CHAPTER LVIII: Return of the King (Fabienne)

2.1K 205 194
                                    

FABIENNE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

FABIENNE

TODAY WAS a very special day! Nope, it's not my birthday yet. Next year pa 'yon! So bakit ako masaya kahit 'di ko pa birthday? May babalik na kasi sa university.

Maaga akong gumising kahit mamaya pang ten o'clock ang pasok ko. By eight in the morning, nasa entrance na ako ng admin building kasama ang apat na USC officer. May hawak-hawak pang tarpaulin si Rowan kung saan nakasulat ang "Welcome back, Mr. President!" Meanwhile, may hawak na party popper sina Lavinia, Sabrina, at Tabitha.

We were not the only ones waiting for the arrival of Priam. May members din ng campus press na nakaabang kasama namin. Karamihan sa kanila'y nakahanda na ang phones para kuhanan ng photo at video ang pagbabalik niya. May cameras din na naka-ready para sa 'ming campus television network.

Since I posted about Priam's return this morning, dumagsa rin ang ilang estudyante para salubungin siya. Ayaw kong kami-kami lang ang bumati ng welcome back. Gusto kong maipakita na may mga estudyanteng nag-aabang para sa kaniyang pagbabalik at ipakita ang kanilang concern.

"What time is he arriving ba?" naiinip na tanong ni Tabitha. Kanina pa siya pasulyap-sulyap sa oras sa phone niya. "I still have some budget requests na need tapusin. The letter won't write itself."

"Your requests can wait," bulong ni Lavinia para 'di siya marinig ng katabi naming reporters. "This doesn't happen very often kaya magtiis ka muna riyan."

"I didn't wanna be here in the first place."

"Don't worry, they're almost at the campus main gate." Ipinakita ko sa kanila ang message ni Priam sa 'kin. "He'll be here in probably two to three minutes."

'Di na namin kinailangang maghintay pa nang mas matagal sa dalawang minuto. Natanaw agad namin ang puting kotse na pumasok sa campus at nag-drive patungo sa direksiyon namin. I recognized the car dahil 'yon din ang ginamit na panghatid at sundo sa 'min no'ng binisita namin si Cassidy sa Pax et Lumen Memorial Park. Nagmistulang karwahe 'yon na lulan ang prinsipe. Nagsilapitan na ang reporters at itinutok ang kanilang phones sa spot kung saan inaasahan nilang hihinto ang sasakyan.

The white car parked just two meters away from us. Muntik nang magtulakan ang mga tao sa likuran namin. Bumaba muna ang driver at binuksan ang pinto sa kanan ng sasakyan. Parang may artista kaming inaabangan na bumaba mula ro'n.

Unang inilabas ang walker. Sunod naming nakita ang pares ng itim na leather shoes na tumapak sa lupa. Makalipas ang ilan pang segundo, we finally beheld the figure of our tall USC president. Inalalayan siya ng driver na humakbang bago nito isinara ang car door.

Itinaas ni Rowan ang hawak na tarpaulin at sabay sumigaw, "Welcome back, Mr. President!" Kasabay nito ay ang pagpapaputok sa party poppers. Naglipana ang confettis sa ere, ang ila'y dumapo sa ulo ni Priam at sa mga ulo namin. Agad ko siyang nilapitan at inalalayan. I gave him a peck on the cheek and a gentle hug.

Play The King: Act TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon