Chapter 19

44.9K 462 85
                                    

Chapter 19

DOMINIQUE'S POV

"Alright Girls! Chin up! Stand straight! And show your beauty!" masiglang sabi ni Jae. Pagdating talaga sa ganito hindi mo maawat yan. Haha.

Nandito na kasi kami sa AU at ang daming tao. As in super duper ultra mega! Sabi kasi nila Ash, nandito rin daw yung mga supporters ng kabilang team kaya ang daming outsiders.

Yung iba naman nakatingin saming apat. HAHA! Maganda raw kami eh. CHOOOS!

Pumasok na kami sa gym dala-dala ang mga banners namin. Ako nagdala ng banner na may "GO" at silang tatlo sa "E", "X" at "O".

Pagpasok namin sa gym grabe ang dami ng tao at ang iingay. Puro tilian ang maririnig mo at sigawan at kung anu-ano pa basta maingay sila. Nabiningi na nga ako sa mga tilian nila eh. -___-

May mga nag-chi-cheer kayla Paa, may mga banners din sila, lahat ata ng Exo may nakikita akong mga banners ng name nila. May mga "I love you" pa nga na nakalagay eh. Haneeeep! Iba talaga ang epekto ng mga unggoy na yun. Haha!

May mga naka-color red t-shirts naman tapos may drawing na mga Lions sa t-shirts nila, yun kasi yung color ng team nila Paa since Exotic LIONS daw sila. Tapos yung iba naman mga naka-color blue. Siguro eto yung color ng kalabang team.

"Grabe naman dito sa gym mga babe! Tinalo pa ang may concert." sabi ko sa kanila habang papasok na kami sa entrance ng gym.

"Haha! Masanay ka na Babe Dom! Ganito talaga taon-taon." sabi ni Ash.

Pumunta na kami sa pwesto namin, sa may baba kung saan kitang-kita mo yung mga maglalaro. VIP daw kasi eh. Haha!

Hindi ko pa nakikita sila Paa. Sabi ni Ash nasa locker room pa raw siguro sila. Pati nga yung kalabang team wala pa.

Maya-maya lang... Lumakas nanaman yung tilian ng mga tao sa loob. Haaay naku po! -____-

Ayan na raw kasi yung mga maglalabang team. Kaya puro "Kyaaaaaah!!!" at"Waaaah!!!" ang naririnig ko rito ngayon.

"Waaaah! Mga Babe! Nandyan na silaaaaa!" sigaw ni Jae.

"Waaaah!! Oo nga! I'm so excited to see the other team! Baka marami nanamang gwapo!" sigaw naman ni Pinks.

Nagsalita naman si Ash, "Seriously Girls? Kaninong team ba kayo kakampi?"

"Hahaha! Ofcourse babe yung EXOTIC LIONS!" sigaw naman ni Pinks.

"Exotic Lions daw, eh kung maka-tili nga kayo jan sa kabilang team eh."

"Shhh! Wag na kayo mag-away mga babe! Haha!" saway ko kaya tinigil na nila ung away nila pero sigawan pa rin sila ng sigawan.

"Good afternoon Ladies and..." napatigil saglit ung MC at tumingin sa paligid sabay nagsalita ulit.

"Ladies? Haha! Parang wala kasi akong makita na mga lalake dito puro babae lang. Haha! Well anyway, I'm Ritchie, your emcee for today."

Nagsalita ulit siya "Okay! Excited na ba kayo sa isang mainit na laban ngayon?" tanong niya at nagtilian naman ung mga tao dito. "Haha! Mukhag excited na excited nga talaga kayo ah! Well eto na nga ang pinakahihintay niyo. Let's start from our undefeated champion... BOY PICK-UP! HAHAHA!" sabi nung MC na ginaya pa ung tono ni Michael V. sa show na Bubble Gang. Haha. Joker din ata toh eh.

Kaya nagsigawan nanaman yung mga tao pati 'tong mga katabi ko. Atat na atat na kasi sila na lumabas yung mga maglalaro. Kaya tinuloy na nung emcee yung sasabihin niya.

"Okay! Okay! Chill lang mga people! Eto na talaga. Please welcome the HOT and HANDSOME boys of Addison University... The EXOTIC LIONS!"

Nagsitilian nanaman yung mga tao nung isa-isa na silang lumalabas. Kasama na rin yung tao na nakasuot ng masscot na Lion.

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon