Chapter 27

37.1K 488 39
                                    

Chapter 27

PRINCE'S POV

Pucha! Kanina pa ako hindi mapakali rito sa gym. Ewan ko ba pero iba ang pakiramdam ko. Bigla akong kinabahan nung hindi sumasagot si Kislap sa tawag ko.

Takte! Nasaan ba kasi yung babaeng yun? Gabi na oh. Tsk!

Lumabas na ako sa gym at pumunta sa may gate ng school. Itatanong ko kay Manong guard kung nakita niya bang lumabas si Kislap.

"Oh! Sir Prince. Gabi na ah. Bakit nandito pa po kayo?" Manong Guard

"Manong, diba kilala niyo naman si Kis--- I mean si Dominique?"

"Ah... Yung lagi niyong kasama na magandang babae?"

"Opo. Siya nga. Nakita niyo ba siyang umuwi na?"

"Uhm... Parang hindi pa po yata. Hindi po ako sigurado Sir Prince. Sa dami ba naman ng nag-aaral dito sa AU eh, hindi ko na sure kung lumabas na yun." sabi niya

"Oh sige Manong." sabi ko at tumakbo na ulit ako sa loob ng campus.

Pucha! Kinakabahan na talaga ako. Gabing-gabi na. Nasan ka na ba Kislap? Bakit kasi pinatay mo pa yung cellphone mo. Badtrip naman oh!

Pinuntahan ko na lahat ng building dito sa University. Takte. Wala akong mahigalap na Kislap.

Baka naman umuwi na yun! Tsk! Di man lang nagsabi kung sasabay ba siya o hindi.

Urgh! Gusto ko na sanang umuwi kaso parang may nagsasabi sa'kin na 'wag muna akong umuwi. Pucha naman oh! Nasaan na ba yun?

Tawagan ko nga sila smurf baka nandun na siya.

***

NATHAN'S POV

"Pre ang tagal naman nila Prince baka mamaya tatay na bukas si Prince. Hahaha!" Luke

"Gago! Baliw ka talaga!"

"Pucha ka. Wag ka nga magmura." Saway ni Luke sa'kin pero siya rin naman nagmumura. Tsk! Baliw talaga.

"Mga iho nasaan na yung dalawa? Gabi na oh." sabi ni Manang.

Nandito kami ngayon sa kainan. Hindi na namin sila hinintay. Gutom na mga dragon namin sa sobrang tagal nila. Hahaha.

"Naku Manang! Baka po nagde-date yung dalawa." Ryan

"Oo nga. Baka sinusulit nila yung mga araw na wala si Kian. Haha!" Sean

"Dumadamoves na rin si Captain. Ice yan tol." Nicko

"Haba ng hair ni Rapunzelo." Alex

"Mga gagong 'to. Lakas ng loob niyo pag-chismisan si Prince ah. Porket wala siya rito. Haha." ako

"Asus! Ikaw nga rin diyan eh." Patrick

"Pero saan kaya sila pumunta? Gabi na rin eh." Michael

Captain Doofus calling...

Wag niyo na lang sabihin kay Prince na yan yung pangalan niya sa contacts ko. Hahaha!

"Hoy! Tumahimik kayo. Tumatawag si Prince." sabi ko at nanahimik naman sila.

"Oh Cap---" di ko na natuloy sasabihin ko. Bigla kasing nagsalita 'tong si Prince.

"Smurf! Nandyan na ba si Kislap?"

"Huh? Wala pa. Kala ko ba magkasama kay---"

*toot toot*

Takte talaga 'to. Nice talking eh. Bigla na lang akong binabaan. Tsk!

Teka? Bakit niya hinahanap si Rapunzel? Diba magkasama sila?

"Oy. Bakit daw?" Ivan

"Tinatanong niya kung nandito na raw ba si Rapunzel."

