Chapter 68

16.2K 352 87
                                    

Chapter 68

PRINCE'S POV

*beeep beeep*

"Urgh! Fvck! Move your fucking car away!!!" sigaw ko.

Nandito ako sa kotse ko at sobrang traffic.

Fvck! My son needs me! I need to fvcking go to hospital right now!

Kanina lang ay tinawagan ako ni Danica na nasagasaan ng kotse si Josh habang nasa park sila. Urgh!

Oh Lord. Please save my son. Help him. Please.

Nang makarating ako sa ospital nagtanong agad ako sa nurse kung sa'n ang emergency room at tinuro naman niya agad ito sa'kin.

Naabutan ko si Danica sa labas ng emergency room na umiiyak. Puro dugo ang damit niya. Napatakbo siya sa'kin at niyakap ako kaya niyakap ko rin siya. Sobra siyang nanginginig at pakiramdam ko anytime ay matutumba siya. Kaya pinaupo ko muna siya.

"Danica tahan na. Nandito na ako. Everything's gonna be fine. We should just believe." sabi ko habang pinapatahan siya. Magkayakapan lang kami rito. Iyak pa rin siya ng iyak. Sabi kong kumalma siya pero ako etong hindi rin mapakali.

Oo inaamin ko, ipinagtatabuyan ko ang anak ko kay Danica pero hindi ibig sabihin nun na wala akong paki-alam sa anak ko. Anak ko yun kaya natural lang na mag-alala ako.

"It was all my fault... Kung sana... Kung sana hindi ko siya pinabayaan... Hindi sana---"

"Shh... Tahan na okay. Magiging okay rin ang baby natin. Don't worry."

Hindi ko kakayaning mawala siya. Kahit isang pagkakamali lang kung bakit siya nabuo hindi ko pa rin maitatangging anak ko siya. Kaya nag-aalala ako ng sobra.

"Prince, hindi ko kakayaning mawala ang anak natin. He is the most precious person in the world for me. Hindi ko kayang mawala siya Prince..." niyakap ko na lang siya ng mahigpit para malaman niyang nandito lang ako sa tabi niya.

Maya-maya lang ay biglang nag-ring ang phone ni Danica.

Tumayo siya at lumayo sa akin. Maybe an important phonecall.

Nang matapos na ang pag-uusap nila ng kausap niya sa phone, tinanong ko siya kung sino yun.

"That was my Dad. Tinext ko siya about what happened to Josh. Sandali lang." tumayo siya at inayos ang sarili niya.

"Saan ka pupunta?" pagtataka ko.

"To the chapel."

"Gusto mo bang samahan kita?"

"No need Prince. Stay here. Stay with our son."

"Okay." Sabi ko at niyakap ko na lang siya. She's really in pain. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot ngayon.

"Don't worry okay? Nandito lang ako. Josh will be fine."

"Thank you Prince." pagkasabi niya nun umalis na siya.

Few minutes later at lumabas na yung doctor. Tinanong ko siya kung kamusta na ang anak ko at ang sabi lang niya maraming nawalang dugo kay Josh. Kailangan ko raw makahanap ng blood donor para sa anak namin. Pero mas gusto kong ako na lang ang mag-donate. Healthy naman ako at walang bisyo.

Pababa na ako when suddenly...

"Oh! Prince hijo! Long time no see!" Someone caught my attention. She's my auntie; she's a doctor here. Pinsan siya ng Mommy ko.

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon