Chapter 29

970 27 0
                                    

Naka harap ako sa salamin habang kinukulot ang buhok ko. I'm wearing French vintage blue dress at pinarisan ko ito ng flat white dallshoes. Ayaw ko magpaka-stress sa away at sagutan namin ni Babu kaya nagpapaganda ako ngayon. Masiyado naman akong maganda para isipin ang negatibong mga bagay-bagay lalo ang bago niyang indorsements sa akin. Nah! Ang pangit naman talaga dahil mas maganda pa ang baby cheetah kaysa ang sl*t at iyong wh*re.

"Hay nako may pagka-oa ang matandang iyon!" wika ko. Gusto ko ng peace of mind kaya gusto kong lumabas kahit hindi na ako samahan ni Babu. Naglalaway kasi ang bunganga ko sa balut na e-dip sa may gatas.

"Bahala nga siya sa buhay niya," bulong ko at nilapag ang iron curler sa mesa dahil nakulot ko na ang mahaba kong buhok.

Ngumiti ako sa salamin at napa ikot pa ng dalawang beses dahil ang ganda kong tignan para akong si marimar. Naglagay pa ako ng lip serum with liptint sa lips ko para hindi ako magmukhang maputla. Kinuha ko na ang cell phone ko at ang wallet ko nang biglang tumunog ang telepono ko.

"Hello po dr.?" bungad ko ng sagotin ko ang tawag ni dr. Uno.

"Hello Alia saan ka ngayon?" tanong niya sa akin.

"Andito po ako sa bahay pero lalabas po ako ngayon at gusto ko pong kumain ng balut," sagot ko.

"Nasa city rin ako ngayon," inporma niya sa kin.

"Gusto mo po sumama ka sa akin, dr?"tanong ko.

"Libre po kita," pagkukumbinsi ko para may kasama lang ako.

"Sure,"maikling sagot niya at tumawa pa. Mura lang naman ang balut okey na siguro ang isang daan para sa amin dalawa, sabi ng isip ko.

"Sige po dr. Babye po. See you po, " sabi ko at binaba ko na ang cell phone.

Tumingin pa ako sa salamin at ngumiti bago ko tinungo ang walking closet namin at kumuha ng bucket hat na kulay puti at nilagay sa ulo ko. Tumingin ulit ako sa salamin at naglibot ng isang beses pa.

"Bagay na bagay," sabi ko bago ko tinungo ang pinto at binuksan ito.

Bumungad sa harapan ko si Babu pero tinaas ko lang siya ng isang kilay. Hindi ako magpapatalo as long as hindi niya ako pinagbubuhatan ng kamay. Binuksan ko na ng maaigi ang pinto para makapasok siya. Umatras pa ako ng magdidikit ang katawan namin. Ayaw ko kayang dumikit ang balat ko sa balat niya dahil parehas kaya kaming nandidiri ngayon. Kaya equal lang dapat kasi masakit kaya ang lahat ng sinasabi niya sa akin. Hindi naman ako marumi eh at mas lalong hindi ako sl*t at wh*re.

Hinintay ko pa siyang makapasok bago ako lumabas  sa pinto ng walang imik. Hindi na ako magpapa-alam sa kaniya para ano pa? Tapos na kaming mag-usap na tataposin ko na lang ang isang taon kasunduan para wala akong makuha sa mga ari-arian niya baka kung anu-ano naman ang ibibintang niya sa akin.

"Saan ka pupunta?" rinig kong tanong niya sa akin lihim akong na pangiti bago humarap sa kaniya.

"Hmp! Wala kang paki-alam," sagot ko at pinaikotan siya ng mata.

"Ikaw pa iyong may kasalanan pero ikaw pa iyong pangit ang ugali. Sige kunin mo na lahat ng mga gamit mo at lumayas kana sa pamamahay ko!" inis niyang sabi.

"Bahala ka nga sa buhay mo!" matapang kong tungon rin at  tumalikod na sa kaniya.

"Wag mo akong subukan, Emerald!" banta niya sa akin. Humarap ulit ako sa kaniya at cool na pinag cross ko ang mga braso ko sa dib-dib ko.

"Ililibre ko si dr. Uno dahil andito raw siya sa city," inporma ko. Imbes na hindi ako magpapaalam pero sige na lang kawawa naman siya kung aalis na lang ako na walang paalam.

FPS #2: Doctor's Compelled AffairUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum