Chapter 26

2.1K 26 0
                                    

Promise

No one gave me what I need. Pumasok man ang isang bodyguard dito para ipagbigay-alam sa akin na hindi ako makakalabas dahil iyon ang habilin ni Daddy. And when I ordered him to tell him I wanted to talk, bumalik ulit ito para sabihing busy si Daddy sa ibang bagay.

I know they will do this to me. They will never hear me. Dahil ang lalabas lang sa bibig ko ay ang pangangatwiran. Kung bakit hindi ako nakasunod sa utos niyang iwasan si Dius. Kung bakit nagawa kong pagtaksilan sila na pamilya ko.

Labis na ang galit ko at sakit na nararamdaman pero wala akong mapagsasabihan noon at wala akong ibang masisisi. My phone is dead. Naghalukay pa ako sa mga gamit ko para lang makahanap ng charger. My charger is in my condo unit. Walang magpapahiram lalo sa akin ng charger at bawat kilos ko ay bantay sarado kaya kahit pasimple pa akong manghingi sa kung sino mang kasambahay namin, hindi ako masusunod. They respect Dad so much that they wouldn’t defy him for me.

That’s why until late evening, I am all alone in my room. Ilang araw pa ulit ang lumipas bago ako nakatanggap ng sagot mula kay Dius. I keep on asking if he’s fine because somehow, the public doesn’t know his whereabouts. Thank God that I have his manager’s number! Pero iyon nga lang at wala rin itong masabi sa akin dahil miski siya hindi sinasagot ni Dius.

Even his manager reached the conclusion that Dius might have misplaced his phone or lost access to it. Kaya naman ngayong nakatanggap na ako ng reply mula sa kaniya, kumpirmadong wala lang sa kaniya ang cellphone niya sa nagdaang araw.

I'm beginning to ponder what he's up to and what his grandfather may have asked him to do. Kung ginigipit ba siya ng mga ito? Dahil ganoon ang naiisip ko noong umuwi siya sa akin. Noong huling kita namin. Noong halos maiyak siya matapos ang isang linggong pagkawala ng kaniyang presensya.

He doesn’t like to be surrounded by the Hijazis. HIndi ako naniniwalang may pinagtatakpan lang siya. Patungkol sa kaniyang ina, alam kong walang kahit na ano pang koneksyon si Dius sa mga iyon dahil ni minsan hindi niya sila nabanggit na tila may kumunikasyon sila. Na miski ang mga reports ay sinasabing si Dius ay namuhay mag-isa, binuhay ang sarili sa murang edad.

Only his relatives on the other side would take his time that he cannot give me an answer for days! At gustong-gusto ko siyang tulungan para lang makalayo sa mga ito ngunit paano? Kung ako mismo hindi makalaya sa sarili kong silid?

That’s why I wanted to know what’s happening to him. Kahit simpleng pasabi lang. Kahit hint lang kung kamusta ba siya, kung ayos lang siya. This message I got from him is what's gonna determine if I get a good night's sleep or if I end up shedding tears until I'm completely drained, just like I did last night and the one before that.

Cloudius:

I’m fine, Lavena. Worry about yourself, please.

That’s what he said. Sa dami ng text messages ko, iyon ang naging kasagutan niya.

I told him  just how anxious and frustrated I've been feeling these past few days. I told him I've been really bored and longing to see him because I seriously miss him a lot! I explained how I'm constantly in tears because I can't handle this overwhelming sense of loneliness any longer. Mababaliw na ako rito! Ni hindi ako makasagap nang sariwang hangin man lang sa hardin! Mistula na akong preso rito!

My family wouldn’t even see me! Hindi ako sanay sa ganito! Hindi ako sanay at nakapaghandang danasin lahat ng ‘to! Wala akong balita sa nangyayari sa labas ng silid ko!

I don’t know what’s happening to Kuya Tarian or if Kuya Max has already recovered? Or how is Mom now? Kung bakit hindi ito dumadalaw sa akin at si Daddy? Kung hanggang kailan niya ako makakayang tiisin kahit alam nilang araw-araw akong umiiyak dito at nakikiusap, nagwawala para lang mabuksan ang pinto at magkausap kaming lahat. Tapos walang balita din kay Dius? Ganito lang?!

Progeny #1: Embers Of DevotionWhere stories live. Discover now