CHAPTER 22

31 16 0
                                    

I woke up to pair of warm arms and a blanket enveloping my body, the first thing that my eyes saw was Alexis sleeping face.

Ang guwapo niya talaga, ang payapa niyang tingnan at ang sarap sa pakiramdam na nakikita siyang natutulog nang mahimbing.

Ang sarap din sa pakiramdam na gumising at matulog na siya ang katabi, kung ganito parati ay hindi ko na hihilingin pang magwakas ito.

Ang ulo ko ay nakapatong sa dibdib niya kaya nakayakap siya sa akin habang ako naman ay nakalagay sa baywang niya ang isang bisig.

Napangiti ako sa paggunita ng unang gabi ng honeymoon namin, at nang matapos ang pagtatalik namin ay hinanda niya na ang paliguan naming dalawa nakatulog na nga ako e at nagising lamang nang buhatin niya ako patungo sa banyo at inihilig sa bathtub na may bumubulang sabon na.

Lumabas siyang muli noong time na iyon saka bumalik at sabay kaming naligo, oo purong pagligo lang. Pagkatapos ay saka ko lamang nakitang napalitan niya na ang bedsheets namin.

We wore a pair of silky pajamas and he asked me if we should call for a food order but since I was too tired last night, I just wanted to sleep immediately–I’m such a bad wife for not asking him back and he was too good to be true because he slept with me.

Antok na antok na ako kagabi pero ngayon ay gutom na gutom na ako, panahon na para itama ang kamalian ko kagabi...

Gumalaw si Alexis sa higaan na ikina-igtad ko, hindi pa nagtagal-tagal ay iminulat niya na ang mapupungay niyang mga mata at unang nasilayan ang pagmumukha kong wala pang hilamos.

He smiles as he stretches a lil bit, “Such a good morning waking up next to my beautiful wife.” saad niya na wala sa isip kong ikinangiti.

Hinaplos niya ang pisngi ko at bahagyang hinalikan ang aking mga labi, wala pa kaming mumog pero sa tingin ko naman ay ever-lasting ang ginamit naming toothpaste at mouthwash kagabi dahil ang fresh pa ng pakiramdam ko o baka naman dahil gabing-gabi na kami natulog kaya nandirito pa.

“Kumusta ang pagtulog mo, honey?”

“Maayos na maayos, Chase, katabi rin kasi kita kaya masaya ako’t komportable.” pansamantala siyang tumingin sa malayo na tila may inisip nang malalim at saka ngumiti sa akin nang matamis. “Gusto sana kitang paglutuan e pero dahil nandito naman na tayo sa resort at wala sa bahay, sulitin na natin ang lahat ng kaya nilang i-offer dito. What do you think?”

“I second the motion, if that’s what you planned, muffin. Nais ko rin namang magrelax ka muna sa 2-weeks honeymoon natin dahil pagkatapos nito ay magiging full time wife, mother, at businesswoman ka na.”

At iyon nga talaga ang ginawa namin matapos naming maligo at magbihis ay nagtungo kami sa resto rito sa Golden Sands.

I just chose to wear a blue sundress and he wore a plain white shirt and long jeans.

We've ordered our desired foods and they were all served hot in our table, it’s so mouthwatering!

Humahanga pa rin ako sa mga inihaing pagkain para sa amin, halatang-halata na kasi sa amoy at hitsura ng mga ito na masasarap ito.

“Have a happy meal, Governor Demasero and Mrs. Demasero.” napa-angat ang tingin ko sa waitress at sinuklian siya ng matamis na ngiti.

“Thank you.” “Salamat.” sabay naming bigkas ni Alexis at pinanood siyang lumisan na.

“Oh my gosh, I’m very hungry!” kumakalam na ang sikmura kong banggit at inunang kumuha ng cinnamon rolls.

“I know right, we just had a dinner of each other last night...” pabiro niyang balik na mapaglaro ko ring sinamaan ng tingin. Tumusok naman siya ng isang fried wonton at sinawsaw iyon sa ketchup bago isinubo. “Hmm, this!” medyo may pagkabulol niyang singhal. “Try this, it’s so good!”

Mirrored FatesWhere stories live. Discover now