Chapter 9

1K 24 1
                                    

Namangha ako nang kusang tumaas ang pinto ng sportscar ni Elisha. Big time talaga itong kaibigan ko dahil iba't-ibang sasakyan ang ginagamit.

"Subrang ganda naman," manghang wika ko at  nilibot ang sports car niya. Para tuloy akong tangang sinusuri ang sports car niya dahil ngayon lang rin siya gumamit ng ganitong sasakyan. Nakita ko siyang dumukwang sa passenger seat at binaba pa talaga ang shade niya.

"Get in!" sigaw niya para siguro marinig ko siya dahil nasa likod na ako ng sportscar at hinahaplos na ang likod ng sasakyan.

"Ang ganda naman Elisha," manghang wika ko at pumasok sa loob ng sasakyan. Nilagay ko muna ang seat belt ko bago tumingin sa kaniya.

"T*ng*na! ikaw magdrive?" utos niya at akmang bababa na sana sa driver seat. Nang mabilis kung hinatak ang braso niya.

"Ayaw ko hindi ako marunong," pagtanggi ko at umiling pa.

"Tuturuan naman kita," maikling sagot ko.

"Ikaw na lang para madali tayo makarating sa pupuntahan natin dahil nagugutom na ako eh," saad ko.

"T*ng*na naman eh. Tinatamad ako! " Reklamo niya sa akin  pero kusa niya rin naman pinatakbo ang sports car niya at ako naman ay na pangiti nalang rin pero agad rin nawala ang pagkakangiti ko nang maalala ko ang bilin ni doc Shantal.

"MY GOD!" hiyaw ko. Atomatic naman ang kaniyang pagpreno na siyang muntikan na rin namin pagtilapon sa dashboard ng sasakyan. Buti na lang talaga pareho kaming naka seat belt  kundi bubungad sa amin si Ssn Pedro.

"What the h*ll!" mura niya habang pinapakalma ang sarili nito dahil sa gulat. Na gulat siya sa pagsiyaw ko ng walang dahilan. Mabilis na kasi ang takbo niya kanina kung hindi ako nagkakamali nasa isang-daan na ang patak nito. Tumingin ako sa kaniya at nagpeace sign na lang dahil ayaw kong magalit siya sa akin baka kaladkarin pa ako palabas.

"Sorry," paumanhin ko. Inayos ko muna ang buhok ko at tinali ito pataas. Walang problema kay Elisha dahil boy cut ang gupit nito na siyang kinaganda niya lalo.

"T*ng*na Alia! Mamamatay tayo sa ginagawa mo, " sermon niya at pinatakbo na ulit ang sasakyan niya.

"Gutom lang iyan," ngiting saad ko at kampanteng na rin nakaupo.

"Talagang nagugutom na ako," saad niya.

"Nakahanda na ba ang pera mo para sa akin?" Tanong niya at kumindat pa.

"Oo ba!  Basta turuan mo akong magmaneho sa sports car mo, " condition ko sa kaniya. Okey lang maubosan ng alawance ngayon basta ang importante marunong na ako mag drive. Magsasakripisyo ako ngayon dahil double-pay naman ang sahod kapag sa Batanes na ako mag-duty.

"Iyon lang ba ang condition mo?" tanong niya at dahan-dahan pinagilid ang sasakyan at huminto ito sa gilid. Lumabas siya sa drive seat at umikot papunta sa passenger seat at binuksan ito.

"Usud ka," utos niya at tinulak pa talaga ako.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Tuturuan kang magdrive," sagot niya.

"S-sigurado ka?" utal na tanong ko.

"I trust you my partner," ngiting sagot niya. Kaya inalis ko na ang seat belt ko at umupo sa upuan niya kanina at siya naman ang umupo sa upuan ko.

"Seat belt first," utos niya.

She explained everything to me at lahat ng iyon pinasok ko talaga sa kukuti ko at hindi ko kakalimutan dahil kapag nagkamali ako? Naku! dalawa kaming kukunin na talaga ni San Pedro.

"Dahan-dahanin mo lang tapakan ang accelerator dahil naka primera iyan," wika niya at sinunod ko naman kaya dahan-dahan rin tumakbo ang sasakyan.

"Ang astig naman," wika ko.

FPS #2: Doctor's Compelled AffairWhere stories live. Discover now