Chapter 8

1K 25 1
                                    

PALABAS na ako ng hospital dahil tapos na ang duty ko at lunch time. Naglakad pa ako papuntang kalsada upang mag-abang ng taxi papuntang mall kung saan kami magkikita  ni Elisha.

"Naku po! Wala pala akong telepono," bulaslas ko. Kainis kasi talaga si Babu ang pangit niyang ka bonding palibhasa kasi tumatanda na. Hay! Wala naman kasalanan ang telepono ko pero walang awa niyang binato sa pader at ayon  wasak ang kinalabasan.

Huminga ako ng malalim at lumingon kung saan ako nang galing. Bukod sa nakakapagod maglakad mainit rin dahil tirik na ang araw pero no choice pa rin ako kundi ang bumalik sa hospital dahil kailangan kung tawagan si Elisha. Hindi ko naman alam kung saan kami banda magkikita basta sa mall ang na pag-usapan.

"Hay! Nakakapagod kaya maglakad," Reklamo ko at nagsimula nang maglakad pabalik sa hospital.

"Nurse Alia?" tawag sa akin. Nasa harapan na ako ng elevator at nagpupunas ng pawis ko dahil ang init sa labas. Lumingon ako upang makita kung sino ang tumatawag sa akin ngumiti ako sa kaniya.

"Ano iyon?" tanong ko.

"Makikisabay ako,"sagot niya kaya kapwa na kami naghintay kung kailan bubukas ang pinto nitong elevator sa harapan namin.

"Hindi ka sasama sa Batanes?" tanong niya sa akin.

"Sasama po kuya," sagot ko.

"Hindi ko ata nakita ang pangalan mo sa screen kanina," inporma niya at sabay rin kaming pumasok sa loob ng elevator nang bumukas na ito.

"Substitute lang po kasi ako ni ate Karyll kaya wala po akong pangalan doon sa list," magalang na saad ko at pinindot ang fifth floor. Kailangan ko kasing bumalik sa executive office dahil makikitawag ako kay Babu.

"Dito na po ako," paalam ko kay kuya Rey at lumabas na sa elevator. Humarap ako sa kaniya at yumuko upang pag-galang. Ngumiti siya sa akin at nag babye gamit ang kaniyang kaliway kamay kaya kumaway rin ako habang dahan-dahan nang sumirado ang pinto ng elevator.

Nagsimula na akong maglakas habang pinaglalaruan ang aking mga kuko papuntang pintuan ng executive office. Actually kinakabahan ako dahil dito rin pala talaga ako babagsak. Akala ko pa naman hindi na ako babalik dito kasi sinagad-sagad ko na ang pang bwe-bw*sit kay Babu. Huminga ako ng malalim at kumatok ng tatlong beses.

"Bahala na si batman!" bulong ko at nag antay ng command kung bubuksan ko ba o hindi.

"Come in," malamig na boses galing sa kaniya. Na palunok ako ng tatlong beses bago ko binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang dalawang pares na mata kaya pilit ang ngiti ko at yumuko.

"I hired Dr. Simone Uno Santos," rinig kong inporma ni doc  Bob.

"What are you doing here?" malamig na tanong ni Babu sa akin kaya umangat ang ulo ko at tumingin sa kaniya.

"Manghihiram po sana ng telepono," lakas loob kong sagot sa tanong niya.

"Tatawag ko lang po si Elisha," segunda ko pa. Wala akong na rinig na salita mula sa kaniya kundi ang pag-abot lang ng telepono niya sa akin.

"Salamat po, Babu!" Wika ko at bahagyang pang nag bow bago ikinuha ang telepono niya. AHe nodded to me at bumaling ulit kay doc Bob.

"What his specialties?" seryosong tanong ni Babu. Dahan-dahan akong naglakad pa tungo sa pinto dahil alam kung seryoso ang pinag-uusapan nila ni doc Bob.

"Dermatologist," rinig kong sagot ni doc Bob bago ko binuksan ang pinto at lumabas.

"Maraming sakit sa balat kapag sa probensiya..." rinig ko pang segunda ni Babu pero ang ka tugdong ay hindi na, kasi sumirado na ang pinto.

FPS #2: Doctor's Compelled AffairWhere stories live. Discover now