Chapter 55

30.6K 494 153
                                    

Chapter 55

DOMINIQUE'S POV

"Go Exotic Lions!" kakatapos lang magcheer nila Danica. Ang sexy masyado ng mga suot nila kaya ayun agaw atensyon sila lalo na sa mga lalaki.

Si Prince? Ayun nakatingin lang sakanila o nakatingin lang kay Danica? Nakakaselos naman talaga. Lagi na lang niya ko sinasaktan ng di niya namamalayan o sinasadya nya? Urgh! Mukha talaga siyang Paa. Bwisit.

Nandito na kaming lahat sa Silver Ocean Colliseum. Grabe lang ang daming tao. At ang dami ring iba't ibang schools na nandito. Pinakilala na kanina yung ibang schools na may kasamang cheerleading squad at ayun nga kami yung pinakahuli at sa tingin ko sa AU ang pinakamalakas na tili. Kahit ibang schools tumitili sa kanila lalo na nung pinakilala na yung mga players sa basketball team. Iba talaga ang Exo.

Nagsimula na ang game ng basketball, mamaya pa yata yung ibang sports or baka bukas pa? Sila Paa na yung lalaban matapos ang ilang laban na napanuod na namin kanina.

Nung sila Paa na, ayun tilian here, sigawan there. Grabe akala mo magigiba na 'tong lugar na 'to eh.

Bago pumasok si Paa sa court nagulat ako sa finlash sa mga screens. Kasalukuyang live yun at nakita kong hinalikan siya ni Danica sa pisngi.

Narinig ko pa nga ang host.

"The sweetest couple is back."

Nagtaka naman ako sa sinabi nun.

"Sila kasi yung popular na couple dati. And they're sweet talaga just what the emcee said." paliwanag ni Pinks. Sweetest Couple. More like malanding couple.

Ewan ko pero parang naluluha na naman ako. Parang kumikirot yung puso ko. Bakit ba ganun? Ilang beses na yatang gustong mapunit ng puso ko eh. Pagkatapos ng scene na yun nagstart na ang laban.

Maraming nagchi-cheer sa Exo. May mga supporter sila rito lahat maski sa ibang school may mga banner para sakanila. Ano 'to? Mga fansclub? Taray!

"ANG GWAPOOOO MO TALAGA PRINCEEEEE KYAAAAAAH!" dinig kong sigaw ng isang babae. Grabe ang ingay dito.

"WAG KANA MANGARAP TEH. MAY GIRLFRIEND NA YUN. SI DANICA!" sagot naman nung isa pang babae. Kahit ibang tao, napagkakamalan silang magsyota. Eh pano ba naman kasi diba? Wala echapwera na talaga ko. Tsk.

Nagkakainitan na sa court. Si Paa, mukhang seryosong-seryoso sa laban. Lahat naman sila eh pero si Paa talaga mukhang galit ata sa bola? Ay! Ewan. Eh lagi naman siyang ganun tuwing may laban eh.

Lamang na kami. Pero syempre wag dapat magpakampante kasi baka makahabol yung kabilang team. Pansin kong never pang pinasa ni Kian at Prince ang bola sa isa't isa. Parang magkalaban din sila sa loob ng court. Kanina pa sila pinapansin ng coach nila tuwing nag ta-time-out. Tsk. Dapat di nila dinadamay ang personal na problema sa laban.

"Captain at Vice Captain. If you have personal problems with each other. Forget it first. We need to win this competition. At nalamangan na tayo ng points dahil sa hindi niyo pakikipagcooperate." sermon sa kanila ng coach nila.

Oo. Lamang na nga ang kabilang team ng 10 points. Pero alam ko namang kaya pa nila yang habulin eh. Sana nga lang maki-cooperate silang dalawa.

Nakita ko si Kian na napatingin sa'kin habang break pa nila. Nginitian ko siya at sinabihang "Kaya mo yan!" ngumiti rin siya pabalik. Di talaga sila nagpapansinan ni Paa. Ewan ko ba. Si Paa? Nandun. Kasama si Danica. Lagi naman eh. Mukhang julalay ni Paa si Danica, punas here, punas there. Psh. Kayo na sweet.

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon