Chapter 9

2.1K 31 1
                                    


Confession

Mabilis kong sinuyod ang airport para hanapin si Dos. Siya ang nakatokang susundo sa akin dahil siya lang ang free sa araw na ‘to. Kuya Max didn’t go with me but he’ll be here next week. May kailangan pa raw asikasuhin. I extended my stay in U.S for another month. Tinapos ko na muna ang lahat ng campaign ko para walang masabi sa akin ang Corselli. I was under them for one whole year. Luluwas pa rin naman ako ng bansa paminsan-minsan for the shoot.

Ipinaypay ko ang folding fan na hawak ko dahil sa init. Hindi ko pa mahanap si Dos kaya naiirita na rin ako. I took my phone out and dialed his number pero wala talagang sumasagot. I called Isy instead. Tatlong ring pa bago nakasagot.

“What? Nakauwi ka na?”

“Hindi pa!” inis kong sambit. “Saan na ba si Dos? Siya ba talaga susundo?”

“Hmm…” I heard a clicking sound of computer on the other line. “Siya ang free, eh. Kagagaling niya lang yata sa misyon. May sugat ang gago.”

Kinamot ko ang pisngi ko.

“Sunduin mo kaya muna ako- Never mind,” I trailed off when I saw Kuya Tarian’s car. “Si Kuya pala. Nandito na.”

She sighed. “Akala ko ba busy iyan sa therapist niya?”

Natawa ako habang tinatahak ang daan patungo sa sasakyan.

“Dapat magpakasal na sila, ‘no?” sabi ko, dinig ang pagkagalak.

She snorted. “Ayaw mo kay Sol?”

Nalukot ang mukha ko. “Walang gusto si Sol kay Kuya. At saka hindi rin magugustuhan ni Kuya ang best friend ko. Baka kapag naghiwalay sila madamay pa friendship namin.”

I smiled at my brother and hugged him.

“I didn’t know you’ll be here,” sabi ko na nakanguso.

“And I’m also here,” ani isang matinis na boses.

Nanlaki ang mata ko nang makita si Solasta na lumabas sa sasakyan at niyakap ako.

“Magkasama kayo?” naguguluhang tanong ko.

She grinned at me.

“Oo! I asked Isy when you’re going home. Sabi niya ngayon kaya pumuslit ako at kinulit si Kuya mo na isama ako.”

Tumaas ang kilay ko pero napatango kalaunan. I don’t think this is something else. Matalim nga ang tingin ni Kuya kay Solasta na parang ayaw niya ang presensya nito. Makulit lang talaga si Solasta at gustong-gustong iniinis si Kuya. Who wouldn’t be? Kuya is actually not fond of hiding his feelings or expression. Kapag naiinis siya sa iyo, ipapakita niya talaga and maybe, like me, Solasta like the way his face contorted in annoyance. Magkapatid na rin naman sila halos at alam kong concern si Kuya sa best friend ko kahit pa madalas ay ayaw niya rito.

“Told yah!” I heard Isy say.

Pinatay ko ang tawag dahil wala namang kwenta iyong sinasabi niya. Kuya took my baggage and Sol took my wrist.

“I miss you! Ang tagal mo doon!” reklamo niya habang sabay kaming papasok sa sasakyan. 

I chuckled at that. “Siyempre. Bakit nga ba hindi ka ulit tumatawag sa akin?”

Lumabi siya. “Kasi ang dami kong pinagkakaabalahan. Alam mo naman kapag nanay ka-” huminto siya.

I was browsing Isy’s text but that caught me. Nagtataka ako kung bakit siya parang naestatwa. Binalingan ko siya.

“Bakit?” tanong ko.

Hindi ko masyadong naunawaan iyong sinasabi niya at pakiramdam ko, importante iyon kaya lang ay napansin niyang hindi ako nakikinig nang ayos. She puckered her lips and smiled.

Progeny #1: Embers Of DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon