CHAPTER 42

8 2 0
                                    

Sa pantulog kong damit ay lumabas ako ng silid ko upang tunguhin ang pintuan ng silid ni Alexis.

Kumatok ako nang tatlong beses at medyo may kalakasan para naman marinig niya sa loob. Ibinaba ko na ang kamay ko sa paghihintay na magbukas ang pinto pero ang dali kong nainip dahil wala pa ring nagbubukas nito hanggang ngayon.

Ini-angat ko uli ang kamao ko para sana kumatok nang magbukas na talaga ito sa wakas at tila wala naman akong nagising na tao dahil mukhang hindi naman siya natulog e, pero magulo ang buhok niya; tiningnan ko siya nang taas-baba at iniwasang puriin siya sa isipan ko sapagkat ang loose sweatpants niya at white t-shirt ay napakabagay sa kaniya—ano pa bang hindi bagay? Kahit siguro basahan ay papatok sa hitsura niyang ’yan e.

But complimenting his handsomeness isn’t a forgiveness, I can never love him the same way again.

“What do you need this night that you didn’t need earlier in the morning?” pagtatanong niya sa akin sa walang gana niyang pananalita.

“Hmm, let me get straight to the point, I want you to come with me to an elite club.” ani ko sa kaniya at nirolyo ang dulo ng buhok ko sa hintuturo ko.

Napakunot naman ang noo niya, “What? You really think that I came here to do clubbing? Matulog ka na roon, naririto ka para sa usapan natin.”

“Kaya nga, tatlong araw ang sinabi ni Dad bago ako papayagang bumisita sa kaniya at ang boring sa hotel room kaya nga naisipan kong magsaya sa club, please come with me,” saad ko na may halong pagmamakaawa sa huli.

“No way, I don’t mix business with pleasure and at this point, I don’t really—”

“Ako naman ang magbibigay ng kondisyon, kapag hindi ka sumama sa akin ngayon e ’di tapos na ang kasunduan natin, hindi. ako. pupunta. kay. Dad.” may diin kong pagbigkas at inilabas ang blanko kong ekspresyon sa kaniya upang maramdaman niyang seryoso ako sa sinasabi ko.

Desperada akong makapaghiganti sa kaniya kahit sa emosyonal lang na paraan, iyon din naman ang nagawa niya sa akin e, saktan ako nang emosyonal lalo na kapag naaalala ko ang wallet niyang iyon, tsk.

It’s true that I did hurt him first by pretending to be somebody else but duh? Ilang buwan pa lamang at kung marunong siyang maghintay na mahanap muna ang katawan “ko” ay babalik naman na ako pagkatapos nito at magpapaliwanag, matanggap man o hindi ay ayos lang sa akin, mula pa roon ay maiintindihan ko kung bakit siya naghanap ng iba kasi nasaktan ko siya nang sobra.

Because how could he move on that quick from me? As if there was no love at all—yes, he’s Alexis, maybe he doesn’t know how to love, he’s only always infatuated with girls.

And my pride as Alliyah won’t allow that pain uncured.

“Are you nuts, Glaiziel? You remember that it’s my rule for you to do this so you would not get into jail.” aniya sa akin sa seryoso niyang tono.

“Hmm, well...I don’t think I’d mind to go to jail kasi naman wala na akong kasiyahan maging sa labas ng kulungan,” balik ko na nagpasapok sa mga kilay niya. “Kung ikukulong mo ako, lalaganap pa rin ang krimen sa mundong ’to dahil ako lang naman ang nakulong, hindi ang tatay ko e ’di parang wala ka ring nagawa, hindi ba? Magpapatuloy pa rin ang krimen kasi hinding-hindi niyo siya mapapasok.” turan ko at ngumisi habang mabagal na hinihele ang sarili ko. “So, actually, I got the power here, not you.”

Tila napaisip siya nang malalim at hinuhusgahan na ako sa matalim niyang tingin pero pinanatili ko ang pa-inosente kong ngiti sa kaniya.

My pupils dilated when he sighed in defeat and palmed his face, he blew a deep breath and succumbed to me. “Club it is.” pairap niyang isasara na ang pinto nang iharang ko ang paa ko sa doorframe.

Mirrored FatesWhere stories live. Discover now