Chapter 61

25.1K 448 144
                                    

Chapter 61

SEAN'S POV

*uwaaaah* *uwaaah*

"Naku baby Josh. Shh... Baby don't cry."

"Tsk. Sean kasi hindi marunong mag-alaga ng bata eh." bulyas ni Luke sa'kin.

"Anong hindi? Eh kung hindi ka kasi dumating dito diba? Edi sana hindi 'to iiyak. Alam mo na ngang 'pag nakikita ka ni baby Josh sumasama paningin niya sa'yo eh."sabi ko at ang loko mukhang nasaktan haha nagbibiro lang naman ako eh.

"Ang sakit mo naman magsalita. Ang sakit ha! Tagos sa cheek bones ko 'lam mo yun. Huhuhu." pagkukunwari niyang iyak. Hahaha. Bwisit talaga 'to eh.

Pinapatahan ko lang si Baby Josh. Nandito kami sa sala. Dalawa lang kami na nandito. Sina Kevin at Ivan nagluluto, Sina Nicko at Ryan naman nagdidilig ng mga halaman. Sina Alex at Patrick nasa taas naglilinis din, sina Michael at Nathan nasa rooftop doon sila naglilinis at kami ni Luke dito sa sala, naglilinis kami kanina eh kaso biglang dumating si Danica, hinahanap niya raw si Prince eh wala naman siya rito kaya ayun sabi niya iiwan niya raw muna si Josh rito at hahanapin niya muna si Prince. Yan ang mga task namin ngayon. Paiba-iba kami ng mga partners dahil nakakasawa raw kung laging pareho. Pfft. Mga siraulo talaga.

Iyak pa rin ng iyak si baby Josh. Ano ba yan? Huhu. Hindi ko na alam pano ko 'to patatahanin eh.

"Oh ba't umiiyak ang baby namin ha?" biglang dumating sina Nathan at Michael na mula sa rooftop.

"Eh kasi naman si Luke nagpakita pa rito kay Josh eh alam niyo namang irita tong si baby diyan kay Luke eh." sabi ko at ayun kinotongan ako ni Luke. Ang sama ng camel na 'to.

"Aish! Luke talaga oh." Michael

"Oh bakit. Kung hindi niyo naitatanong---" hindi pa man tapos si Luke sa sinasabi niya inunahan na siya ni Nathan.

"Wala kaming balak magtanong."

"Pfft. Hahahaha." natawa na lang kami ni Michael. Barado nanaman ang lolo niya. Wawa naman.

"Tss. Edi wag niyo tanungin. Ang akin lang, kaya kong alagaan yan si baby Josh. Ang kaso ayaw magpakarga sa'kin eh. Tsk. Marunong pa naman ako magpatahan ng baby."

*uwaaaah* *uwaaaah*

"Ayan umiyak na naman yung bata. Sinungaling ka raw kasi eh. Hahaha." sabi ko at ayun badtrip ang lolo niyo.

Chineck ni Nathan si Josh. "Tsk. Baka naman puno na yung diaper niya kaya umiiyak."

Tinignan namin yung suot niyang diaper. Tinanggal namin yung shorts na suot ni Josh at...

"Patay!" sabay-sabay naming sabi.

"Kaya pala iritang-irita si Josh eh, pumupu pala." Michael

Napatingin kaming tatlo rito kay Luke.

"Luke diba sabi mo---" Nathan

"Oo na. Oo nga eh. Alam ko na. Kahit wag niyo na sabihin. Lagi naman kayong ganyan eh." at ayun nagdrama nanaman siya. Hahahahaha. Ginusto niya yan eh. Panagutan na. Hahaha.

"Kunin niyo yung bag niya." utos samin ni Luke pero wala ni-isa samin ang gumalaw kaya naman nagsalita siya ulit. "Oh bakit ayaw niyo? Oh sige kayo magpunas ng pwet niy---"

"Eto naman. Joke lang eh. Kunin mo na nga Michael. Hahaha." Nathan

Kinuha ni Michael yung bag na nakalapag sa isang upuan. Pumunta kami sa isang mahabang sofa at doon ko hiniga si Baby Josh na iyak pa rin ng iyak ngayon.

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon