Chapter 40

440 10 2
                                    

Para sa akin, ang salitang pag-ibig ay isang uri ng buhay na magulo dahil isa itong sugal. Marami itong kayang gawin, negatibo man o positibo basta tinamaan kana nito ay pwede mo itong ikabaliw kung alam mo sa sarili mong wala ng pag-aasa dahil sa salitang tapos na.

Sinawalang bahala ko ang nangyari sa school kasi alam kong nagawa lang naman niya iyon dahil nga sa nasaktan siya. I understand the effect of love sa kaniya dahil hindi biro ang pinagdaan nila ni Babu dahil umabot sila ng isang dekada. Kaya nga alam kong strong talaga ang foundation ng relationship nila noon at ako ang nagmukhang kontrabida kapag hindi nila alam ang kwento ng side ko.

Imagine, I was sixteen years old no'n panahon pumasok ako sa ospital bilang salin pusa at magpapansin sa kaniya pero ni sulyap sa akin ay hindi niya ginawa dahil naka focus siya sa trabaho at sa salitang paninindigan. Kapag nagsasalubong naman kaming dalawa who you talaga ako sa kaniya dahil bata pa ako no'n. Kumbaga may gatas pa ako sa labi kaya malabo pa sa malabo ang ganitong pangyayari sa buhay ko dahil hindi ako sanay na may nasasaktan akong tao. Though nasa isip ko na no'n na kaya kong sumira ng isang relationship dahil madali lang naman kasi talaga pero hindi ko  ginawa dahil dinaan ko sa prosesong kailangan ng taong kinahuhumalingan ko at talagang nangyari nga pero hindi ko naman pinalangin talaga. Talagang nangyari  lang ang lahat nung nasa panganib na ang buhay ni doctora Shantal at dahil rin sa pagmamahal ni Babu kinailangan niyang magsakripisyo dahil hindi naman ako papayag na mawalan ng isang kidney na walang kapalit. Iyong iba nga ay binibinta or binibigay ang isang kidney nila dahil sa mga materials na bagay like, iphone at etc.

The system of love is a sacrifice kapag wala na kasi iyong rhythm of love ng tao ay wala na rin mangyayari kaya mas pipiliin nila ang magsakripisyo at kahit nga ako ay nagsakripisyo rin kaya nga iisa na lang ang kidney ko ngayon pero to be honest na gui-guilty rin ako dahil sa kapalit na hiniling ko ay naka sakit ako ng tao kasi nasaktan ko sila pareho.

Huminga ako ng malalim at bumaba sa taxing sinasakyan ko at naglakad papunta sa building kung saan ang condo ni doctora Shantal. Nagcutting class na ako para mapuntahan ko lang siya at para makahingi na rin ng tawad sa kaniya. Hindi kasi ako sanay kapag may  ganitong balakid sa  pagsasama namin ni Babu parang ang bigat sa dib-dib ko lalo na sa buhay may asawa at sa hinaharap dahil magkakapamilya na kami. Hinaplos ko ang aking tiyan dahil sa hindi inaasahan blessing nakabuo kami ni Babu ng mini minion niya.

Ngumiti ako at lakad takbo ang ginawa ko para mabilis akong makarating kung saan ang condo niya dahil babalik rin agad ako sa school baka kasi hanapin ako ni Babu. Sa mundong ginagalawan ko at bilang tao ay mahirap umusad kapag iniisip kong may na apakan akong tao dahil lang sa pag-ibig kaya hindi na rin ako nagpaalam kay Babu na pupuntahan ko ang ex niya kasi hindi naman iyon papayag kung sakali dahil sa gagawin niya.

Basta ang objective ko lang kasi ngayon ay ang humingi ng tawad kung ano man  ang maling ginagawa ko dahil labas naman ako sa agenda nila ni Babu.Hindi kasi ako kabilang sa problema niya kay doctora Shantal kaya ayaw ko rin mangialam pero para sa akin ay mali kasi talaga ang ginawa ni doctora . Kung sana sinabi niya na lang noon kay Babu na ayaw niyang magkaanak edi sana wala siyang problemang haharapin. Pinaniwala niyang baog ang Babu kahit hindi naman at nahusgahan pa tuloy ako ng hindi maganda pero kahit na gano'n gusto kong gawin ang humingi ng tawad talaga sa babaeng nasaktan ko bilang isang babae.

"Hay naku!" bulaslas ko. Mahirap pa naman ang Medical Malpractice case it's against for a code of ethics ng profession nila. May kaso talagang haharapin si doctora Shantal at ang mga kasamahan niya pero hindi ko alam kung kailan basta ang sinabi lang sa akin ni Babu noon ay magsasampa siya ng kaso at tapos na rin sila nag-usap ni Attorney Sebastian pero ang tanong ay kailan? hindi ko rin alam basta ang alam ko lang they are working the case na rin.

Huminga muna ako at tumitigtig sa pintong bukas bigla akong kinabahan dahil feeling ko may sumusunod sa akin. Nagpalinga-linga muna ako baka may tao pero wala naman akong makita kaya ang ginagawa ko ay dahan-dahan humakbang at sumilip sa sala pero laking gulat ko nang makita kong may kahalikan na babae ang taong reason kung bakit ako nandito ngayon. Pumikit ako at kumurap-kurap pa dahil akala ko na mamalikmata lang ako pero siya talaga kaya ang ginawa ko ay dahan-dahan ulit humakbang pa atras para hindi ako maka gawa ng ingay na papansin o makaka isturbo sa kanila pero mas nagulat ako sa isang bultaheng na bangga ng likod ko kaya bigla akong na paharap.

