Chapter 17

49.4K 533 34
                                    

Chapter 17

DOMINIQUE'S POV

Ilang araw na ang nakalipas. Ganun pa rin naman ang tema ng buhay ko nung mga nakaraang araw.

Kapag papasok ako sa school, halos lahat ng mga estudyante ng AU sa kagandahan ko lagi nakatingin. Hahaha.

At hindi rin mawawala yung Banana Girls sa buhay ko. Wala silang sawa sa pambu-bwisit sa'kin. Kung anu-anong mga parinig. Hay... Bahala sila diyan. Magsasawa rin sila. Sila lang din naman ang mapapagod eh. Nakakapagod na makipag-talo sa kanila. Huwag lang nila akong punuin.

Jail will break loose, este Hell will break loose pala. Korny ko, ipatapon sa Nokor! XD

Sya nga pala nandito kaming lahat sa gym, ang Exotic Lions pati yung mga Babe ko. Bukas na ang laban nila Paa kaya dito muna kami pinapanuod silang mag-practice. Kami-kami lang naman yung nandito eh. May mga gustong makinuod din ng practice nila pero ayaw nila Prince, puro mga fangirls lang daw yun at masakit sa tenga makarinig ng tilian. Oh edi kayo na may fans. Nyahaha.

Pero grabe ang galing talaga nila lalo na si Paa. Hindi nakakapagtaka na siya yung Team Captain nila. At isa pa, pagdating sa practice, practice talaga. Hindi siya pabaya na Captain, hindi tula sa iba na walang paki-alam sa team.

Speaking of Paa, ayun minsan na lang kami mag-usap niyan 'pag may kailangan siya doon niya lang ako kinakausap, astig no? Ewan ko ba sa kanya kung ano problema niya. Wala naman akong natatandaan na may ginawa akong kasalanan sa kanya eh. Aish!

"Break muna team!" sigaw ni Paa.

Pumunta silang lahat sa bleachers kung saan kami naka-upo. Yung iba nagbibihis ng pang-itaas, grabe kasi mga pawis nila. Para na silang naliligo sa sarili nilang pawis. Pero kahit ganon, gwapo pa rin naman sila. Hehe.

Si Kian biglang tumabi sa'kin.

"Kian grabe naman yang pawis mo. Parang naligo ka na diyan ah." Sabi ko. Grabe kasi yung pawis niya. Kaloka! Pero ang sexy niya. Imaginin mo ang isang gwapong nilalang na pawis na pawis, imaginin mo yung mga butil ng pawis na dumadaloy sa kanyang katawan, ang basang buhok at ang hot na look. Okay... manyakis na naman ako. XD

"Gwapo pa rin naman kahit pawis. Haha!" Ay!? Ang hangin naman? Summer na ba? XD

"Hoy pre! Bawal sinungaling magagalit si Lord!" Nathan

"Sira dinamay mo pa si Lord! Nagsasabi lang ako ng totoo."

Tapos maya-maya bigla niyang hinubad yung damit niya na pang-itaas. Ay! Ano ba yan! Live show. *O*

"Uy Kian. Wag ka ngang maglive-show kay Dom dyan." Nicko

"Baliw! Nagbihis lang ako eh, live show agad. Psh!" maya-maya nakabihis na siya. SAYANG! Estse buti naman. Haha!

"Babe D, akin na yung niluto mo kanina." sabi ni Ash.

Kanina kasi bago kami pumunta nila Ash dito sa gym nagluto muna ako para sa kanilang lahat.

"Oh eto." binigay ko na kay Ash yung lagyan ng adobo at ng kanin.

"Mga kuya tara let's eat!" aya ni Ash at nagsilapitan naman sila dito sa pwesto namin.

"Wow Abo! Ikaw nagluto niyan? Marunong ka na pala magluto? Hahaha!" pang-aasar ni Michael at lumapit naman siya kay Ash para tignan yung pagkain.

"Ay hindi yung aso namin nagluto nito, para daw sayo para tumaba ka daw pag kinain mo. Buto ka na kasi eh! :P"

"Astig pakilala mo naman ako sa dog chef niyo." Sabi ni Michael at lumingon siya sa pwesto ni Ivan at sinabing, "Hon! Tara kain tayo! Gawa ng aso nila Abo! Subuan kita. Dali!"

Stuck in a TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon