Chapter 48

42.2K 481 87
                                    

Chapter 48

PRINCE'S POV

"Oh ayan na pala bagong kasal eh. Mwahahaha!" Langya talaga 'tong si Luke.

By the way, nandito kami ngayon sa kwarto ng mga boys. Kung saan yung pinakamalaking kwarto. Kakarating pa lang namin ni Kislap. Matapos ang :* Ahahahaha. De joke lang.

"Oy Luke. Kotang-kota ka na sa 'kin ah. Manahimik ka diyan kung ayaw mong di na magka-anak." Pananakot ko sa kanya.

"Joke lang naman Captain. Alam mo namang mahal na mahal kita. Game na laro na tayo ng Spin the bottle. Bwahahaha!" Iba 'tong tawa ni Luke ah. Pang-demonyo. Tsk. Mukhang may masamang binabalak 'to ah.

"Kakaiba tawa natin brad ah." Alex

"Sus. Di ka pa nasanay diyan." Ryan

"May nakita kasi ako kanina eh. Este kami pala. Mwahahahahahaha." Langya talaga 'to. Nakita ko naman si Kislap na parang hindi mapalagay.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya at tumango lang siya. "Hoy Luke. Tama na yang pangdemonyo mong tawa. Magsimula na tayo nang makatulog na." sabi ko.

"Sungit mo naman p're. Palibhasa kanina--- Oh! Oh! Joke lang naman eh. Hahaha." Napatigil siya kala niya siguro itututuloy ko yung sapak ko sa kanya. Hahaha. Ingay nitong Luke-oh-loko na 'to parang babae.

Hinawakan ko kamay ni Kislap. Magkatabi lang kasi kami ngayon eh. Ramdam ko kasi na hindi siya komportable.

"Minsan ang buhay parang Quiapo." Sabi ni Nathan. Ano nanaman kayang pauso nito ni Smurf.

"Bakit naman?" takang tanong ni Nicko.

"Mag-ingat ka. Baka manakawan ka. Hahahaha---" Sagot ni Nathan kaso 'di na niya natuloy sasabihin niya kasi umepal si Luke.

"Baka manakawan ka ng halik---" di na natuloy ni Luke yung sasabihin niya dahil kapag tinuloy niya sapak abot nito sa 'kin.

"Baka masapak ko kayong dalawa diyan pag 'di kayo tumigil. Ang tagal naman magsimula." Pag-iiba ko ng topic.

"Kuya bakit ka ba nagmamadali? What's with you? Are you that excited to play Spin the bottle?" tanong ni Ash.

"Nope. Let's just start. Mukhang inaantok na si Kislap eh."

"Ayeeee. You really love Babe D ha kuya."

"Oo naman. Mahal ko 'to." Sabi ko at ayun asaran na naman sila.

"Ayeeeeeeeeee!"

"Tangna brad! Di talaga ako sanay kay Prince na nagsasabi ng mga cheesy lines! Parang sinapian yata kaibigan natin!"

"Oo nga p're! Napansin mo rin yun?!"

Leche talaga 'tong sina Nathan at Ryan. Tsk.

Pero mahal ko naman talaga si Kislap eh.

Oh? Kilig naman kayo?

Oo na. Ako na naghanda ng lahat ng 'to. Ako na mastermind nito. At ako na ang nagmamahal kay Kislap. Pero 'di ako nakaisip na ipakidnap yung babaeng mahal ko. (Naks!) Lantaran na 'to ah.

Oo na! Matagal ko na rin siyang gusto. Naduduwag lang ako na baka maulit na naman yung nangyari tulad nung dati samin nila Kian.

Ayoko ng maulit yung hindi pala ako mahal ni Danica. Pero tulad nga ng sabi ni mommy, "Anak, kung hindi mo susubukan pa'no mo malalaman? Hindi naman every time totoo ang kasabihan na history repeat itself. Kaya bakit ka mag-woworry na ligawan siya? Ang mahalaga mahal mo siya at ang mahalaga naipakita mo ang totoong nararamdaman mo sa kanya. Gusto mo bang magsisi pag dating ng araw na sana niligawan mo na lang siya? Na sana ikaw yung nandun kasama niya? Isipin mo yun ng mabuti anak. Alam kong matalino kang bata. Huwag kang magpakatorpe. Walang patutunguhan ang mga taong duwag." yan ang sabi ni Mommy bago siya bumalik ng Germany.

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon