Chapter 14

44.5K 562 43
                                    

Chapter 14

PRINCE'S POV

Wala kaming pasok ngayon kaya heto manunuod na lang kami ng mga movie sa sala. Mag mo-movie marathon na lang kami. Ayaw ng iba maglaro ng basketball kasi tinatamad daw sila.

"Nagugutom pa ko. Teka muna mga tol ah kukuha muna ako ng makakain natin." Tatayo na sana si Luke pero pinigilan ni Kislap.

"Naku! Wag na Luke. Ako na lang tutal magsi-CR din naman ako eh."

"Okay sige sabi mo yan ah." Sabi ni Luke at tumango-tango na lang si Kislap at pumunta na siya sa kusina.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya pinapansin. Bakit ba? Eh sa ayaw ko eh. Tss.

*Ring ring ring*

Urgh! Kanino bang cellphone yun? Kainis! Ang ingay masyado!

"Hoy! Kaninong cellphone ba yon? Sagutin niyo na nga yan! Ang ingay eh!" Kita mong nanunuod ng movie tapos ang ingay ingay! Takte!

Hinanap ni Nicko yung cellphone na ring nang ring hanggang sa nakita na niya.

"Oh! Kanino 'to?" tanong ni Nicko tapos tinaas niya yung cellphone.

"Patingin nga." sabi ni Alex at binigay naman ito ni Nicko.

"Uy. Sinong may Babe J dito ha? Babe J yung nakalagay na pangalan ng tumatawag eh." Alex

"Oy mga pre! Kaninong chicks yan? Sa inyo ba yan?" Patrick

"Ako nga patingin." sabi ni Kian tapos binigay ni Alex sa kanya. "Teka kay Dom 'to cellphone ah."

Huh!? Kay Kislap? Kung sa kanya bakit... Bakit Babe J ang nakalagay? Wag mo sabihing may boyfriend pala siya?

"Patingin nga!" kinuha ko kay Kian.

Nung tinignan ko yung cellphone niya nakalagay nga BABE J.

"Ay! Pano ba yan Kian at Prince! May boyfriend na pala yang si Dom eh. Hahaha!" Pang-aasar ni Luke.

Hindi naman nagkukwento sa'kin si Dom ah! Pero kung sabagay. Hindi ko na pala siya masyadong kinakausap.

"Oh!" binigay ko na ulit kay Kian. Hmp! Wala akong paki diyan kung may boyfriend na siya o wala!

"Uy! Uy! Uy Kian! Ibalik mo na yan dito. Paparating na si Dom!!!" Nathan.

Binalik na nga ni Kian yung cellphone ni Kislap kung saan ito nakalagay kanina. Nagsibalikan naman ng pagkabilis-bilis sa dati nilang pwesto 'tong mga hunghang na 'to. Tsk! Mga baliw talaga! Umupo sila na kunwari wala nangyari at ganun na rin ang ginawa ko.

***

DOMINIQUE'S POV

Pabalik na ako sa sala dala ko ang gabundok na mga pagkain. Haha! Sabi kasi ni Manang kulang pa raw yung dadalhin ko sanang snacks kanina. Sabi niya mga dragon ang laman ng mga tiyan nila kaya eto ang dami kong dalang pagkain. May dalawang box ng pizza tapos may isang malaking bowl ng fries at popcorn.

Pagdating ko sa sala para silang mga ewan! Ang ayos nila sa pag-upo. Napaka-pormal pa nga ng mga upo nila eh samantalang kanina yung iba nakasalampak sa sofa, yung iba nasa sahig at yung iba nakataas pa yung mga paa. Pero ngayon? Bakit lahat sila mga nakaupo? Nge? Anyare?

Dahil ba sa alam nilang may mga dala akong snacks kaya nakaayos sila? Tsaka bakit parang nakatingin na sila sa isa't isa? Tapos na ba yung movie? Anong meron?

"Oh? Bakit ganyan kayo makaupo? Tsaka bakit ganyan yung tingin niyo sa'kin? May nagawa ba kong mali? May dumi ba ako sa mukha? Ha? Saan?"

"Ah... Eh... Wala naman. Hehe!" Patrick

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon