Chapter 28

2.8K 34 9
                                    

Don't ever try

Sa nagdaang dalawang araw ay hinahayan na ako nila Daddy na lumabas ng aking silid pero ako naman ang hindi iyon nais. Pinili kong magmukmok sa loob at hintayin ang kahit isang text mula kay Dius.

They still didn’t know that I have a phone tio contact him.  Hindi ko pa rin ipinapaalam. Kaya mas gusto kong mag-isa kadalasan para kung tumawag man si Dius ay masasagot ko kaagad.

But he never texted me since that night the news broke. He didn’t contact me nor told me about it. I wanted an explanation! Gusto kong marinig sa mga labi niyang hindi iyon totoo. Yet how am I going to hear it if he’s not answering any of my messages?

Hindi ko mapigilang mag-iiyak kapag nasosobrahan ako sa pag-iisip na siya namang alam kong bawal sa akin at sa anak namin. Kailangan kong manatiling matino miski ang pag-iisip ko para malampasan ko ‘to.

I keep on believing I can handle this shit. Kakayanin ko lalo at alam kong may pangakong binitawan sa akin si Dius.

Nasa harap ako ng salamin at pinagmamasdan ang sarili. Napapansin ko ang aking pamamayat dahil hindi ako kumakain masyado sa kawalan ng gana. Kakainin ko lamang ay ang gustong-gusto ko at iyon pa ay ice cream.

Sa umaga pa lang iyon na ang hinahanap ko. Matapos iyon ay hindi na ako makakakain dahil hindi ko talaga maramdaman ang gutom. Ang gusto ko lang ay mahiga at matulala. Kahit anong bawal ko sa sariling umiyak at mag-isip, natatalo ako noon.

Mom tried to entertain me. Sila Kuya ang hindi ko masyadong nakikita. Mom said they’re a bit busy. May inaasikaso raw tungkol sa imbestigasyon. Katu-katulong nila Ate Dilay at Dos.

I never tried talking to Dad about it. Hangga’t hindi ko nakakausap si Dius tungkol sa balita, hindi ko muna ipipilit kay Daddy. May posibilidad na alam na nila ang tungkol doon kaya ganoon na lamang ang reaksyon ni Dad nang sabihin kong maaayos naman namin.

They still thought I am oblivious of the news which is why they never engaged me to watch TVs. Kahit ano ay iniaalok ni Mommy. Even to visit Tita Eve’s house, maybe just to gain my attention because they knew I just like to hide myself in my room.

Isang araw pa ang lumipas na walang paramdam ni Dius at lumuluha akong muli dahil tinatalo na naman ng mga negatibong isipin. Na baka totoo ang mga balitang iyon. Na baka niloloko niya na lang din ako. That maybe he realized he doesn’t want the responsibility.

Nasa ganoong sitwasyon ako nang abutan nila Isy. Gulat man ako sa biglaang pagdating nila pero mas nangunguna sa akin ang makaramdam ng awa sa sarili. Dahil ang unang ginawa nila nang makita akong umiiyak ay dambahin ako ng yakap.

“Stop crying, Allen,” bulong ni Iope sa akin. “Si baby natin kawawa,” she added.

Isy agreed to that.

“Nagdala pa naman kami ng mga masusustansyang pagkain para sa iyo nat sa baby mo,” si Isy.

Kinakalma ko ang sarili at humikhikbi pa dahil mas lalong nagiging mabigat ang pakiramdam ko. Si Isy at Iope na nadamay ko pero ito sila, dumadamay pa rin sa akin. Nag-aalala pa rin sa akin.

“Stop it, Allen. Huwag mong iyakan si Dius,” si Iope na busangot ang mukha.

I shook my head. “H-hindi totoo iyon,” sambit ko, pinatutukuyan ang balita.

They both looked at me with sympathy.

“Allen, I saw it with my own eyes,” Isy mumbled.

Tumigil ang tingin ko sa kaniya.

“He’s with Gianna. He’s smiling and laughing like he doesn't know anything about your situation.”

Tumawa ako ng pagak at umiling pa rin.

Progeny #1: Embers Of DevotionWhere stories live. Discover now