Chapter 38

38.5K 415 38
                                    

Chapter 38

KIAN'S POV

Parang ang tagal naman masyado nila Dom sa loob? Tsk. Dapat kanina pa sila nakalabas ah!

"Waaah! Sa wakas nakalabas na rin! Nakakatakot sa loob!!!" napatingin naman ako sa mga lumabas at hinanap si Dom.

"Ash, where's Dom?" tanong ko sa kanila nung makalabas na sila. Teka? Nasaan din si Prince? Ba't nawawala yung dalawang yun?

"I don't know Kuya. Nagkahiwa-hiwalay na kami kanina sa loob eh."

Tsk.

"Oh pre. Saan ka pupunta?" tanong sa'kin ni Alex

"I'm going there." sabi ko tapos pumasok ulit ako sa loob. Pero pumunta muna ako sa namamahala ng booth at kinausap ko 'yon.

Nang mahanap ko na yung namamahala ng booth tinignan ko siya ng masama. Badtrip ako ngayon kaya sorry na lang siya. "I badly need the keys for the rooms or else..."

"Ah... Eh... Opo. E-eto eto na po." sagot nung babae tapos binigay na sa'kin yung mga keys ng room.

Tsk! Nasaan na ba sila? Bawat rooms na dinadaanan ko binubuksan ko. Wala na akong pake sa fake na mga multo na nandito.

Ugh! Nasaan ka na ba Dom?

Hanap ako ng hanap ng room until I reached the last room na nandito. I tried all the keys na binigay sa'kin nung babae para mabuksan ang room na 'to. I'm very sure that they are here including Prince kasi sa ibang rooms ibang mga tao yung nandoon.

What was that? I heard something... parang may bumagsak. Nagmadali na akong buksan yung door. Buti na lang at nabuksan ko na kaso...

"D-dom?" gulat kong tanong. A-anong ibig sabihin nito? A-anong ginagawa nila?

Napatayo na lang bigla si Dom pati na rin si Prince.

I'm trying to fight my anger. I'm trying to fight this feeling. Ayoko mang aminin pero nagseselos ako sa posisyon nila. Ayokong mag-iskandalo rito.

"Ah... Kian..." dinig kong sabi ni Dom na parang takot na takot.

"Dom let's go." Sabi ko at hinawakan ko yung kamay niya.

"Kian it's not what you---." paliwanag ni Prince pero hindi ko na siya pinatapos pa.

"I don't care." cold kong sabi sa kanya. Tapos hinila ko na si Dom palabas ng room. Hindi ko siya hinila ng malakas dahan-dahan lang kasi nanginginig yung kamay niya. I know she's very scared of things like this lalo na at kala niya galit ako. 'Di naman ako galit sa kanya eh. Galit lang ako sa sarili ko. Kasi...

Ugh! I really should court her. Bago pa siya makuha ni Prince.

Nang makalabas na kami, nando'n pa rin sila Ash. Pero no one tried to ask us what happened siguro dahil nababasa nila yung mga nangyari kanina sa loob. I know they are trying to understand us. Kahit si Dom nahila-hila ko ay hindi rin umiimik.

Nandito na kami sa garden ng school. Walang katao-tao rito kasi lahat sila busy sa mga booths.

Pina-upo ko si Dom sa damuhan at sumandal siya sa isang malaking puno.

"K-kian---" umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko ang kaliwa niyang kamay.

"Shh... I'm not mad. I'm just worried." sabi ko pero bigla niya akong niyakap tapos naiyak na lang siya bigla.

"A-akala ko galit ka. Akala ko papagalitan mo ko." niyakap ko rin siya at hinagod-hagod ko yung likod niya.

"Shhh... Tahan na. Hindi ako magagalit sa'yo. Ano ka ba."

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon