CHAPTER 50

5 0 0
                                    

Dala-dala ko ang malaki kong maleta na may dalawang swimsuit lang nang magmaneho ako pabalik sa mansyon ni Sancho.

Bago naman ako umalis ay tinanong ko si Eiser kung saan ko makikita ang monitor at sinabi niyang puwedeng sa guard house o doon sa kuwarto ni Sancho sa fourth floor. I also told him beforehand to not follow me even if it becomes night, just in case that Sancho is already here, I will execute my plans.

Pero sinabi ko sa kaniyang hintayin niya ako bukas ng umaga, kapag nagutom siya ay may food stock naman sa ref., naroon din ang gamot niya, makakaya niya naman ang sarili niya sa kaunting panahon.

Naiparada ko na sa loob ng garahe ang pick-up truck at bumaba na mula sa sasakyan, kinuyom ko muna ang mga kamao ko sa pag-iipon ng lakas bago isinara ang pinto ng kotse.

Kinuha ko mula sa cargo bed ang magaan na maleta. Bumuga ako ng mainit na hangin mula sa bibig ko at saka naglakad na; hawak naman ng isang kamay ko ang cellphone ko habang humihila ng suitcase, at dahil naririto na rin lang din ako ay binuksan ko na ang telepono ko.

Palapit pa lang ako sa pangunahing pinto nang magulat ako sa pagtunog ng cellphone ko, pansamantalang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

Tiningnan ko ang caller ID at napairap sa ere nang makitang si ‘Alexis’ lang pala ang tumatawag, panira ng katapangang nabuo ko na e.

I swiped the green button, “Hello, huwag ka nga munang tumawag, mamaya n—”

“Finally, you got contacted, I’ve been trying to reach you but to no avail but then your first statement is to call you later? I—”

“Yes, and? You know, mamaya na lang talaga dahil busy ako, ay oo pala...salamat sa pinadala mo, babayaran ko ’yon.” singhal ko na nagmamadali na.

“That’s not even the point here, why were you unreachable since this morning?” pagtatanong niya na mademonyo kong ikinangisi.

“Oh so you’ve been trying to call me? Why? Huh, next time, don’t call me first again because I’m the one to do that if there’s something important, wala naman akong nakakalimutan e. Geez just focus on your amnesic wife, bye!” hindi ko na siya pinasagot pa nang patayin ko na ang tawag, siyempre hindi puwedeng hindi ako mag-iwan ng long-lasting impression sa kaniya.

Tumawag pa siya ulit pero dinecline ko na at saka pumasok na sa loob ng bahay.

Makulit pa rin ang pagtawag ni Alexis e wala nga akong oras na kausapin siya dahil nagmamadali ako! I muted my phone and let him get tired of calling me incessantly.

Patungo na ako sa elevator nang mapahinto ako at nanlamig sa pamilyar na boses na nagmula sa aking likuran.

“Nakabalik ka na agad from your trip? The guard told us that you were away for friends’ trip.” dahan-dahan akong lumingon kay Beau nang may blankong ekspresyon.

Tinaasan ko siya ng isang kilay, “Oh nandiyan ka pala, and yes, I left for a while, the boredom in this house is just too much to bear.” paangal kong wika sa kanya.

“You’re so impatient waiting for Dad, you know damn well that he’s a businessman.” yes, a criminal master at that. “But anyways, ang kapal talaga ng mukha mong iwanan akong mag-isa sa trabaho natin, ’no? Wala na nga si Smoke, umalis ka pa para magrelax dito sa Vegas.” aniya na ikinairap ko—irap lang? Alam ng Diyos na gusto ko nang basagin ang mukha niya nang banggitin niya ang pangalan ni Eiser nang akala mo’y wala siyang kinalaman sa pagkawala nito.

Ay, oo nga pala! Nasa ibang misyon ka.

“Kailan ba kasi babalik ’yon? Ang tagal naman niya kaya na-bored akong ikaw lang ang kasama, hindi naman kasi tayo magkavibes, tsk.” singhal ko, pananakay sa trip niyang bwisit.

Mirrored FatesWhere stories live. Discover now