Chapter 39

1.3K 37 7
                                    

Bless Emerald

Masaya ang isang linggo ko sa pagbalik eskwelang agenda ni Babu. Ngayon ay inaayos ko na ang mga gamit ko sa bag dahil tapos na ang klase ko. Kinuha ko ang pang hapon kong perfume at inamoy ito dahil subrang bango ang mga nakuha ko sa collections ni Attorney Noah sa silid niya. Dala-dala ko lahat ito baka kasi gamitin ni Babu mahirap na maubosan. I'll spray it to my neck, likod ng tainga, siko at pulsohan bago ko kinuskus ito sa likod ng tainga ko ulit at tumayo na. Ngumiti ako dahil nakakangiti ang bago namin ni baby.

"Subrang bango na natin, baby oh!" masayang bulaslas ko at inayos ang mga pabango sa bag ko.

Subrang namangha ako sa loob ng kwarto ni Attorney sa mismong mansion nila. Ang ganda ng Archive glass interior niya nang mga collection niyang perfume's dagdagan pa ang white light  corner kapag binuksan niya ang mga ilaw nito parang nasa bilihan ka lang ng perfumesy sa ibang bansa.

Subrang ganda sa mata tapos ang babango pa kaya no choice akong kumuha ng sampo nakakahiya naman kapag lima lang ang kunin ko dahil regalo naman iyon ni Babu no'n birthday niya. I claimed it lang naman. Sabi nga ni Babu sa akin Attorney Noah Lev Sebastian had a perfume library sa mansion nila at sa Bachelors Home. Sayang hindi kami naka punta sa Bachelor Home. Alam rin siguro ni Attorney na marami pa akong mabudol doon kapag doon kami nagdinner.

"Sayang talaga," bulaslas ko. Pero kahit gano'n masaya pa rin ako dahil mabait si Attorney hindi siya katulad ng iniisip ng iba na devil raw siya. Anyways, si Eli lang naman ang nagsasabing devil ang kuya niya dahil siguro hindi siya binibigyan ng pabango kaya pa sektretong kinukuha niya ang mga collection ni Attorney. Kinuha ko na ang handkerchief ko bago ko sinirado ang bag ko.

Masaya ang bawat araw ko sa school kaya masigla ako palagi. Masarap naman kasi magmahal ang Babu ko kaya wala akong problemang iniisip ang kalusogan lang namin ni kitten. Grabi mag alaga si Babu kasi dahil marami siyang padalang pampunas ng pawis. May towel pang nakalagay  sa likod ko baka pagpawisan raw kami ni kitten niya. Tapos lahat naman ng lessons ko ay nakukuha ko kung hindi ko makuha nagpapatulong ako kay Babu dahil alam niya naman lahat basta sa larangan ng medicine.

Sabi nga nila maganda raw ang mag-aral kapag buntis ka kasi magiging active rin raw ang baby sa loob ng tiyan at isa pa tatalino raw ito dahil nakikisabay rin siya sa learning mo.Tumayo na ako at lumabas sa classroom namin dahil baka hinihintay na ako ni Babu sa labas pero hindi pa naman siya tumatawag sa akin kaya ako na lang ang maghihintay sa kaniya sa labas kahit ka bilin - bilin niya na wag akong lalabas sa school kapag hindi siya tumatawag at doon raw ako maghintay sa office niya dahil nasa akin naman raw ang susi pero sa labas na lang ako maghihintay dahil parihas lang naman iyon na maghihintay pa rin ako.

Pababa na ako sa hagdan ng tumunog ang cell phone ko kaya agad kong kinuha ito sa bag ko at sinagot ang tumatawag. My circle is so small that when my phone rings, I already knows who is calling.

"Hello Babu?" bungad ko habang bumaba. Huminga ako ng malalim dahil bumilis ang tibok ng puso ko kaya na pahaplos pa ako sa tiyan ko habang tumatama ang sinag ng araw sa mukha ko.

"Baby?" bungad niya rin sa akin.

"Go to my office doon mo ako hintayin dahil andito pa ako sa bahay niyo at papunta pa lang ako diyan," inporma niya.

"Okey Babu, babye. Ingat ka palagi," sabi ko.

"Okey. I love you," saad niya kaya ngumiti ako.

"I love you too, Babu. Babye," huling sabi ko at tinapos na namin ang tawag.

Hindi ako makapakali dahil feeling ko mayro'n nagmamasig sa akin. Nilibot  ng paningin ko ang paligid nang may matanaw ako pero hindi ako sigurado dahil sa tumatama ang sinag ng araw sa mukha ko. Hindi ko tuloy maaninig kung sino ang babaeng nakatingin sa akin ang alam ko nga ay si Elisha kaya tinaas ko ang kamay ko para harangan ang sinag pero laking gulat ko ng makita ko si doctora Shantal na papalapit na sa akin.

FPS #2: Doctor's Compelled AffairWhere stories live. Discover now