Chapter 13

1K 25 2
                                    

Pinakalma ko muna ang aking sarili dahil ramdam ko pa rin ang malakas at mabilis na pagtibok ng aking puso. Pinilit kong wag maapektohan sa mga narinig ko mula sa kaniya but, she got me by her words. Totoong natamaan ako at tumagos talaga ito hanggang sa mga buto ko. Yes! Muntikan na talaga akong nagkasala at ayaw kong mangyari iyon hanggang konektado pa rin kami sa papel kasi kasalanan pa rin talaga iyon maituturing kung nagkataon.

Huminga ako ng malalim bago tinungo ang clinic ko upang maghintay sa kaniya dahil kailangan kong magpaliwanag. Habang naghihitay ay magpapahinga muna ako kasi wala naman akong gagawin ngayon araw dahil bukas pa ako magsisimula sa trabaho ko.

Tinungo ko ang private room dito sa clinic ko kasi may pahingahan talaga ako rito. May 72 inches na flatscreen T.V at mahaba'ng sofa na nasa harap ng kama ko, walk in closet sa isang pinto at ang isa naman ay patungo sa bathroom. Hindi gaano kalakihan ang silid na ito kumpara sa kwarto namin sa CASA dahil pahingahan ko lang talaga ito kapag andito ako atleast ang importante comfortable ako.

Nilapag ko muna ang cell phone ko sa ibabaw ng kama at inalis ang pagkakabutones ng suot kong polo bago inalis ito sa katawan ko at sinunod ko naman ang pantalon ko. Ang boxer short ko na lang ang naiwan sa akin bago ko tinungo ang walking cabinet ko  at kumuha ng towel bago pumunta sa bathroom para maligo. Gusto ng katawan ko ang malamig na tubig upang mabuhay ang mga dugo ko at para masarap ang pakiramdam kapag matutulog na ako.

Doctor Bob reported that there's a lot of surgical cases like Sebaceous cysts, Carbuncle na hindi na nahahabol ng oral at topical na gamot at kailangan na'ng I and D o ang tinatawag na Incision and drainage para lumabas ang n*na at gumaling ng husto, Granuloma at Verruca vulgaris o common wart na kailangan ang Electro Cautery para maalis at hindi na bumalik sa bandang tinubuan nito sa balat. Kaya siguradong bukas at sa susunod na araw ay magiging busy ako at baka ihi na lang ang pahinga ko. Hindi na kasi mabilang sa daliri ang pasyenteng naka schedule sa akin for surgery. Ako ang nasa huling schedule sa FMAS Program kaya akin ang dalawang araw at ang gawin na lang ng mga nakaduty nurses at doctors ay e-assist ako.

Lumipas ang mahigit kalahating oras natapos na ako sa pagligo at naka bihis na rin ako. Plano kong manood sa Netflix habang nagpapahinga kaya  kinuha ko ang remote at binuksan ang tv sa harapan ko at umupo sa dulo nang kama at sumandal sa headboard nito. Nagsimula akong maghanap ng magandang palabas at lumitaw sa screen ang 365 days part 1 at  part 2 pero naghanap ako ng iba dahil sigurado akong mag-iinit lang ang katawan ko sa movie na iyon kahit bagong ligo lang ako.

Actually pinaalam rin ni Doc Bob sa akin na may isang nurse ang hindi naka punta dito dahil conflict ang schedule nito sa hospital pero hindi niya naman sinabi na proxy pala ang salimpusa ko. Kung alam ko lang hindi ko talaga pinayagan na pumunta pa rito si Emerald dahil pinapaayos ko ang papers niya para maka proceed na siya sa medicine na pangarap niya pero iba-iba naman ang inatupag. Na pangiti ako ng makahanap ako ng historical movie related ito sa medicine kaya na ingganyo ako at ito na ngayon ang papanoorin ko.

Tutok na tutok ako sa pinapanood ko ng sumagi sa isip ko si Shantal. Tumingin muna ako sa pambisig kong orasan bago ko inabot ang telepono ko at subukan siyang tawagan pero nakakailang dial na ako cannot be reached naman. Alam niyang andito ako  dahil siya ang naka sagot sa tawag ni Bob noong isang araw kung ano ang kaganapan dito. Sinubukan ko pa siyang tawagan pero cannot be reached talaga. Ipapaalala ko lang sana ang gamot niya pero hindi naman siya matawag kaya nagkibit-balikat na lang ako at tumayo.

Lumabas muna ako sa kwarto at naglakad ng kaunti at sumilip sa glass wall ng aking clinic. Tanaw ko ang medical area mula dito sa kinatatayuan ko. Tumaas ang kilay ko at umiling na lang ng dumako ang paningin ko sa nakaupong babae at nakapangalumbaba habang nginangat-ngat ang kuko nito. Hobby niya na talaga ang ganyan sistema na akala mo naman ang laki ng problema niya sa buhay. Sigurado akong lumilipad ang isip yan habang pinagmamasdan si doctor Bob na busy sa isang pasyente nito. Imbes na tulongan niya ito pero pinapanood niya lang.

FPS #2: Doctor's Compelled AffairWhere stories live. Discover now