"Ha? Bakit? Diba sabay sila?" Manang

"Oo nga. Si Prince naka-toka ngayon kay Dom ah." Nicko

"Ewan ko ba. Bigla tuloy akong kinabahan." ako

"Hahaha. Para ka namang ewan. Ayan kasi kape ka nang kape." Luke

"Ewan ko sa'yo. Kumain ka na nga lang diyan."

***

DOMINIQUE'S POV

Huhuhu. Anong oras na kaya? Umuwi na kaya si Paa? Huhu. Paano na ako nito?

Asa naman ako dun na nandito pa yun. Mainipin pa naman yun.

Waaaaah!!! Ayokong matulog dito. Magmumukha akong dugyot na daga. Saka ayoko rin mapag-isa rito. Nakakatakot. May mga kung anu-anong kumakaluskos. Waaaah! Pusa lang yun. Pusa lang yun Dom! Wala yun.

Yan yung nasa isip ko pero tae naman Eh wala namang pusa sa school eh. Waaaah!!!

Nakakagutom na rin. Yung mga dragon ko sa tyan ko kanina pa nagwawala. Huhuhu. Kanina pa rin ako paulit-ulit na sumisigaw ng tulong dito. Umaasa na baka may makarinig sa'kin. Pero parang wala ng katao-tao. Huhuhu.

"Tulong! Tulungan niyo ko!" sigaw ko nanaman ulit. Kinakalabog ko na nga yung pinto rito baka sakaling may makarinig. Pero parang wala na talaga. Huhuhu! T___T

Tuluyan ng tumulo yung mga luha ko. Waaaah! Ayoko na rito. Nakakatakot na talaga. Huhuhu.

Sobrang gutom na gutom na ako. Pinagpapawisan na rin ako dahil nga nasa isang bodega ako at wala naman masyadong pumapasok na hangin dito. Medyo nahihirapan na rin akong huminga.

Lord help...

"Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw pa rin ako nang sigaw do'n hanggang sa...

Unti-unti ng dumilim ang buong paligid ko... Unti-unti nang hindi ako makahinga...

***

PRINCE'S POV

Tinawagan ko na si Smurf kung nandun na ba si Dom pero f*ck! Wala pa siya dun. Malakas ang pakiramdam ko na nandito lang siya.

Inikot ko na ang buong University. Isa na lang ang di ko pa napupuntahan at medyo kinakabahan ako na baka nandun siya sa lugar na yun. Dahil yung lugar na yun once na ma-stuck ka dun talagang di ka makakalabas. Sira kasi yung pinto nun kaya di yun sinasarado. Ewan ko ba kung bakit di pa yun pinapaayos. Pag malaman ko lang na nandun siya. Mananagot sa'kin yung mga tao na di pinapaayos yung bodegang yun. Tsk!

Pumunta na nga ako sa bodega

Shit. Kilala ko kung kaninong bag yun. Pucha! Dapat pala kanina ko pa 'to pinuntahan. F*ck!

"Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw niya sa boses niyang naiiyak.

Tae! Bakit ba siya nandiyan?!

Tumakbo na ako papalapit sa pinto.

"Hoy Kislap! Ano bang ginagawa mo dyan?"

Bakit walang sumasagot?!

"Hoy Kislap! Ano ba?!" sigaw ko ulit. Pero... Still no response.

Pucha naman oh! Kinakabahan ako. Ano bang nangyayari rito sa Kislap na 'to?!

Mabuti naman at may nahigalap akong bakal. Pinalo-palo ko yung pinto hanggang sa mabuksan.

Nang mabuksan ko yung pinto. Nakita ko si Dom na walang malay. Takot na takot yung mukha niya tapos parang galing siya sa pag-iyak. Tangina mananagot talaga sa'kin gumawa nito sa kanya.

Nang makita ko siya bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. 'Di ko kayang makita siyang ganyan.

"Shh... Sorry natagalan ako.. Nandito na ako. Gising na Dominique. " sabi ko habang yakap pa rin siya.

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon