CHAPTER LIX: Beating Hearts (Fabienne)

2.2K 217 242
                                    

FABIENNE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

RAMDAM NA ramdam ko na ang December. Bukod sa malamig na simoy ng hangin, tila nagyeyelo na rin ang tubig. Parang lalagnatin nga ako sa kada buhos ko ng tubig sa katawan. Mabuti't may water heater ang shower sa bathroom kaya 'di nagmistulang ice bucket challenge ang pagligo tuwing umaga.

Katatapos lang ng prelims namin nitong week. Tapos na ang pagdurusa ko sa para sa taong 'to. Next year naman! Dahil tapos na ang exams, wala na dapat akong pasok ngayong Saturday. Pero dahil masipag akong estudyante at volunteer ako ng USC, may event ako na kailangang puntahan.

"Maraming salamat po sa pagpunta sa ating Puso ng Pasko Program," sabi ni Priam habang nakatayo sa steps ng quadrangle. Nakasuot siya ng pulang polo shirt na may kasamang Santa hat. Meron pa siyang gamit na walker na laging nakaalalay sa kaniya. "At maraming salamat din sa mga miyembro ng Elysian community para sa mga in-cash at in-kind donation. Dahil sa inyo, maituturing nating successful ang ating programa ngayong taon."

Every December, may give-a-gift program ang USC in partnership with the Center for Community Development Services ng Elysian University. Higit sa one hundred na residente—mga bata't matatanda—ang dumalo at nakapuwesto sa hile-hilerang mga upuan sa quadrangle. Binubuksan ang campus para sa mga taga-barangay lalo na ang mga mahihirap at salat sa buhay para mabigyan ng kaunting handog—isang pack na may grocery items at Noche Buena package. Kaya kong i-enumerate ang laman ng bawat isa sa mga 'yon dahil kasama ako sa mga nag-pack.

"Puwede na po kayong pumila!" anunsiyo ng mga junior officer at iba pang volunteer na nakakalat sa event area. "Huwag po kayong mag-alala! Siguradong mabibigyan ang lahat kaya hindi n'yo kailangang magtulakan."

Nagsitayo na ang mga matatanda at bata saka gumawa ng dalawang pila sa gilid. Umabante ako sa tabi ni Priam para magkapantay kami. Ako muna ang magsisilbing assistant niya dahil medyo challenge pa sa kaniya ang paggalaw.

Mahigit two weeks na mula no'ng bumalik siya rito sa campus. Patuloy ang pag-recover ng katawan niya, pero 'di pa rin nanunumbalik ang one hundred percent niyang lakas. Kaya na niyang maglakad nang wala ang tulong ng kaniyang walker, pero may iilang times na nawawalan siya ng balanse kaya kailangang nakaantabay 'yon sa kaniya.

I heard from Rowan that they advised him na magpahinga muna sa event na 'to lalo't 'di pa siya fully okay. Pero matigas ang ulo ni Priam. Daig pa niya ang isang bata minsan. Kapag napagdesisyonan na niya ang isang bagay, 'di basta-basta magbabago ang kaniyang isip. Kailangan ng maayos na reasoning para mapa-change mind siya. Sa bagay, may mabigat na reason siya para mag-insist na pangunahan ang event.

"It's my way of giving back for the second life that I'm living right now," sabi niya sa 'min sa briefing kahapon. "Also, I don't have stand there for the entire day—only for a few hours. So you don't have to worry about me getting exhausted."

A significant portion of the grocery items was donated by the Torres family. Ito raw ay isang way nila ng pasasalamat. Gano'n talaga kapag well off ang pamilya. Kayang mag-donate ng ganito karami sa mga nangangailangan.

Play The King: Act TwoWhere stories live. Discover now