"K-Kuya Rey?" gulat na tawag ko sa pangalan niya. Siya iyong nurse sa ospital ni Babu na kaibigan ko.

"Anong ginagawa mo rito?" mabilis na tanong ko.

Hinaplos niya ang mukha ko pero mabilis kong tinabig ang kamay niya at siniksik ang katawan ko sa ding-ding. Natatakot kasi ako sa awra niya dahil namumula ang mga mata niya. Napalunok ako ng makita ko siyang ngumiti ng nakakaluko at tinignan ako mula ulo hanggang paa ko.

"Tignan mo naman ang pagkakataon," ngising sabi niya at tumingin sa dalawang babae sa sala na isturbo sa ginagawa dahil sa amin.

"A-Anong pagkakataon?" utal na tanong ko. Ngumisi siya sa akin at kinagat pa niya ang ibabang labi at mukhang nag isip kong anong gagawin sa akin. Patakbo ko siyang nilampasan pero mabilis niyang hinatak ang isang kamay ko at sinandal sa pader. Tinulak ko siya ng malakas nang hahaplosin niya na naman ang mukha ko sa pangalawang pagkakataon pero mabilis niya rin hinila ang buhok ko kaya napatingala ako.

"Aray ko!" sigaw ko ng hatakin niya ako palapit sa kaniya.

"Pinagmamasdan lang kita sa malayo, Alia. Pinagmamasdan ko lang ang ganda ng mukha mo at pinapangarap ka na sana maging akin ka pero hindi nangyari," sabi niya at nagsimula ng tumulo ang luha niya sa mata.

"Alam mo bang masakit dito?" tanong niya at tinapat pa ang kanang kamay sa dib-dib niya.

"Anong pinagsasabi mo?" litong tanong ko. Hindi ko maintindihan dahil kaibigan ang turingan namin pero mas hinila niya pa ang buhok ko kaya pumikit ako dahil parang na aalis na ang anit ko sa ulo.

"Bitawan mo ako!" sabi ko at pilit na inaalis ang kamay niya sa buhok ko.

"Alam mo ba kung may pagkakataon na makatiempo ako ay nilalapitan kita para magpapansin sa iyo dahil umaasa ako pero malabo na mabaling ang atensyon mo para sa akin dahil naka focus ka talaga sa pagpapansin kay Monteleagre," sabi niya.

"Alam mo ba iyon?" tanong niya sa akin. Umiling ako dahil akala ko kaibigan ko siya.

"K-Kuya... Pakawalan mo... A-ako," utal-utal kong sabi pero umiling siya.

"Baka ito na ang pagkakataon para mahalin mo rin ako," sabi niya pero umiling ako. Nakita ko ang paggalaw ng panga niya at binitawan ang buhok pero mabilis naman na hinawakan ng isang kamay niya ang panga konat pinisil ito sa harapan niya kaya napapikit ako pero marahas niya rin binitawan.

"Iyong pangarap rin kita pero hanggang pangarap na lang pala dahil kasal kana. Ano bang pinakain sa iyo ng Thomas na iyon bakit siya ang minahal mo?" tanong niya sa akin at hinawakan ng kamay niya ang kaliwang braso ko. Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko naman siya gusto dahil kuya lang ang turing ko sa kaniya. Napangiwi ako sa sakit dahil hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso ko at bumabaon pa ang mga kuko niya sa balat ko kaya umiyak na lang ako sa harapan niya.

"A-Aray ko po. N-Nasasaktan na po ako," iyak na reklamo ko at pilit na inaalis ang braso ko sa kamay niya pero tumawa siya.

"Ah. Naalala ko na," sabi niya.

"Anong naalala mo?" tanong ko.

"Kinausap ako ng asawa mo. Sinabi niyang..." huminto siya sa pagsasalita at tumingala kaya hinayaan ko lang siyang masabi niya kung anong sinabi ni Babu sa kaniya.

"Remember always choose the righteous way and God always accelerate your dream but don't dream my Cheetah because she's my rib."

"Bakit?" tanong niya.

"BAKIT?!" sigaw niya.

"Bakit hindi mo ako kayang mahalin?!" galit na tanong niya at tumawa sa harapan ko.

Nababaliw na siya kaya less sagot na lang ako sa kaniya pero marahas niya akong hinatak palapit sa kaniya ng hindi niya mahintay ang sagot ko kaya gamit ng lakas ko ay tinulak ko siya ng malakas para makaalis na ako dito dahil mali pala ang pagmamagandang loob ko.

"Wala akong pakialam sa sinasabi ng asawa mo sa akin, Alia. Ang importante ngayon ay andito kana kaya akin ka na," tawang sabi niya. Kailangan kong maka isip ng paraan para makaalis ako dito sa loob ng condo ni Shantal. Nang emosyonal pa lang si kuya Rey at hawak pa rin niya ang kamay ko ay mabilis kong kinagat ang kamay niya.

"Aww!"hiyaw niya at na bitawan niya ang kamay ko kaya mabilis ang mga hakbang ko.



A/N: Ehh. Na mis niyo ba ang story ni Cheetah? ❤️❤️❤️

FPS #2: Doctor's Compelled AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon