Chapter 18

1K 24 2
                                    

"Babu!"

"Babu!"

" Babu gising! " pang gigising niya sa akin. Hindi pa siya na kuntento dahil niyug-yug pa niya talaga ang balikat ko ng paulit-ulit. Umungol lang ako at tumalikod sa kaniya. Dahil ang sarap-sarap pa matulog at ang ganda ng panaginip ko pero hito siya at binubulabog ako.

"BABU GISING! " sigaw niya at hinatak ang isang kamay ko.

"Emerald!" sita ko sa kaniya at binawi lang ang kamay ko.Bahala siya diyan kahit masigla siya ngayon basta inaantok pa talaga ako ni ayaw pa ngang bumukas ang dalawang mata ko dahil sa antok.

"Babu naman kasi! Ang tagal naman gumising eh!" irritable niyang sabi. Naririnig ko pa ang mabibigat na padyak niya sa sahig. Umiiral na naman ang pagka-isip bata niya.

"Gusto ko pa matulog!" mariin na sabi ko.

"Babu naman eh!" Reklamo niya at padabog na umupo sa gilid ko.Humarap ako sa kaniya at pinulupot ang isang braso ko sa baywang niya. Wala siyang magawa kundi lambingin ako dahil wala pa akong planong bumangon. Antok pa talaga ako.

"Babu, bangon na!" pagpipilit niya. Pinaliguan niya ako ng halik sa bandang pisngi pero hinayaan ko lang siya kung anong gagawin niya. I'll feel comfortable sa ganitong situation namin kahit noon pa naman. Kahit napapagod ako sa kaniya pero siya rin ang pahingahan ko.

"Let me sleep, please?" paki-usap ko dahil hindi ko talaga kaya pati ang mga nerves ko tulog rin.Hinalik-halikan niya ang leeg ko patungo sa tainga ko at malanding kinagat ito kaya umungol lang ako.

"Andiyan si dr. Shantal," bulong niya kaya na pabalikwas ako ng bangon.

Mabilis siyang tumayo at humakbang palayo habang tawa ng tawa. Tinignan ko siya ng masama at tinapunan ng unan pero umilag siya at pinagtawanan lang ako. She's annoying me again. Ang saya niyang tignan kahit nag-aagrabyado naman siya ng taong gusto lang matulog.

"Takot pala ang Babu eh," pang-aasar niya at pinulot ang unan niya sa sahig. Pumikit ako at pabagsak na humiga dahil biglang sumakit ang ulo ko sa pagkakabalikwas ko.

"Ang sakit ng ulo ko, Cheetah!" galit na sigaw ko at nilublub ang mukha ko sa unan ko.

"Nananaginip ka kasi Babu," inporma niya. Naramdaman kong lumubog ang kama sa bandang ulunan ko kaya umungat ako ang ulo. Nakita kong inaayos niya sa higaan ang hawak-hawak niyang unan na hinagis ko at pagkatapos umupo siya sa bandang ulunan ko. Ako naman umabanti pataas at pinulupot ulit ang isang braso ko sa bewang niya.

"What the time is it?" malambing kong tanong nang maalala ko na may gagawin pala ako ngayon kaya ginising niya ako.Humiga ako sa kandungan niya dahil hinihilot niya na ngayon ang sintido ko. Alam niya rin kasi na magtratrabaho ako maghapon ngayon.

"Alas dies na 'ng umaga Babu," sagot niya. Huminga ako ng malalim at sinubsub ang mukha ko sa bandang puson niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Marami na' ng naghihintay sa' yong mga pasyente sa labas," inporma niya at sinuklay-suklay ang buhok ko gamit ang daliri niya.

"Bakit hindi mo ako ginising ng mas maaga sa alas dies?" tanong ko at nag-inat para mabuhay ang mga dapat na mabuhay sa natutulog kong katawan.

"Paano po kasi ang sarap ng tulog mo kaninang gumising ako at umuungol ka pa nga eh," sagot niya. Kumunot ang noo ko sa sagot niya kaya nagsalubong ang mga kilay kong tumingin ulit sa kaniya. Magsisimula naman siyang lukohin ako dahil ganito siya kahit anu-ano naman ang lumalabas sa bibig niya.

"Alam mo kung anong ungol mo, Babu?" tawang tanong niya. Mas lalong kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya para hindi siya makawala dahil alam kung tatakbo siya pagkatapos niyang magsalita. Magaling kasi siya sa kalukohan.

FPS #2: Doctor's Compelled AffairWhere stories live. Discover now