Chapter 40

39K 430 50
                                    

Chapter 40

DOMINIQUE'S POV

Pauwi na kami ni Paa. Paano ba naman, yung dalawang mokong kanina. Pinagsabay kami umuwi. May gagawin pa raw sila. Naku! Mga palusot nila eh.

6pm na ngayon at nagugutom na ko.

Napansin kong ibang daanan na yung dinadrive ni Paa, hindi na 'to papunta sa bahay.

"Paa saan tayo pupunt---"

*kruuu~ kruuuu~*

Napatigil ako nung tumunog yung tiyan ko. Napatingin siya sa 'kin.

"Kakain tayo." sabi niya at binalik na niya yung tingin niya sa kalsada.

Whooo!!! Ang sarap marinig sa isang tao ang mga salitang "Kakain tayo." Haha. Masarap pa sa salitang I love you. Charing! XD

Ang galing talaga ni Paa manghula kung gutom na ba ako o hindi. Hahaha. Lakas ng pandinig sa tiyan ko. Nakakaloka! Hahaha!

--

"Good evening Ma'am and Handsome Sir, here's your order!" sabi nung waitress na todo ngiti at pacute kay Paa. Nasa'n ba yung manager at masumbong 'to? Tsk! Simula dumating kami rito kanina, umaaligid na yan kay Paa eh.

Siya nga pala, nandito kami ngayon sa restaurant na... as usual, mamahalin.

"Thanks." sabi ni Paa at nginitian pa yung waitress. Kailan pa siya naging mabait sa mga waiter at waitress?!

Maya-maya umalis na yung haliparot na waitress. Ngiting-ngiti pa nga yung babae siguro kinilig siya sa pag-ngiti sa kanya ni Paa. Ito namang si Paa may pangiti-ngiti pa do'n.

"What? Are you jealous?" Kapal naman nito! Selos? Ako? Mukha niya!!!

"HINDI AH!" napasigaw ako. Kaasar kasi eh.

>___<

Napansin kong napatingin lahat ng mga customers sa 'kin.

P-A-T-A-Y!

=___=

"Pagpasensyahan niyo na po yung girlfriend ko. Gutom lang siya. Diba Babe?" sabi niya tapos tinignan niya ako na para bang sinasabi niya na sakyan ko na lang siya. Psh!

Napatingin naman ako sa mga taong kumakain dito at parang naiirita sila sa ingay ko. Huhuhu. Nakakahiya.

"Ah... Hehehe. O-opo. Sorry po." sabi ko at ngumiti.

Pagkatapos ng nakakahiyang eksena na yun nagsibalik na silang kumain.

Naku! Nakakasar talaga! Nakakahiya! Huhuhu.

"Ayan kasi selosa. Tsk. Hahaha." Sabi niya habang natatawa.

"Psh! Kala mo naman nagseselos ako." Sabi ko at nagsimula na akong kumain.

"Well... State the obvious." blablabla! English english pa 'tong Paang 'to. Hmp!

Hindi ko na lang siya pinansin at nilamutak ko na lang yung pagkain na nakahain sa lamesa.

"Kislap." Tawag niya sa 'kin. Tumingin naman ako sa kanya ng masama. Mamaya pag-tripan nanaman ako nito eh. Pa'no ba naman nakangiti siya eh. Hindi ko gusto yang ngiti na yan. Parang may binabalak na naman na masama. Tsk!

"Bakit?" Irita kong tanong sa kanya.

"Ito namang girlfriend ko hindi mabiro. Hahaha." A-ano raw sabi niya g-girlfriend?! Feel na feel niya pa yan kanina pa.

"Girlfriend mo mukha mo. Kumain ka na lang diyan." Sabi ko at kumain na lang ako pero 'tong kasama kong si Paa ayaw patigil.

"May ka-date ka na bukas sa ball?" tanong niya kaya napatigil akong kumain. Teka wag mong sabihing idadate niya ko?

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon