Chapter 71

18.9K 378 49
                                    

Chapter 71

LUKE'S POV

"Naku! Naloko na! Patay na! Patay na talaga!" inis na sabi ko.

"Oo! Patay ka talaga!" sigaw naman ni Ryan sa'kin.

"Ano ka ba naman kasi Luke! Ano ba kasi yang pinagsasabi mo diyan!?" inis na sabi sa'kin ni Sean at hindi lang siya ha. Take note, hindi lang siya! Kundi lahat sila! Kanina pa nila ako pinagtutulungan. Kanina pa nila ako sinesermonan! Huhuhu! Mommy!!! Daddy!!! Inaaway po nila ako oh!!!

"Eh bakit ba kasi kayo galit na galit diyan!? Bilisan mo na nga lang diyan Patrick!" sigaw ko habang nagpapanic sila. Papunta na kami sa simbahan kung saan sumugod si Dom. Si Patrick yung nagda-drive ngayon. Kasama ko silang lahat. Kaming Exo.

"Patay talaga tayo neto kay Captain. Si Luke kasi kung anu-ano pinagsasabi kay Dom. Sinabi pa yung kasal kasal! Eh hindi naman si Prince yung ikakasal! Haay naku talaga Luke!" sigaw naman ni Nathan.

Oo! Hindi nga si Prince yung ikakasal at lagot talaga ako kay Prince!!!!!!

Huhuhu. Kanina pa talaga nila ako inaaway. Hindi ko naman kasalanan diba? Diba? DIba? Nagtatanong lang naman talaga si Dom kung nasaan si Prince ngayon edi sinabi kong nasa simbahan. Tapos dahil sa kasal. Kasalanan ko bayun? Eh hindi ako pinapatapos ni Dom sa pag-eexplain eh. Kasalanan ko pa rin ba? HUHUHUHU!

"Kasalanan ko ba yun? Eh diba sinabi na nga natin yun kanina kay Dom na hindi si Prince yung ikakasal?" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Eh hindi nga siya nakikinig diba? Kasi nasa isip na niya na ikakasal na si Prince." sagot naman ni Alex.

Huhuhu. Nakakaasar! Bakit ko ba kasi sinabi yun.

"Oo na. Maling-mali na ako. Sorry." nasabi ko na lang. Ayoko naman na magalit sila sa'kin at baka masigawan nanaman nila ako. Kawawa naman ang precious ears ko. Grabe sila! Mapanakit! Huhuhuhuhuhuhuhu.

Binilisan pa lalo ni Patrick yung pagmamaneho.

Haaay... Sana lang maging okay ang lahat. Sorry naman sa kabaliwan ko.

***

PRINCE'S POV

Everything was almost perfect when suddenly I heard a familiar voice.

"S-SANDALIIIII!!!!!" sigaw ng isang babae. Wait may tutol sa kasal?

Pero teka! Parang kilala ko yung boses na yun!

Tinignan ko yung sumisigaw at...

S-si K-kislap yun!!!!

Lumingon ako sa kanya. Pero hindi niya ako nakita. Siguro kasi masyado siyang naka-focus sa dalawang tao na nasa harap ng altar.

Teka! Sh*t! Siya nga! P-pero bakit siya nandito? T-teka... Wag mong sabihin na may gusto siya sa Tito ko?

Oo. Tito ko ang nagpapakasal ngayon. At ininvite nila ako rito. Naaalala niyo pa ba si Tita Ellen ko na nakita ko sa ospital? Siya yung bride ngayon.

"Prince... Please... Huwag mo tong ituloy. M-mahal na mahal kita. Kaya kitang patawarin. B-basta bumalik ka lang sa'kin. P-please Prince ako na lang ulit. " kitang-kita ko kung gano siya kalungkot ngayon at ang mga luha niya ay patuloy sa pagtulo.

T-teka!?? Ano raw!!? Did she just call my name!!?

W-wait... Did she... Did she thought I'm the one who's getting married!!?

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon