CHAPTER LX: Queen of the North (Fabienne)

2.3K 246 460
                                    


FABIENNE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FABIENNE

OUR CHRISTMAS break was actually break. I was thankful dahil walang ibinigay na assignments o projects ang professors namin sa Theater Arts. I was also thankful dahil kumalma na ang mga intense na ganap sa USC at sa politika.

Our second semester began with a bang dahil sa mga atake ni Castiel. He went all in na talaga. Halos 'di na nga ako nakahinga no'n dahil sunod-sunod ang mga patutsada niya. Since he lay low after his sister's death, nagkaroon ng peace. Nang maging acting president si Alaric, wala siyang ginawang gulo. Nang bumalik na si Priam, naging business as usual ang ganap sa campus.

Maybe it's the spirit of Christmas kaya nagkaroon ng ceasefire? But none of us could just chill and think that everything would be fine. Kapag sumapit na ang New Year, baka kasintindi ng mga malalakas na paputok ang mga pasabog.

For now, I'd rather enjoy these moments of peace, no matter how temporary or short they might be. Today was a very important day. Wala nga akong iniintindi na schoolworks, pero may ibang iintindihin pala ako. And I'd been stressing out the past few days.

"Bagay na bagay 'yan sa 'yo, Yen!" sabi ni Mama habang pinanonood akong umikot-ikot sa harap ng salamin. "Kahit ano yatang suotin mo, laging babagay at mas gaganda sa 'yo."

Umikot pa ako ng isang beses bago humarap sa kaniya. "Ma, nasa nagdadala 'yan. Cheap man o mamahalin ang isang dress, kung comfortable at confident ang magsusuot n'on, magmumukhang maganda."

Dahil 'di gano'n ka-well off ang family ko, 'di ako madalas bumili ng designer clothes na libo-libo ang presyo. Wala nga akong pantustos sa tuition fee ko sa college, 'tapos pipiliin ko pa ang mga mamahaling damit? Minsan nga, sa ukay ako bumibili ng mga damit. Mura na, maganda pa ang quality. Bilang sa mga daliri ko ang times na nagsa-shopping talaga ako sa mall para bumili ng high-end dress.

Priam and I agreed na magkikita kami ngayong Christmas Eve at magdi-dinner kasama ang kaniyang family. Dahil ipinakilala ko ang aking sarili bilang girlfriend niya, dapat in-expect ko nang mai-invite ako kapag meron silang family gathering. I could've said no para 'di na ako mapasabunot ng buhok dulot ng stress. But I'd already met his parents. Mabait si Tita Primavera habang okay naman si Tito William. At saka, para fair kay Priam dahil na-meet na niya sina Mama at Kuya no'ng isang buwan.

Maybe if he didn't go into a coma, this would be my first time meeting them. Baka napaurong pa nga ako dahil sa kaba. I was confident most of the time, pero may mga pagkakataon na nagpapa-dalawang isip at napauurong din ako. Mabuti na ring nakilala ko sila nang mas maaga. I got to feel their vibes and I knew how to act around them.

At dahil bongga ang ganap ko ngayong gabi, I brought out my prettiest red dress. 'Di ko usually isinusuot 'to kapag may lakad ako sa labas. Tatlong beses ko pa lang yata naisuot 'to mula no'ng nabili ko. I'd only wear it in super important occasions. And this meet-the-family was one of them.

Play The King: Act TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon