Chapter 7

1.1K 26 1
                                    

"HALLA!" gulat na sigaw ko at mabilis na lumapit sa pinangtaponan niya ng telepono ko. Bigla ako nang hina ng makita kong hindi na ito magagamit sa itsura pa lang.

"Babu! Bakit mo naman tinapon? binigay ni kuya ito eh," sabi ko at pinulot isa-isa ang cellphone ko na wasak-wasak katulad ng puso ko durog na durog na rin.

"Wala naman kasalanan itong telepono ko po," mangiyak-ngiyak na reklamo ko.

"T*ng*na!" mura niya.

"Pati ako pinag-iisipan mo ng kung anu-ano, asan ang utak mo Emerald?!" galit niyang tanong. Nakita kong nilabas niya ang kaniyang wallet at may kinuha doon bago nilapag ang isang black card sa ibabaw ng mesa nito.

"Hindi naman kasi sa gano'n po Babu, sinasabi ko lang ang nasa isip ko," sagot ko at bumalik sa harapan ng mesa. Nag-kunwari kong ayosin sa harapan niya ang telepono ko kahit alam kong hindi na talaga gagana ito dahil wasak na.

"Dinurog mo na nga ang puso ko pati ba naman ang telepono ko,"bulong ko.

"Buy keypad phone and use that black card in front of you! " seryosong utos niya at tinuro pa ang black card niya.

"Bakit keypad phone?" Reklamo ko.

"Ayaw mo?" tanong niya.

"Ayaw ko hindi ko naman magagamit," maikling sagot ko at umiling pa. Nuh! Hindi ako maarte pero ayaw ko talaga. Keypad phone lang naman ang bibilhin ko gamit ang black card niya? Ay wag na lang baka sabihin pa nilang feeling ako at baka ikaltas niya pa iyan sa araw para mabawasan ang isang taon na usapan. Hindi naman pwede iyon dahil may natitirang 355 days pa kami kasi sampong araw ko pa lang siya nakakasama sa bahay. Every weekend lang naman kasi siya umuuwe sa CASA. Matalino kaya ako no! Dahil hindi naman pwede na counted iyong weekdays dahil malaking NO sa akin, kasi hindi ko naman siya nakakasama.

"Paano mo ako tatawagan kapag wala kang telepono?" seryosong tanong niya.

"Kailangan talaga na keypad phone? pang matanda na iyan ngayon Babu eh," simangot kong ani at kinamot pa ang tutok ng ulo ko.

"And so, anong problema sa keypad phone?" walang imosyon niyang tanong.

"Luh! Wala ng gumagamit ng keypad phone ngayon dahil lahat touch screen na ang gamit kaya," segunda ko.

"So, ayaw mo?" tanong niya.

"Ayaw ko pa rin,"pagtanggi ko.

"Kahit anu-ano ang pinapanood mo kapag touch screen ang telepono mo."

"Luh!Hindi ako na nonood po," despensa ko sabay iling. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya ugyat ito na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

"Fast in furious X nga po iyon. Ang kulit naman, Babu e! " pagpipilit ko dahil totoo naman kasi. Ayaw niya lang maniwala dahil kay ante Google. B*bo siguro si ante Google, mali ata iyong nilabas sa gusto kong malaman. Analys to penetrate naman iyon tinipa ko kanina tapos p*rn site iyong lumabas na binigay niyang sagot! Ang b*bo niya rin, hindi siya mapagkakatiwalaan. Kaya pala palaging mayro'n disclaimer ang nakalagay because the statement denies for something, specially responsibility. Now I know!

"Nakakabob* ka Emerald. Nab*b* ako sa iyo! Ang dami mong alam sa buhay na hindi nauugnay sa edad mo."

See! pati ang isang magaling na doctor dito sa harapan ko nab*bo na dahil sa pinakita ni ante Google. Naku! Ante Google, kasalanan mo talaga ito! Ako tuloy ang nasesermonan ng husto, sabi ng isipan ko.

"Pati ikaw po b*b* na?" inosenteng tanong ko. Kawawa iyong mga pasyente niya kung sakaling b*bo na siya. Anyways goddess naman siya sa tingin ng karamihan at green flag siyang maituturing dahil marami siyang natutulungan at mabait iyan sa tao pero iisa lang ang nilalaman ng puso niya, ako lang! Este siya lang pala.

FPS #2: Doctor's Compelled AffairWhere stories live. Discover now