Chapter 6

1.1K 27 1
                                    

NANG makarating ako sa hospital agad akong tumakbo papasok at dumaretso sa biometric fingerprint time attendance sa  nurse station banda. Atomatic kong pinatong ang hinlalaki ko sa biometric machine para maka check-in na ako kahit alam ko naman na late na ako ng sampong minuto. Hindi pa ako regular nurse rito dahil wala pa akong lisensya plano ko kasi talagang magproceed sa medicine kaya hindi pa ako nag take ng board exam. Si doc Thy Ron ang nagpapasweldo sa akin kaya ayaw kung malate sana kung totoosin dahil kakaltasan niya ang sahod ko.

Sabagay may kasabihan naman na, Dibale na lang ang malate kaysa ang absent at dibale na ang may kaltas kaysa ang walang sweldo dahil wala akong pambili ng feminine wash kung hindi ako magtratrabaho.

"Reality check!" bulaslas ko bago ko kinuha ang daily chart ko para ngayon umaga upang mabisita ang mga naiwang  pasyente ni doc Thy Ron at maibigay ang mga kailangan nilang gamot para mabilis silang gumaling at ma-discharge dito sa hospital.

Isa-isa kong pinuntahan ang mga nakaschedule ngayon at binigay ang mga gamot para ngayon araw. Pagkatapos wala na akong trabaho dahil sigurado akong hindi naman pupunta dito sa hospital si Babu dahil wala naman siyang importanteng gagawin kasi hinated ko naman ang files kanina sa kaniya at wala naman  sigurong emergency ngayon kaya doon muna ako sa nurse station magtambay hanggang lunch time at para makapag-out na agad ako mamaya.

"Nurse Jen?" tawag ko sa in-charge ngayon dito sa station.

"Yes, Alia?" sagot niya sa akin.

"Dito muna ako tatambay hanggang lunch time po," paalam ko at umupo sa may gilid para hindi ko  ma-esturbo ang trabaho nila.

"Sige. Wala naman kaming gagawin," sang-ayon niya sa akin.

"Salamat," saad ko at kinuha na ang telepono ko.

"Masubukan ngang magsearch kay ante Google," sabi ko at pumunta sa app ng Google at  nagtipa ng meaning for Analys at succeed Penetrate. Hinintay kong lumitaw sa screen ko kung anong ilalabas ni ante Google pero mabilis ko rin pinatay ang close button na'ng dumating ang kasamahan ni nurse Jen na si Karyll kaya na patayo ako at yumuko.

"Andito ka pala, Alia?"bungad niya sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya.

"Opo,"paggalang kong sagot dahil mas matanda sila sa akin.

"Nurse Alia?" tawag ni Jen sa akin.

"Po," tungon ko.

" Na panood mo na ba ang trending ngayon?" tanong niya. Bigla akong nacurious pero
umiling ako dahil wala akong alam sa trending ngayon dahil ang nasa isip ko ay ang pera, feminine wash at iba pa.

"Iyong Fast in the furious X," bigla akong na patayo dahil sa sinabi niya . Na excite tuloy ako ngayon at gusto ko na agad panoorin dahil Idol ko sila Dom at Bryan. Napanood ko simula umpisa ang Fast and Furious dahil magagaling sila sa mga car race show.

"Panoorin natin, dali! " mabilis na wika ko at lumapit sa kanila.

"Nakaduty tayo, Alia!" sita sa akin ni Karyll.

"Wala naman si doc Thy Ron hindi iyon pupunta rito," inporma ko dahil sigurado talaga akong hindi pupunta iyon dito. Maniniwala sila sa akin dahil ako ang assistant nurse niya at ako ang nakakaalam ng schedule niya.

"Sige na," pagkukumbinsi ko sa kanila at sinamahan ko pa ng pahilot-hilot sa mga  balikat nila.

"Tumigil ka nga Alia," sita  sa akin ni Jen at inalis ang kamay ko sa balikat niya.

"Sige na please," paki-usap ko at nag pacute ko.

"Ikaw ang mananagot sa amin kapag malaman ng may aring nanonood tayo sa mismong oras ng trabaho," sabi ni Nurse Karyll sa akin kaya tumango ako.

FPS #2: Doctor's Compelled AffairWhere stories live. Discover now