CHAPTER 55

2 1 0
                                    

“In your opinion, is this spaghetti good?” tanong ni Eiser makatapos sumubo ng isang tinidor sa pasta dish na nasa plato niya.

Nang marolyo ko na rin ang spaghetti sa tinidor ko ay isinubo ko ito at nginuya-nguya nang mabagal para mas malasahan.

“Yes, of course, it’s an Italian cuisine.” komento ni Glaiziel na nasa harapan ko ngayon sa maliit na dining area sa private jet ni Alexis.

This was served to us as our dinner and I must say it’s...off.

“Sinong nagluto nito? I mean, no offense but this is literally an Italian style wannabe; it’s too sweet as if a can of condensed milk was added, the cheese is high quality okay, but the pasta texture itself in the side is hard, they might have intended to half cook this but needs more a little minute to steam, it’s also too saucy.” lumingon ako sa katabi kong si Eiser. “Don’t you think so?”

“Same, hindi ko rin nagustuhan ang lasa pero hindi ko ma-explain kasi hindi naman ako gourmet kagaya mo.” mapang-asar na turan ni Eiser at marahan akong siniko, awtomatiko naman akong napatawa nang bahagya.

“I don’t know about you all but this has a good taste, baka taste buds niyo lang ang may mali, hindi ba, honey?” ani ni Gly na ikinatingin ko kay Alexis na nagkibit-balikat lang habang nakatingin sa mesa na mabagal ngumuya.

Aw, what a scaredy cat of his wife, maybe he didn’t want to offend her because she probably chose the chef to service us tonight. Gosh, if it comes to food, I don’t think Ali fails that league to pick a good professional chef.

Pero ang totoo niyan ay wala talaga akong gana ngayon, mula umaga hanggang hapon kanina ay walang ibang nasa isip ko kundi ang umuwi na sa Pilipinas, saka na ang drama na ganito.

Kaso hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag ang ugaling mayroon si Glaiziel e, wala yata siyang balak manahimik para hindi mabuko? Akala niya yata ay may pumipigil sa akin at takot ako kaya ang daldal niya’t mas sinasagad ang pasensya ko. “Alexis, tingin mo ba ay bagay si Gly at Eiser? Kinikilig pa rin akong isipin yung umagahan natin kanina na sinubuan siya ng isang strawberry na may chocolate ni Eiser, ang sweet nila, ano?”

Panandaliang nagsalubong ang mga kilay ni Alexis at tumingin kay Glaiziel saka salit-salitan kaming tiningnan ni Eiser. “Yeah? Galing naman sila sa iisang mundo e, at sabay silang gustong magbago, kung gusto nila ang isa’t iss e ’di bagay sila.” lumingon siya uli kay Glaiziel, “Why are you asking?”

“Nothing, I just think they will make such a cute couple. . .” she answered and smiled as she looked at me. I wonder doesn’t she get tired of faking it? “Bakit hindi mo subukan kayong dalawa ni Eiser, Ali?” push na push e.

I chuckled, “Huh? Eiser was just teasing me earlier because we are pure friends, purong kaibigan lang ang turingan namin. . . Hindi naman ako yung tipo ng babaeng ipipilit ang sarili ko sa taong hindi ako mahal o gusto man lang, I’m not that low, I’m better than that.” I guess those words cut her tongue out. “Ay...natuto na kasi ako kay Alexis, KLINARO niyang hindi niya na ako mahal pero ipinagsiksikan ko pa rin ang sarili ko sa kaniya at nasaktan, malay mo maulit, ’di ba?” kung tanga siya ay hindi niya maiintindihang nagbabanta na ako rito. “So, I told myself that it won’t happen to me again.”

“Wait, Ali, you called her “Ali”?” natigilan ang lahat sa biglaang naging tanong ni Alexis na ikinaputla ni Glaiziel, maging ako ay hindi napansing tinawag niya pala akong “Ali”? Siyempre, totoo kong pangalan iyon e.

Lumunok nang malalim si Glaiziel at naka-awang ang bibig na tumingin sa akin at tumingin ulit pabalik kay Alexis. “I did?” natatawa sa nerbyos niyang bigkas, nalilito siyang umiling. “I didn’t know why either, maybe it has something to do with my brain having some elapses.” tsk, ginigisa niya na ang sarili niya sa sarili niyang mantika sa pagiging trying hard niyang magpanggap, pero ang totoo ay hindi niya talaga kaya.

Mirrored FatesWhere stories live. Discover now