CHIKA MINUTE: Silence, Please?

2.3K 196 47
                                    

SILENCE, PLEASE?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SILENCE, PLEASE?

May naulinigang tsismis ang Gotcha tungkol sa isang campus personality na diumano'y binusalan ang bibig para hindi makapagbigay ng komento sa mainit-init na controversial issue ngayon.

Ayon sa bulong-bulungan, gusto ni Favorite Lass na depensahan ang isang Powerful Target mula sa mga paratang laban dito. Ang kaso, sinabihan siya ng Regal Team na huwag makisawsaw sa isyu at hayaan ang opisyal na spokesperson ang magsalita para sa kanya. Ang dahilan? Baka raw maapektuhan ang "numero" na magdidikta kung successful ang kanilang current project o hindi.

Wala ngayong magawa si Favorite Lass dahil ayaw rin niyang malagay sa peligro ang kaniyang posisyon lalo na't puwede siyang palitan ng ka-relyebo niya. Pero sa totoo niyan ay kating-kati na siyang magsalita, parang pangangati ng lalamunan na hindi matanggal ng lozenges!

Gusto rin umano nitong linawin ang isang tsismis na kumakalat na parang respiratory virus kung saan involved ang isang Cool Dude. Guess what? Pinagbawalan ulit siya ng Regal Team dahil makatutulong ang gimik para sa kanilang "numero."

Dati nang nasangkot sa isang isyu noon si Favorite Lass na napatunayang fake news at gawa-gawa ni Mischievous Jock na ngayo'y naparusahan na.

#

A/N: Fabienne's POV chapter will be posted later at 6 p.m.!

Play The King: Act TwoWhere stories live. Discover now