Chapter 5

51.7K 706 58
                                    

Chapter 5

PRINCE'S POV

Aish! Nakakainis talaga si Kislap kahapon. Nandito pa rin ako sa kwarto. Nakahiga. Wala naman kaming pasok ngayon eh. Saka ayoko pang lumabas ng kwarto.

Tok tok tok!

"Paa gising ka na ba? Buksan mo to." sabi ni Kislap. Ay tae! Ano kailangan niyan dito? Nagtalukbong ulit ako ng kumot.

Maya-maya bumukas yung pinto. Bukas naman talaga yan kanina pa. Pinapairal lang ni Kislap yung katangahan niya. Nang makapasok na siya, bigla siyang umupo sa tabi ko.

"Haay. Kainis naman 'tong lalakeng to. Nag-iinaso pa. Tsk." sabi niya. Adik to oh. Kung anu-ano sinasabi sa'kin, palibhasa kala niya tulog pa ko. Tanga talaga.

"Oy Paa gumising ka na dyan. Ikaw na lang tulog dyan eh." Hmp! Ayoko nga.

"Ayaw mo ah!?" Ay? Mind reader pala siya?

Maya-maya bigla akong nakaramdam ng pag galaw sa higaan ko.

Booogsh!

"Aray!" Punyemas tinalunan ako! Anong akala neto sakin foam? Puchaaa!

Inalis ko yung kumot na nakatalukbong sa 'kin kanina at tinignan ko siya ng masama.

"Oh yan! Nagising ka rin." Nakangiti pa! May araw ka din sakin.

"Anak ka ng nanay mo? Bakit mo ginawa yun? Ang sakit. Saka bakit ka nandito?" Aww. Yung likod ko.

"Dahil dito." Kinuha niya yung tray kung saan may lamang mga pagkain.

"Peace offering ko sa 'yo. Breakfast in bed. Sorry na Paa." Ay. Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon. Nababadtrip lang ako. Pag naaalala ko yun.

"Uy. Sorry na kasi. Ano ba gusto mo?"

"Ayoko ng Paa ung tawag mo sakin. Gusto ko Babe." sabi ko. Haha. Mapagtripan nga to.

"Ewan ko sa'yo. Babe mo yang mukha mo."

"Bahala ka diyan. Di ko tatanggapin ung sorry mo."

"Haaay! Oo na. S-sorry na B-babe." Mwahaha. Nung sinabi niya yun bigla siyang namula.

"Mwahaha. Ang cute mo naman BABE mamula. Hahaha."

"Che! Ewan ko sa 'yo. Sabi ko na nga ba pinagloloko mo lang ako." Pinaghahampas niya ko ng unan. Buti na lang at yung tray nasa lamesa na, sa tabi ng higaan ko. Kundi magkakalat yung pagkain dito sa higaan ko. Kulit neto ni Kislap.

Pinaghahampas niya pa rin ako habang ako nakahiga pa rin at siya naman nakaupo lang.

"Oy Kislap. Nasasaktan na 'ko ah. Tigilan mo na yan."

"Ayoko." tapos hampas pa rin siya ng hampas. Napa-upo na 'ko. Ang sakit kasi. Langya to. Napaka bayolente ng babaeng to!

"Ayaw mo ah." tapos bigla ko siyang niyakap at napatigil naman siya sa paggalaw. Ewan ko pero kahapon ko pa siya gustong yakapin. Lalo na nung pinagalitan ko siya kahapon parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko sa kanya kahapon pero kasi nakakainis. Sabi niya ayaw niyang nagtitiwala sa iba. Tapos nakikipag-usap siya dun sa lalake kahapon. Aish!

"Sorry Kislap kahapon ah. Ikaw kasi. Kainis kang babae ka." Sabi ko habang magkayakap pa rin kami.

"Oo na. Ako pa nakakainis ha!"

"Sorry na nga eh."

"May pababe-babe ka pa dyan Paa ka!"

"Sorry Babe. Mwahaha."

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon