Chapter 33

1.3K 31 6
                                    

NANG makabalik ako sa hospital ay dumaretso agad ako sa laboratory at binigay sa consultant head ang dalawang tablet for dr*g checking analysis bago ko tinungo ang office ko. Kailangan kong magprepare para sa operation schedule ko ngayon araw dahil ang taga prepare ko ng mga gamit ay andito rin sa hospital hindi ko pa nga siya nadadalaw ngayon. Hindi ko rin alam kung gising na ba iyon o hanggang ngayon ay tulog pa. Anyways e-check ko na lang siya mamaya kapag tapos na ako sa mga schedule ko ngayon araw. Tatlong katok ang nagpahinto sa ginagawa ko at nagpalingon sa akin mula sa pinto.

Tinungo ko muna kung saan nakasabit ang akin lab coat at sinuot ito bago tinungo ang pinto. Binuksan ko ang pinto pero isang malakas na sampal sa mukha ang bumungad sa akin at tinulak pa ako ng malakas gamit ang dalawang kamay niya.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO!" sigaw niya at dinuro ako.Muntik pa akong na out of balance buti na lang mabilis na hawakan ni kuya Isaiah ang siko ko.

I saw is anger in pain. She badly wants to release her anger to me so I let her.I'll raised my left hand to stop kuya Isaiah do dahil aalalayan na niya sana itong umalis sa opisina ko.

"Let her bro, let her release her anger," utos ko. Mabilis siyang lumapit sa akin at pinagsasampal ako. Yumuko ako at hinayaan ko siya sa pananakit niya dahil wala akong magawa kundi tanggapin ang mga ito.

"Sampal iyan ng pagdonate ng anak ko sa kidney niya sa babaeng mahal mo!" gigil na sigaw niya habang patuloy sa paghataw ng sampal sa akin. Nagsimulang tumulo ang luha ko at lumuhod sa harapan niya. Ang laki ng kasalanan ko sa kanila bilang ako at sa profession ko.

"T*ngina ka! T*ngina ka! " mura niya sa akin at hinablot ang buhok ko dahil sa gigil niya at sinampal ulit ako ng malakas.

"Auntie! Tama na," sita sa kaniya ni kuya Isaiah pero hindi siya nagpa-awat.

"Sampal iyan dahil wala kang kwentang doctor!"

"Wala kang kwenta Thy Ron. Wala!" sigaw niya at sinampal ulit ako ng malakas.

"Kung may pagkakataon lang na maibalik ko ang panahon. Itataguyod namin si Emerald sa pag-aaral niya para hindi ka niya nakita at makilala, " sisi niyang sabi.

"A-Ang kapal ng mukha mong saktan ang anak ko. Ang kapal ng mukha mong pagbintangan siya ng kung anu-ano!" sigaw niya habang galit na galit at umiiyak sa harapan ko.

"A-Ano e-dedeny mo? Rinig ng dalawang tainga ko. Rinig ko ang sinabi ni sir Isaiah na hindi mo dapat sinabi sa anak ko. Sl*t? Wh*re? At deneny mo pa talaga ang anak niyo. Anong klasi kang tao!" sigaw niya ulit at sinampal na naman ako dahil sa gigil niya.

"Pinalaki ko siya ng tama. Kinuha mo siya sa min kahit hindi kami favor sa iyo. Inangkin mo ang anak ko tapos ededeny mo! Nanahimik ako Thy Ron! Hindi ko pinakialam ang dicision ng anak ko kahit labag sa loob namin ng tatay niya dahil mahal ka at masaya siya sa iyo. Palagi akong nananalangin na sana matauhan si Emerald dahil wala naman siyang mapapala sa iyo. Ginamit mo lang ang pagmamahal niya, ginamit mo ang buhay niya para maligtas ang buhay ng babaeng mahal mo!"

"Anong klasi kang tao? Matanda kana pero tumatanda kang paurong! " sigaw niya at tinulak ako.

"Gusto mo ng realtalk? Sige!" sabi niya.

"Kapag ako ang tatanungin hindi kita gusto para sa kaniya at mas gugustohin ko pang iba ang asawa ng anak ko at ang naka buntis sa kaniya kaysa ikaw na kayang e-deny ang sariling dugo't-laman!"

"Ayaw kong mahalin ka ni Emerald. Ayaw kong magkaroon ng apo mula sa dugo't laman mo dahil ikaw mismong doctor ang nagpahamak sa buhay niya. Ang laki ng galit ko sa iyo. Kaya tandaan mo ito!"

FPS #2: Doctor's Compelled AffairWhere stories live. Discover now