Chapter 43

38.7K 430 58
                                    

Chapter 43

DOMINIQUE'S POV

Ilang araw na ang nakalipas mula nung naganap ang ball namin sa Addison at ang pagtatapat ng pag-ibig sa'kin ni Kian. Lalim.

Maraming nangyaring unexpected nung gabing 'yun.

Una nagtapat sa 'kin si Kian. Pangalawa, ako yung naging Queen of the Night tapos si Paa naman yung King of the night. Pangatlo, akala ko kung sino yung kasama ni Paa, akala ko may ka-date siya, 'yun pala Mommy niya lang pala 'yun!? Nakakaloka! Ang ganda niya kasi eh tapos mukha pa siyang bata! No wonder kung bakit maganda rin si Babe A.

Nung gabing 'yun, sa bahay natulog si Tita Cath. Tapos kinabukasan, ayun... usap-usap lang. Kinamusta niya pa nga ako eh. Kung kamusta na ako sa school at kung kamusta ang pamilya ko sa probinsya. Sabi ko naman na kada-bigay nila sa 'kin ng sweldo ko pinapadala ko kaagad kayla Nanay.

Hay... Speaking of pamilya, namimiss ko na sila ng sobra. Huhuhuhu. Kamusta na kaya sila? Nung huli kong tawag kasi nung nakaraang araw pa eh.

Tama na nga ang drama. Baka maiyak lang ako. Haha.

Back to kwento na. So, ayun nga as I was saying... Hahaha. Lol! Englishera ang lola niyo!

Yung pang-apat, pumunta yung WILD WOLVES sa ball namin!!!

OO! PUMUNTA SILA!!!!

I mean hindi naman lahat. Sina Jacob, Louis, Zane at Raphael lang. Tinupad nga ni Raphael yung sabi niya dati na pupunta sila sa anniversary ng AU. Naalala niyo pa 'yun? Haha.

Nag-selos lang naman sina Michael, Alex at Ryan nung mga panahon na 'yun. Pa'no ba naman, may dala-dala silang boquet ng roses para samin. Oo kasama ako. Haha. Binigyan ako ni Raphael. Syempre yung tatlong babes ko, ayun super kilig. Unexpected daw kasi na pupunta sila tapos may dala pang mga bulaklak. Oh diba? Sino ba namang hindi kilkiligin dun at syempre sino ba namang hindi magseselos sa ginawa nila Raphael? Hahaha.

After nung ball, ayun back to normal na ulit ang buhay ko. Papasok sa school. Pagkauwi maglilinis ng bahay at gagawa ng mga homeworks sa school, mag-aaral ng lecture at kung anu-ano pa.

At nitong mga nakaraang araw super sweet sa 'kin ni Kian! Hindi naman ako nagsisisi na pinayagan ko siyang manligaw sa 'kin eh. Siya kasi yung taong full of efforts tapos super sweet at gentleman pa at isa pa crush ko rin naman siya. Hohoho.

Minsan nga magugulat na lang ako may chocolates na sa locker ko galing sa kanya. O diba!? Lakas maka-haba ng hair! Nyahaha!

Nagulat nga ako nung isang araw eh. Nasa room kami nun, may klase pa kami nang biglang may kumatok sa pinto...

FLASHBACK

*tok tok tok*

"Come in." sabi nung professor naming babae na masungit. Palibhasa matandang dalaga kaya super sungit talaga niya. Huhu.

Nagulat na lang ako sa taong pumasok sa room namin. Kaya yung mga classmates ko especially Ashley, ayun naghihiyawan.

Syempre alam ng buong campus yung nangyari nung ball pati mga professors, at mga staff sa school. Nakakahiya!

"What is it Mr. Collins?" tanong ni Ma'am ng nakangiti.

Teka... Nakangiti? Si Ma'am? Ameyjing!

What?! Bakit parang umamo bigla yung fesz ni Ma'am? Anyare?

"Tignan mo si Ma'am oh. Makangiti wagas! Palibhasa ang gwapo ni Kuya Kian eh. Tsk. Tsk. Haha." sabi ni Ash. Katabi ko lang kasi siya.

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon