Chapter 41

393 9 1
                                    

Patakbo akong lumabas at malapit na sana ako sa pinto pero isang lalake ang mabilis na humatak sa isang kamay ko kaya nagwala na ang sistema ko tapos na alarma na ang buong pagkatao ko. Hindi na ako maka pag-isip ng mabuti dahil hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na nang hawakan nila ang magkabilangan kamay ko at pilit na pinapapasok ulit sa loob ng condo.

Nagwala na ako pero wala pa rin pala sa kanila kaya umupo at nagpabigat para mainis sila at pahirapan silang hatakin ako papasok sa loob pero nagkamali ako dahil tawa lang ang narinig ko mula sa kanila na parang mga batang nakikipaglaro ng hilahan sa akin hanggang sa makarating kami sa sala.

"Tama na iyan!" sita ng isang lalake kaya automatic akong tumingin sa kaniya at nagtitigan kami.Biglang bumukas ang pinto ng isang kwarto at lumabas ang tatlong tao. Isang babae at dalawang lalake na nagtatawanan pa at may kasamang harutan. Tumingin sila sa akin bago ngumiti na parang wala sa sarili.

Nag iwas ako ng tingin at dumako ang tingin ko sa mesa sa harapan nila doctora Shantal. What the h*ll what's going on? Tanong ng isip ko. Bakit may mga foil sa ibabaw ng mesa...Hindi ko na natuloy ang iniisip ko ng makita ko ang ginawa ng babaeng kahalikan ni Shantal sa foil sa mismong mesa. Ang nakikita ko ngayon ay ang sagot sa tanong ng isip ko. They are using dr*g here at her condo. Napalunok na lang ako ng laway dahil lumapit pa ang tatlong kalalabas lang sa kwarto at nag umpukan sila sa mesa na animo'y gutom na gutom dahil nag-aagawan pa sila pagkatapos sabay - sabay silang tumingin sa akin.

"Who are you?" tanong ng isang lalake at tinuro pa ako. I bow my head dahil matatalim na ang mga tingin nila sa akin tapos mapupula na rin ang mga mata nila kaya alam kong isang kamali ko lang yari ako dahil hindi na nila hawak ang kanilang isip. They all high and hyper baka ano pang gawin nila sa akin.

"Pakawalan niyo na po ako please," paki-usap ko.

"Please po," Tumingin ako kay kuya Rey dahil feeling ko matino na ang isip niya. Nakita kung umamo ang mukha niya kaya alam kong makikinig siya sa akin. Naisip kung ito na ang pagkakataon at lulubusin ko na dahil nawawala na ang tama niya sa dr*ga iba siya kanina kasi para siyang baliw dahil tumatawa siya tapos umiiyak pa.

"S-Sige na... P-Please... N-Nakiki-usap ako sa iyo...Kuya Rey, please?" utal-utal kong sabi habang nakatingin lang sa kaniya.

" Kuya Rey..."

"Wag kang maniwala sa kaniya Rey," Hindi ko natuloy ang gusto kong sabihin ng magsalita si dr. Shantal tapos sinundan niya ito ng sunod-sunod na halakhak at tatlong palakpak. Tapos dahan-dahan siyang lumapit sa akin na parang nagliliyab ang mata niya sa galit kaya natakot ako sa pwede niyang gawin tapos naririnig ko pa ang mga kasamahan niyang tumatawa na parang laro lang itong senaryo sa kanila.

"Bitawan niyo ako!" sabi ko sa dalawang naka hawak sa kamay ko. Huminto sa paglalakad si doctora ng isang metro ang lalo sa akin at pinagcross lang ang dalawang braso sa kaniyang dibdib.

"Bitawan niyo ako! Bitawan niyo ako sabi, eh! "sigaw ko at pilit na inaalis ang pagkakahawak nila sa kamay ko pero mas malakas sila sa akin kaya umiyak na lang ulit ako sa harapan nila. Wala akong magawa dahil gusto ko ng umuwe at ntatakot na ako dito sa pinasok ko. Tapos na mamanhid na rin ang dalawang kamay ko na mahigit nilang hinawakan at ang panga ko na mahigpit na pinisil ni kuya Rey kanina.

"Ano ba kasi? Bitawan niyo ako!" galit na sabi ko at malakas na hinila ang dalawang kamay ko at tinulak sila dahil sa galit ko.

"Hawakan niyo siya!" utos ni doctora sa dalawang lalake kaya atomatic naman ulit na gumalaw ang mga ito.

"Ano ba! Bitawan niyo ako!" galit na sabi ko at nagpumiglas sa kanila pero alam kong wala akong magagawa dahil mag isa lang ako at marami sila baka mapano kami ni baby kailangan kong maka isip ng paraan kaya huminga ako ng malalim at pumikit dahil nasa harapan ko na siya.

FPS #2: Doctor's Compelled AffairWhere stories live. Discover now