Chapter 28

931 22 0
                                    

Tatlong araw akong nanatili sa hospital bago ako nakauwe sa bahay na bigong-bigo. Hindi man lang kasi dumalaw si Babu sa akin dahil ang palaging alibay niya ay busy raw siya. Feeling ko iniiwasan niya ako at ayaw niya akong makita samantalang ako gustong - gusto ko siyang makita.

Kinuha ko ang telepono ko at sinubukan tawagan siya. Gusto ko kasing maka-usap siya ng masinsinan about sa pagbubuntis ko at gusto kong malaman kung totoo ba ang sinasabi ni dra. Shantal na baog siya pero impossible naman kasi iyon kung baog siya edi sana hindi ako buntis ngayon.

"Hello Bab..." Hindi ko natuloy ang gusto kong sabihin dahil  boses ni dra. Shantal ang bumungad sa pandinig ko.

"Alia na patawag ka?" tanong niya. Hindi ako naka-imik. Hindi  magproseso sa isipan ko kung bakit magkasama sila ngayon ni Shantal.

"Hello..."

Bastos na kung bastos pero hindi ko na siya hinayaan magsalita. Ayaw kong marinig ang gustong niyang sabihin kaya binabaan ko na siya ng cell phone dahil sa naiinis ako at nagseselos na. Tama naman siya sa sinabi niya nung andon ako sa hospital dahil totoo naman kasi na walang ako sa buhay ni Babu.

Tinungo ko kung saan ako tumatambay kapag marami na akong iniisip. Umupo ako at humarap sa mga aquariums ko rito sa veranda at pinagmasdan ang mga isda kong malayang lumalangoy sa kaniya - kaniya nilang aquarium.

"Ang lungkot ko," wika ko sa kanila. Sila na ngayon ang sumbungan ko dahil wala naman akong maka-usap rito sa CASA. Marami ngang kasama sa bahay pero nahihiya naman ako sa kanila dahil nakita nila kung paano magalit si Babu sa akin.

"Masiyado ba akong umasa kay Babu?" tanong ko at tumayo bago lumapit sa kanila. Hindi naman nila ako masasagot pero humarap sa akin ang dalawang half-moon betta fish ko. Kahit magkaiba sila ng aquarium parang nafefeel rin nila na malungkot ako dahil nagbibigay sila ng aliw sa mga mata ko.

"Ang gaganda niyo na talaga," bulaslas ko. Lumangoy-lumangoy pa talaga sila at humarap ulit sa akin kaya na pangiti na ako dahil ramdam kong gumaan ang pakiramdam ko. Hindi na ako nag-iisa ngayon dahil maraming magagandang bagay na dapat isipin.

"Gusto niyo lang atang pakainin ko kayo eh," sabi ko at kinuha ang mga pagkain nila at pinakain sila.

"Ang gaganda niyo na talaga," aliw kong sabi sa kanila habang hinahaplos ang aquarium nila. Malinis pa naman ang tubig nila dahil kapapalit lang namin ni Kate no'ng isang linggo ito.

"Ma'am Alia?" tawag sa akin kaya lumingon ako kung saan nang gagaling ang boses.

"Po?"tanong ko.

"Meryenda po muna kayo ma'am," sabi niya at nilapag sa mesa ang meryenda.

"Sige Kate, salamat."

Tumango siya sa akin at yumuko bago tumalikod. Si Kate ang close ko rito sa CASA kasi mas matanda lang siya sa akin ng tatlong taon at isa sa pinapaaral  ni Babu dahil porsegedo siyang maka pagtapos sa pag - aaral. Siya ang kaisa-isang anak ng mayordoma rito sa bahay. Mabait sa kanila si Babu parang pamilya na ang turing sa kanila kaya matagal na rin sila rito sa CASA.

Napangalumbaba ako sa mesa at pinagmasdan lang ang hinandang meryenda sa akin. Wala naman kasi akong ganang kumain kasi si Babu ang gusto ko. Gusto kong makita si Babu pero ayaw niya naman akong makita dahil malakas ang pakiramdam kong iniiwasan niya ako.

Nagmeryenda akong mag-isa habang nanunubig ang gilid ng mga mata ko at nakatitig lang sa mga isda ko sa loob ng mga aquarium nila. Huminga ako ng malalim at tumayo. Tinungo ko ang kusena at nilapag sa ibabaw ng mesa ang hindi ko na ubos na meryenda at binigay na sa kanila.

Maliit lang kasi ang kinain ko dahil hindi ko naman gusto ang cookies at juice at isa pa wala akong gana dahil may gusto akong kainin ngayon na parang gusto ng panlasa ko. Balut na e-dip sa  gatas ko.

FPS #2: Doctor's Compelled AffairWhere stories live. Discover now