Chapter 3

59.5K 788 30
                                    

Chapter 3

DOMINIQUE'S POV

"May tagos ka."

Kyaaaah! Fulgosong binuntis ni Sergio!!! Pakiramdam ko umakyat na lahat ng dugo ko sa mukha ko. Mukha na yata akong kamatis ngayon!

NAKAKAHIYA! Akala ko hahalikan niya ako. Napapikit pa man din ako kanina shit. Tapos natagusan lang pala ako? Bakit tinagusan na naman ako?! Leche!

"MWAHAHAHAHA!"

Luh? Problema nito ni Paa? Ngayon lang ba siya nakakita ng tagos? Sabog 'to. Trip na naman niya ako. Tinignan ko siya ng masama at pagkatapos tinignan ko yung suot kong shorts kung meron nga akong tagos.

"JOKE LANG! Wala kang tagos! Hahahahaha. Nakakatawa naman yang mukha mo! Pulang pulang! Mwahahaha!"

Pusang gala! Pinagloloko ako nito! Kung kanina pulang-pula ako sa kahihiyan! Ngayon pulang-pula na ako sa sobrang inis! Leche 'to! Ang lakas ng topak nito. Buset! Akala ko pa naman nakaalis na 'to. Urgh!

"Whatda! Mother father you! Ba't ba ang lakas ng trip mo sa'kin ha!?"

"Ginantihan lang kita sa ginawa mo kanina sa 'kin! Kala mo dyan ha!" Tapos dinilaan niya pa ako. Hala? Parang bata talaga 'tong Paa na 'to. Nakakainis! Grr!

"Asar talo ka lang eh! Bwisit! Chupee ka na nga dito. Shooo!"

"Mwahahaha. Bye Kislap!" nginitian niya ako ng nakakaloko. Leche talaga 'to. Madapa ka sana. Che!

"Ewan ko sa 'yo! Mukha ka namang PAA! BYE! Ingat sila sa'yo!" inis at pasigaw na sabi ko sa kanya kasi paalis na siya.

At tuluyan na ngang naglaho sa paningin ko yung PAA na yun.

Hay. Kainis!

"Hija."

"Ay PAA!" Nakakagulat naman 'tong si Manang.

"Haha! Nakakatawa ka naman magulat!"

"Siya nga pala hija. Halika na at ituturo ko pa sa'yo ang ibang mga gagawin mo."

Tumango ako at sumunod na lang sa kanya. Kinukwentuhan niya rin ako tungkol sa mga teammates ni Paa at sa mga gawain bahay na dapat kong gawin sa araw-araw. Sinabi niya sa'kin na kada umaga raw maglilinis kami ng sala, kusina at dining area at pagkatapos nun magdidilig ng halaman. After nun maghahanda na ng almusal, meryenda sa hapon at dinner sa gabi.

Ang bait niya nga eh. Nilibot niya pa ako sa buong bahay para raw hindi na ako maligaw. Grabe ang ganda talaga rito. Tatlong palapag ang bahay nila at sobrang lawak nito. Sa first floor ay ang sala, dining area at kusina. Sa labas naman ng first floor ay ang garden nila at ang parking area. Sa second floor naman ay ang mga kwarto nila kasama ang kwarto ni Manang na magiging kwarto ko na rin daw at sa third floor naman ay ang rooftop kung saan nando'n ang basketball court nila at ang swimming pool nila. Grabe talaga ang bahay na 'to. Hayop sa laki! Parang mansyon! Parang tirahan ng presidente.

"Manang bakit po mag-isa lang kayong katulong dito? Hindi ba kayo nahihirapan? Ang laki-laki po ng bahay na ito."

Ngumiti sa'kin si Manang. "Oo nahihirapan minsan. Pero okay lang, nasanay na rin. Saka tinutulungan naman ako ng mga bata maglinis ng buong bahay eh. Pati sa mga labada. Minsan nagpapa-laundry sila, minsan naman tinutulungan nila akong maglaba, maghugas ng mga pinggan, magdilig ng mga halaman at kung ano-ano pa."

"Talaga po? Akala ko lahat inaasa nila sa'yo."

"Nako hindi. Mababait sila at masisipag. Minsan nga lang hindi nila ako natutulungan kasi may mga training sila. Sila kasi ang players ng basketball team sa school nila."

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon