CHAPTER LV: What Ifs (Fabienne)

2.1K 202 333
                                    

FABIENNE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

ONE WEEK na ang lumipas mula nang magising si Priam. Since then, he had been eating healthy and going to physical therapy almost every day. Dahil higit sa isang buwan din siyang na-coma, nag-cause 'yon ng muscle atrophy kaya namayat ang buong katawan niya. But he could get back to his old body frame basta kumain siya ng maraming protein at mag-exercise siya.

Patuloy pa rin ang pagbisita ko sa kaniya nitong mga nagdaang araw. Binibisita rin siya ng ibang USC officers every other day para bigyan ng report. At first, they didn't wanna talk about council duties, pero matigas ang ulo ni Priam. Gusto niyang updated siya sa mga galaw ni Alaric at sa mga ganap sa university para 'di raw siya mahirapang mag-catch up.

"Surprisingly, he hasn't said or done anything controversial so far," kuwento ni Lavinia. Katabi niya sa mahabang couch kasama sina Sabrina, Tabitha, at Rowan. Nando'n din si Valeria, pero nakahiwalay siya ng upuan. Hanggang sa seating arrangement dito, pinaninindigan niyang 'di na siya part ng council.

Oh, how about me? Nakaupo ako sa gilid ng kama ni Priam.

Dahil pare-pareho naming balak na bumisita kay Priam ngayong Thursday, isinabay na ako ng mga taga-USC sa pagpunta rito. I was thankful dahil nakatitipid ako ng pasahe at 'di pa ako masyadong naha-hassle sa commute. I didn't wanna look haggard and stressed pagdating ko rito.

"Can't blame Alaric for treading carefully," may kibit-balikat na sabi ni Rowan. "Dahil sa mga pinagsasabi ni Cas, nakatutok ang atensiyon ng karamihan sa kaniya. If he does something out of line, he will only prove his number critic correct. Mas maaapektuhan ang image at ang chances niya sa election."

Natawa nang mahina si Lavinia. "He finally got the sword that he's always wanted, but he can't wield it the way he wants. Poor guy."

"'Wag n'yong i-underestimate ang lalaking 'yon," paalala ni Tabitha. "Ang animal ay isa pa ring animal kahit mapaamo mo pa 'yan. Their primal instincts may subside, but they won't totally go away."

Sabagay, may punto siya. Kahit ang isang maamong kuting, puwede pa ring makapanakit gamit ang mga pangil at kuko nito. Puwede nitong mapadugo ang isang tao. I learned it through experience kasi gano'n ang ginawa sa 'kin ni Kahel no'ng bata at mas cute pa siya.

"If he was being reckless, he would have suspended or terminated the four of you," sabi ni Valeria sabay lingon sa mga kasama naming nakaupo sa couch. "He could have done almost the same thing that Cas did, but maybe much worse."

"Subukan niyang gawin 'yon, I'm gonna make sure he tastes my sampal," paghahamon ni Tabitha. Gigil na gigil talaga siya kay Alaric, almost at the same level as Castiel. Napaisip tuloy ako kung saan niya hinuhugot ang kaniyang pagkainis.

"Teka, Tabby!" biglang singit ni Rowan. "Akala ko ba'y magre-resign ka kapag naging acting president siya?"

"I was about to. But I was nag-aalala na baka agad kayong tumiklop sa kaniya once he takes over. Sab won't open her bibig kapag nakasagutan n'yo ang lalaking 'yon. You and Lavinia may not be able to handle him kahit magtulungan pa kayo. So you need me."

Play The King: Act TwoWhere stories live. Discover now