Chapter 45

34.5K 428 146
                                    

Chapter 45

DOMINIQUE'S POV

"Kian, nakakahiya naman. Kahit 'wag na." Sabi ko kay Kian pagkarating namin ng bahay nila.

Pagkatapos kasi naming kumain sa restaurant dinala niya ako sa bahay nila slash sa Mansion nila! Ang laki-laki ng bahay nila! Grabe!

Medyo malayo 'to sa bahay kaya halos 2 hours yung biyahe.

Ewan ko bay Kian. Sabi niya ipapakilala raw niya ako sa parents niya. Huhuhu. Nakakahiya. Nakakatakot. Baka hindi nila ako magustuhan kasi simpleng tao lang ako.

Nandito na kami sa sala nila. Maraming sumalubong na maids sa 'min. Sosyal 'no? Ang laki pa ng bahay nila. Naku! Ang yaman talaga ni Kian Collins.

Pinaupo na ako ni Kian sa sala nila. Sabi niya dito lang daw muna ako magstay. Pupuntahan lang niya Mommy at Daddy niya.

Habang nakaupo ako, pinagmamasdan ko yung mga family pictures nila sa isang corner. Ang dami nilang pictures lalo na yung kay Kian mula pagkabata hanggang sa pagtanda. Only child lang yata 'tong si Kian eh. Siya lang yung halos nandito.

Tinignan ko yung mukha ng mga magulang niya.

Hmm... Mukha naman silang mababait. Saka... Parang iba yung pakiramdam ko sa kanila... Parang... Ay! Ewan! 'Di ko ma-explain.

Habang nagmamasid ako ng mga pictures nila, may isang frame doon na naagaw ang pansin ko. Family picture din nung bata pa si Kian pero ang nakapagtataka may kasama siyang batang babae.

Yung... Yung batang babae... Siya yung---

"Oh! Dom, naku! 'Wag mo na tignan ang mga pictures ko nung bata pa ako. Haha. Nakakahiya. Ang pangit ko pa diyan."

"Uy. Hindi naman masyado. Para ka lang laging may kaaway. Bwahaha! Joke. Gwapo ka pala nung bata ka eh hanggang ngayon. Hihi."

Kinurot niya ako bigla sa pisngi pero mahina lang.

"Ayeee. Sweet naman ng Baby ko. Haha."

Nakitawa na lang din ako sa kanya. Ang awkward talaga 'pag tinatawag niya akong "Baby" hoho.

Napabalik yung tingin ko sa family picture nila.

"Uhm... Kian?"

"Yes Baby?" sabi niya ng nakangiti.

"Ah... Eh... Sino yang batang yan?" turo ko do'n sa batang babae na nasa picture.

"Ah yan?"

Tumango ako.

"Half sister ko." bigla siyang nalungkot nung sabihin niya yun.

"Half sister?"

"Yeah. Kapatid ko siya kay Mommy." sagot niya.

Teka... Yung batang babae na yun half sister niya? Siya rin kaya yung bata na nakita ko sa picture nila Prince at Rapahael?

"Kian alam mo parang nakita ko na siya."

"Huh? Saan?"

"Sa kwarto ni Prince. May nakita akong picture doon sa kwarto niya na tatlo silang bata. Saka kay Raphael din. Teka... Nasa'n na nga pala siya?"

Pagkasabi ko nun, pakiramdam ko mas lalo siyang nalungkot.

Teka... Kung yung half sister ni Kian at yung batang babae na nakita ko sa kwarto ni Paa ay iisa lang. Ibig sabihin---

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon