Chapter 22

1.1K 27 5
                                    

Emerald Pov

" Today is the day!" Excited kong sigaw dahil nakaka-excite naman kasi talaga ngayon araw kasi ito na ang pinakahinihintay ko.Hindi lang naman ako pati na rin ang mga nagtratrabaho sa mga pribadong sectors. Katapusan na kasi ng buwan at mahahawakan ko na ang dobleng sahod ko.

"YAHOO!"sigaw ko at patakbong tinungo ang hallway ng hospital.

Nang makita kong maraming mga tao at may kaniya-kaniyang agenda sa buhay ay huminto ako at naglakad na lang papunta sa entrance. Katatapos ko lang kasing ayosin ang mga papers ko dahil pinachange status nito ni Babu kaya marami akong ginawa para makahabol sa enrollment dahil sa lunes opening class ng medicine.

Lakad-takbo ang ginagawa ko papunta sa office ni doc Thy Ron. Hindi na ako dumaan sa clinic niya dahil lunch break na kaya malakas ang pakiramdam ko na andoon siya ngayon sa opisina niya. Siya lang naman ang boss ko kaya siya ang nagpapasahod sa akin ngayon araw ng double at cash pa.

"Doc, magsasahod na po ako," bungad ko sa kaniya. Excited ako kaya wala ng katok-katok sa pinto no'ng pumasok ako sa loob ng opisina niya. Umangat ang ulo niya at tinignan ako ng masama pero kinindatan ko lang siya at nginitian. Nakita kong kinuha niya ang wallet sa loob ng drawer ng mesa niya at binuksan nito sa harapan ko.

Lumaki pa ang mata ko at lumapit sa kaniya ng makita ko ang bagong withdraw na bills dahil naka bundle pa ito. Sasabayan ko sana siya sa pagbibilang ngunit huminto siya at tumingin sa akin.

"11,700!" saad niya at nilapag ang 12 thousand sa ibabaw ng mesa.

"Nah! Bakit iyan lang, Babu?!" gulat na tanong ko.

"Bigyan mo ako ng 300 dahil 11,700 lang ang sahud mo, "sabi niya pa.

" Bakit ganon Babu?" reklamo ko.

"Nagrereklamo ka?" seryosong tanong niya. Hindi naman sana ako sa nagrereklamo pero bakit? Hindi ko maintindihan dahil nagtrabaho naman ako doon sa Batanes. Napagod pa nga ako sa kaniya eh!

"Nah! double pay iyon Babu kasi eh," Reklamo ko ulit. Pinadyak-padyak ko pa ang paa ko dahil sa inis kasi double naman talaga ang matatanggap ko ngayon.

"Double pay sa akin?" tanong niya at tinuro pa ang sarili niya. Tumango ako sa kaniya. Siya lang naman ang nagpapasahod sa akin. Alangan saan sino ang magbibigay ng sahod ko ang hospital sa Batanes? Nah! Hindi na ako makakabalik doon kasi mag-aaral na ako sa lunes, sabi ng isip ko.

"Sa pagkakaalam ko wala sa listahan ang pangalan mo bakit pumunta ka sa hospital sa Batanes?" seryosong tanong niya. Kinitkit ko ang hintuturo ko habang blankong nakatingin lang sa kaniya dahil nag-iisip ako ng tamang sagot. Maarte kasi itong si Babu basta sa trabaho maka-old model ang sistema niya.

"Wala nga po iyong pangalan ko doon pero naki-usap sa akin si ate Karyll po Babu. Tapos mabait po ako kaya pumayag ako, " paliwanag ko.

"Are you registered nurse?" tanong niya ulit sa akin kaya umiling ako dahil hindi pa naman ako nagtake ng board at ngayon pinapaproceed niya na rin ako sa medicine. Walang gastos, walang bawas sa isang taon araw. Of course wala ng Shantal sa buhay niya kaya stress siya. Nah! Sa akin naman mabubuntong ang pagkastress niya, sabi ko sa isip ko ulit.

"Absent ka sa hospital ng 8 days kaya iyan ang sahod mo!" seryosong turo nito sa pera sa harapan namin.

"Babu naman eh. Marami naman po akong ginawa doon sa Batanes," sabi ko baka nakalimotan niya lang. Kumamot ako sa aking ulo parang ang dami ko atang kuto ngayon dahil nararamdaman ko ang kati ng ulo ko. Hindi pa nga ako nakakasimula sa pag-aaral ko pero heto na at stress na ako sa kaharap ko.

"Kay nurse Karyll ka humingi ng sahod mo. Total, siya naman ang sinunod mo noon kaysa sa akin. Siya na ang amo mo kaya doon mo kunin ang sinasabi mong sahod na double pay, " sagot niya.

FPS #2: Doctor's Compelled AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon