CHAPTER 32

19 3 0
                                    

Dala-dala ko ang wallet ni Alexis na nagmaneho patungo sa apartment ni Eiser, durog na durog ako ngayong hating-gabi at para bang ang sarap lumaklak ng alak hanggang sa lumupaypay na ako.

Gusto kong maalis ang galit at sakit sa dibdib ko ngayon, gustung-gusto ko.

Nakapantulog pa ako nang bumaba ako sa kotse sa tapat ng apartment ni Eiser, atat na atat na akong maglabas ng saloobin ko alam kong matutulungan niya akong kontrolin ’to.

Lumapit ako sa pintuan ng apartment at kumatok nang tatlong beses ngunit wala akong natanggap na sagot, baka naman natutulog na siya nang mahimbing e, nanggugulo pa ako.

Kumatok pa uli ako at humawak sa busol ng pinto. Puwede bang gamitin ko na lamang ang susi ko rito para makapasok? Binigay niya naman ito para kung sakaling hindi niya marinig ang katok ko ay makakapasok pa rin ako.

Tinutop ko ang bibig ko at umatras sa pinto upang maglakad pabalik sa kotse ko; kinuha ko sa drawer ang susi at bumalik sa pintuan ng apartment.

Ipinasok ko ang susi sa busol at pinihit ito dahilan para magbukas ito, itinulak ko ang pinto nang dahan-dahan at napakunot ang noo dahil wala akong nakita sa loob sa sobrang pagkadilim, wala kasing ilaw ang nakasindi.

Ang alam ko e kahit natutulog na siya, iniiwanan niyang bukas ang ilaw sa bandang kusina. Kinapa ng kamay ko ang light switch at pinindot ito dahilan ng pagliwanag ng kapaligiran, mas pumasok na ako sa loob at isinara ang pinto sa aking likuran.

“Eiser?” I’m such a bad person to be needing an emotional aid from a criminal guy but what can I do? At this time, only him can be my crying shoulder.

Nakarating na ako sa tapat ng pinto ng kuwarto niya at marahang kumatok, “Ice.” banggit ko pa sa madalang kong gamitin na palayaw niya sa akin.

Smoke. Ice. Eiser.

Laugh out loud.

Kumatok pa ako nang kumatok ngunit wala talaga, imposibleng hindi magigising iyon sa kaunting tunog e naging sensitibo na iyon sa matagal na panahon nang pagkakasangkot sa krimen sapagkat nahirati niya nang parating may kaaway kaya huwag magpahinga na parang mantika.

Pinihit ko ang busol ng pinto niya dahil sa pagtataka at kunot-noong dumungaw sa loob at saka nakitang walang natutulog sa higaan niya.

Does it mean that he’s not in this place that’s why all of the lights were flickered off? Ugh! My shoulders dropped in despair.

Baka nasa club siya ngayong kalaliman ng gabi? I guess magmumukmok na lamang ako rito habang kinamumuhiang pagmasdan ang litrato ni Alexis sa pitaka niya—at ang bago niyang minamahal na babaing nakipaghiwalay raw sa kaniya. Tsk.

Huminga ako nang malalim at tinatamad na naglakad patungo sa salas upang maupo muna sa sofa, nasa bulsa ng pajamas ko ang wallet ni Alexis pero wala pa akong balak tingnan na naman ang litrato niya.

Tunay ngang napaka-sweet niya, iyan na ang ugali niya talaga, sweet na madali ring ma-inlove sa ibang babae; iniisip ko pa naman na keeper siya, hindi pala. Akala ko inayawan niya ang kakambal ko dahil galit siya sa kriminal pero hindi, madali lamang talaga sa kaniya ang mapa-inlove ng ibang babae.

Tss.

Sinasaklot na ako ng poot sa dibdib ko at parang nais kong sumigaw nang malakas ngunit baka umabot sa tainga ng ibang tao ang boses ko e magising pa sila.

Pinindot ko ang power button ng cellphone ko at dumiretso sa Phone, tatawagan ko si Eiser para kapag nasa club siya ngayon ay pupunta rin ako para uminom at makalimutan nang saglit ang hapdi dahil talos ko namang hinding-hindi pa maaalis ang sakit at galit ko kahit anong drû.g ang gamitin ko.

Mirrored FatesWhere stories live. Discover now