahil baka siya, masabi sa akin kung ano ba talaga ang problema nila kay Cloudius.

They knew him. I know. Hindi sila magpipilit na paiwasin ako kay Dius kung hindi. Gusto ko lang malaman kung totoo ba na Hijazi nga si Dius at kung oo, bakit dawit kami sa issue ng Maximus na iyon. O kung ano ba talaga ang issue nila kay Dius?

Sometimes, I wanted to tell them the truth that I have a boyfriend. Kung papayag lang si Dius, matagal ko nang sinabi. Pero alam ko rin na ayaw niya noon. At hindi ko maintindihan kung bakit tila kilala siya nila Dad at Kuya at kilala niya ang mga ito.

Ang hirap manahimik kapag may gusto kang malaman. Pero naroon din ang pakiramdam na kung magtatanong ako at lalong mang-uusisa, magkakaroon ng problema. Maybe, I am scared that if I ever ask about it, kay Dius man o kay Dad, it will stirr something that might hurt me.

Iyon ang dahilan kung bakit lumipas ang buwan na tahimik ako, umaakto na parang walang iniisip na kung ano. I am just thinking that I should focus on my career and keeping my relationship strong. Kung…kinakailangan kong magpatay-malisya para lang manatili na ayos kami ni Dius, gagawin ko.

“Isa na lang. Meeting lang para sa isang runway show,” ani Valencia.

“Bukas? Ilan?”

“Pahinga ka ng isang araw. Then may gala kang pupuntahan with your grandparents.”

I nooded and thanked her. Bumaling na ulit ako sa bintana para aliwin ang sarili.

Kagagaling ko lamang sa isang photoshoot. Puno ang schedule ko sa nagdaang buwan at sa mga susunod pa. Mas mabuti iyon kaysa mananahimika ko sa isang lugar at mag-iisip muli. Mate-tempt lang ako na magtanong.

This is for the better.

Dius is also busy with his life. Minsan, sa condo niya ako. Minsan sa condo ko siya. Pasalamat akong hindi ako pinababantayan ni Daddy dahil magiging mahirap para sa akin na makita o makasama si Dius kung ganoon. Siguradong kung may bodyguards ako, naisumbong na iyon kay Daddy. Who knows if ma-grounded ako kung hindi susunod? Kung talagang…mas malalim nga ang dahilan ng pag-ayaw nila kay Cloudius?

Iba’t-ibang parties ang pinupuntahan ko. Formal. Minsan sa bar o ‘di kaya ay private. Kasama ko pa rin ang mga pinsan ko sa ganoon o ‘di kaya ay mga kaibigan. Though, Dius and I already talked about it. Kapag a-attend ako ng parties, he’ll be there too. Kahit hindi kami magkausap basta magkikita kami roon ay ayos na.

My relationship with him is wholesome. Siguro kung wala lang nagbabawal sa amin ay mas maganda.

“Halika na. Sandali lang naman daw ‘to tapos pahinga ka na after,” ani Valencia nang makababa sa driver’s seat.

Sabay kaming pumasok sa loob. Isang malaking brand din ng clothing line ‘to. Matagal na akong sinusuyo. Since gusto ko ngang maging busy, tinanggap ko na.

“Good afternoon,” bati ko.

Some of my co-models smiled at me. Magkakakilala na kami sa industriya. Kahit na may iilang hindi kapalagayan ng loob, ngumingiti pa rin kami sa isa’t-isa. That’s professionalism. At least, hindi kami nagpapahalataan na ayaw namin ang presensya ng isa’t-isa. At ang tinutukoy ko ay walang iba kundi Gianna.

The way she smiled at me but her eyes were screaming in anger. Saka ko lang naunawaan kung bakit. I spotted Cloudius in the same spot where I first laid eyes on him. He was unabashedly staring at me. I responded with a polite smile and a nod, maintaining a sense of professionalism.

Progeny #1: Embers Of DevotionWhere stories live. Discover now