Chapter 37

36.1K 426 17
                                    

Chapter 37

LUKE'S POV

"Naku pre! Wala na! Olats na! Mukhang naiwan sa loob sila Prince at Dom eh." sabi ko at tinapik-tapik ko sa balikat si Kian. Hahaha.

Nandito na kasi kami sa labas except kayla Jae, Ryan, Alex, Pinky, Michael, Ashley, Prince at Dom. Akalain mo yun? Sila-sila talaga ung naiwan sa loob. Nakanaman! Kaya tong kasama naming si Kian mukhang makakasira ng booth eh. Hahaha. Asar na asar siya. Hahaha.

Iniwan ko na lang sila dun. Nagkahiwahiwalay na kami ng landas. Pumunta ako sa cafeteria. Bibili ako ng juice.

Whooo! Kapagod kaya tumakbo noh! Nanananching lang ata ung mga fake na multo samin eh. Hmp! If I know halos lahat ng nandun mga babae. Eh kasi naman kanina kung makahawak sakin ung white lady. Yaaay!

Ang dami pa ring tao sa AU. Wala eh. AU yan eh. Pa-enroll na rin kayo dito para masaya. Hahaha.

Pumunta na ako sa isang stall. Nakakauhaw talaga.

"Ate pabili po ng orange juice. Palagay na lang po sa baso." sabi ko. Pagkatapos inabot na sa'kin nung ale ung juice. Iinom na sana ako kaso...

Splash!

What the! Oh my white v-neck shirt! Waaaah! White pa naman ung suot ko tapos... Tapos...

"Hey! What do you think your do---" napatulala ako sa babaeng nakabunggo sa'kin kung bakit nabuhusan ako ng orange juice.

"S-sorry po. Mister. S-sorry. Mister... O-orange. Naku! O-orange! Mister Orange. Sorry." paulit-ulit niyang sabi habang pinupunasan niya ung t-shirt ko ng panyo ko. A-ano raw? M-mister o-orange?

Pero kahit na natapunan ako...

*dugdugdug*

Shet! Ba't ganito ung puso ko. Wag mo sabihing...

Mamamatay na ako!

Hahaha. Joke lang. Teka! Na... Na-love at first sight ata ako sakanya. Shet! Nakakabakla tong pinag-sasabi ko.

Kakausapin ko sana siya habang punas siya ng punas ng damit ko ng may biglang dumating na babae.

"Pot! Pot! Pot! Dun tayo dali! Ang daming gwapo! Waaah!" sigaw nung babae na papalapit na dito.

A-ano raw? Pot? Pot? Pot? Pot? Potpot? Potpot pangalan niya?

Ang... Ang ganda pa naman niya tapos potpot? Potpot lang ung name niya? Waaaah!

"Hey yow yow pot! Dali! Dun tayo! May nakita akong gwapo!" sabi nung babae na yow ng yow. Ano ba siya? Nagrarap ba to?

"Salamat." nasabi ko na lang. Nung natapos na ung potpot sa pagpupunas ng tshirt ko na wala pa rin namang nagbago dahil naka-white nga ako nag-sorry ulit siya.

"S-sorry po ulit." sabi niya at umalis na. Hinila-hila na kasi siya nung yow ng yow na babae.

"T-teka wait!" sigaw ko pero wala na. Di ko na sila nakita.

"Hoy Luke! Kanina pa kita hinahanap diyan! Anong nangyari sa tshirt mo? Wala ka na bang pangligo kaya Orange juice na lang nagdiskitahan mo tsaka bakit ka ba nakatulala diyan? Kanina pa ko salita ng salita dito."

"Hoy Luke!!! Ano bang nangyayari sa'yo!?"

"A-apple..."

"Apple? Anong pinagsasabi mo diyan?"

"Apple... She's an apple to my pie!"

"Araaaay!" napasigaw ako. Ang sakit!

"Hoy Sean! Bakit mo ba ko binabatukan diyan? Ayan ka nanaman ah!" sigaw ko sa kanya.

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon