Chapter 39

43.4K 477 78
                                    

Chapter 39

NICKO'S POV

Hi! Ako nga pala si Nicko. Ang pinaka-cute sa EXO. Cute lang. Humble kasi ako 'di kagaya ng iba dyan tulad ni ehem Luke.

HAHAHA. Joke lang.

Nandito na kami sa AU. 3rd day na ng celebration ng anniversary. At masasabi ko so far so good. Pfft!

"Oy. Alam niyo na gagawin ha." sabi ni Ryan sa 'min. May plano kasi sila na ikasal sina Dominique at Kian sa Marriage booth. Apat lang kaming nandito. Ako, Si Ryan, Alex at Kevin. Yung iba may kanya-kanya ng mundo.

Kami ni Kevin hahanapin namin si Dom. Tapos sila Ryan at Alex hahanapin nila si Kian. Ang lalakas ng trip nila ngayon eh. Team Domian kami eh! Hahaha. Kayo? XD

Hinanap na namin si Dom. Saan kaya nagpunta si Rapunzel?

"Pre ayun! Ayun si Dom." biglang sabi ni Kevin tapos tinuro niya kung nasaan si Dom.

Buti mag-isa lang siya ngayon. Atleast hindi hassle kaladkarin este hilahin si Dom. Haha.

"Dom!" sigaw namin ni Kevin kaya napalingon naman siya agad dito. Tumakbo kami papalapit sa kanya.

"Oh Kevin! Nicko! Bakit?" tanong niya.

"Ah... Eh... May ibibigay kami sa'yo. Pikit ka muna please." sabi ko. Sinenyasan ko si Kevin na kunin na yung panyo para takpan na yung mga mata ni Dom.

"Uy! A-ano'ng gagawin niyo sa 'kin?" tanong ni Dom pagkatapos siyang lagyan ni Kevin ng panyo sa mga mata.

"Basta Dom. Sama ka lang saming mga macho. Hahaha." sabi ni Kevin. Minsan talaga may pagka-abnormal din 'tong si Kevin eh. Haha!

Pumunta na kami dun sa Marriage booth. Nakita na namin sina Ryan at Alex na hawak-hawak si Kian.

Nung nakita na ni Kian si Dom na nakapiring, do'n na niya na-gets lahat. Hindi na siya nagsalita o nagtanong pa. Syempre! Choosy pa ba yang kapre na 'yan? Hahaha. Dominique Kislap na 'yan oh! Siguro nagtatalon na yan sa saya kung wala lang kami rito.

"N-nicko? Kevin? Nasaan na tayo?" tanong ni Dom. Napansin niya kasing tumigil na kami sa paglalakad.

"Nandito na tayo." sabi ko. At tinatanggal ko na yung piring.

"Nasaan ta--- K-Kian? A-ano'ng ginagawa mo rito? B-bakit kayo nandito? Bakit tayo nandito? Anong meron?" sunod-sunod niyang tanong.

"Ikakasal ka na Dom." nakangiting sagot ni Kevin.

"H-ha? K-kanino? B-bakit?" Haha. Nakakatawa talaga si Dom. Ang cute niya. Kaya crush ko 'to eh. Haha. Shh. Crush lang naman eh.

"Kay Kian Collins." sagot ko. At dinala na namin sila sa may fake na altar kung saan may fake rin na pari.

"Father simulan niyo na po." sabi ni Ryan.

At sinimulan na nga yung fake na seremonya. Haha.Pagkatapos ng mga sinasabi ni father. It's time to kiss the bride na. Ayeee. Talande ni Kian oh! Ngiting-ngiti siya eh! Hahaha.

"You may now kiss the bride." sabi nung pari.

Meanwhile, sina Dom at Kian hindi alam kung ano ang gagawin. Asus. Nahiya pa sila.

"Kian, galaw galaw rin pag may time baka ma-stroke." sabi ko at tumingin siya sa 'kin ng masama. Dinilaan ko lang siya. Bleh! :P

Papalapit na si Kian sa mukha ni Dom. Oh teka! Baka naman totohanin nitong si Kian ah. Baka mamaya sa lips niya halikan 'tong si Dom. Naku! Magkaka-world war three! Hahaha.

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon