CHAPTER 53

6 1 0
                                    

Dinala na si Sancho ng awtoridad at ako naman ay wala nang kinausap pang iba nang bumalik ako sa apartment na tinutuluyan namin ni Eiser pansamantala.

Batid kong labis na rin ang pag-aalala niya at baka may balak na siyang sumunod sa akin pumasok ako sa apartment at nadatnan si Eiser na naglalakad pari’t parito sa tapat ng mini table na animo’y hindi mapakali sa isang lugar, hanggang sa lumibot siya at natagpuan ng paningin niya akong nakatayo sa tapat ng pintuan.

“Cheri! Goodness, you literally came back!” I smiled at him and nodded as our bodies crashed for a hug. “I was terribly worried the whole damn time,” kumalas na siya pero iniwan ang mga kamay sa mga braso ko. “pero sinabi mo kasi sa aking maghintay hanggang umaga e, so, ano? Na-delete mo ba? Hindi sila naghinala sa iyo?”

Umiling ako, “Hindi sila naghinala pero nalaman nila na itinakas kita...but don’t worry, it’s all settled now, Beau and Sancho are going to jail already.” sagot ko na ikinalaki ng mga mata niya. “And yes, I came back, to tell you that I want to go back to Philippines now.” nang bigkasin ko iyon ay saka ko lamang naramdamang pagod na ako, naalala ko ring wala pa akong tulog dahil habang naghihintay maggabi ay hindi ko magawang maka-idlip sa tensyon na baka lumagpas ako sa oras na kailangan.

My body felt tired when I thought of coming back to see Starlette and Renz, those kids are my home literally. And I guess, I really need a sleep right now because of headache and my eyes are getting heavier.

“I see, but I’m curious, paano niyo nahuli si S-Sancho? Maraming lusot iyon, anong strategy ang ginamit ninyo?” pagtatanong niya sa akin sa nakayukot niyang noo. Kuntento akong ngumiti sa kaniya at pabuntong-hiningang naglakad patungo sa sofa.

Sumunod naman siya at naupo sa tabi ko, “The only strategy was deep talks,” I looked into an abyss. “I heard that he was my biological father and he has the proof for it, he’s actually a victim of love that’s why he turned into an unrecognizable animal but then, he still has that soft spot in him, Eiser, handa siyang magbago, ipinaramdam niya sa aking mahalaga akong anak sa kaniya at may pagkakataon pa tayong mga bata pa na magbago, isinuko niya ang sarili niya mismo.” I blinked and turned my head to Eiser who’s now in an utter shock.

“For real? E ’di, hindi ampon si Gly kasi totoong anak kayong dalawa? Woah, I never felt this mind-blown ever! It’s cool, siya mismo ang nagsuko ng sarili niya para makabawi sa anak niya. . . At hindi ko na kailangang matakot kasi balak ko ring magbago, wala nang maghahabol sa akin, malaya na ako, lalayo na ako sa mga kasamaan.” pinikpik niya ang balikat ko nang may ngisi sa labi. “Salamat, Cheri, ang galing mo naman, pero nabanggit mo ba sa kaniyang ikaw talaga si Ali?”

Kumupas ang maliit kong ngiti sa labi, “Hindi,” iling ko. “Biglang dumating si Alexis e.”

“Ay wait, ipagpapatuloy mo pa rin ba ang misyon mo?” tanong niyang nagpabalik sa akin sa realidad.

“Eiser, I hope you won’t be mad at me, I’m so sorry I l-lied,” I faced him and bowed my head. “H-hindi totoong pumasok ako sa Vastler para makakita ng mga kriminal at maipaghiganti ang nadamay kong anak noon...dahil wala akong anak na napahamak doon pero yung mga magulang kong natutop ng sunog, nakita ko sa laptop nilang may video tungkol sa Vastler Organization kaya naisip kong baka dahil sa ebidensyang iyon ay ipinapatay sila at kami lang ng kambal ko ang nakaligtas—it turned out that when Gly was involved in an accident, I figured out she was part of that organization, k-kaya sumali akong nagpapanggap na siya para maipaghiganti ang mga magulang ko, I’m—”

“Why didn’t you tell me that instead? I mean, we were friends already, right?” his voice baritone, my face dropped. “Bakit pinanatili mo pa ring tinutulungan kita sa ibang bagay? Did you think that I’d ruin your plans?”

Wait...I don’t know how I’d take this in, my hands literally became shaky.

He got mad at me, I sensed it. And I don’t know if I just had an anxîety because of that...

I do not want him to be angry with me, but I understand. “I’m s-so sorry, I planned to tell you b-but I just couldn’t yet because I t-thought you will not help me again, kasi siyempre iniisip kong loyal ka sa boss mo kaya paano mo gugustuhing may taong gustong pumatay sa kaniya.”

Umiling-iling siya, “Hindi pa rin sapat na rason para magsinungaling ka sa akin nang maging magkaibigan na tayo.” seryoso niyang turan na ikinatutop ko ng bibig ko at napayuko sa kahihiyan.

“I’m s-sorry, I...I...I—”

“It’s a prank!” napapitlag ako’t napatingin sa kaniyang pagsigaw. “Joke lang hoy, para namang iiyak ka na e, ayos lang. Naiintindihan kong iniingatan mo lang ang misyon mo, hindi kita masisisi roon at saka I already got a hint from you before, you seemed to be nosy about Sancho's name but kept it low.” napabuga ako ng hangin, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan, akala ko talaga nagalit siya e.

Nahampas ko tuloy siya, “Pinasikip mo dibdib ko, ha.”

“Sorry for that and congratulations, since Vastler Org., lang naman pala talaga ang pakay mo e nakulong na yung tatay mo? So, may hustisya ka nang nakamit para sa mga magulang mo, hindi ka na papasok sa mapagbuwîs-buhay na mga gawain.” turan ni Eiser na ikinatangu-tango ko naman.

“Sa totoo lang, ang sabi ni Sancho sa akin ay si Dad na kinagisnan ko ang may gawa nung sunog na iyon dahil sa tindi ng galit niya nang malaman ang katotohanan, naisip niyang nagtaksil si Mom sa kaniya.” I pouted and shrugged my shoulders.

He consolingly placed his hand on my shoulder, “I’m sorry to hear that, cheer up, Cheri, that must hurt. Pero sumuko pa rin si Sancho kaya dapat masaya pa rin tayo ngayon.”

Nagpilit ako ng makatotoong ngiti sa kaniya, “Yup! I’m happy dahil makakabalik na tayo sa Pinas at makakasama ko na sila.”

“Hindi ka na pala magpapanggap na Gly e, bakit ayaw mo pa ring malaman ni Alexis na ikaw si Alliyah? Nais mo bang manatiling ganito? O iniisip mo pa ang paliwanag na gagawin?” kunot-noong tanong niya at ibinaba na ang kamay niya.

Nabaling ang mga paningin ko sa pintuan ko at ngumisi, “Tss, mabait akong tao kaya hindi ko sisirain ang kasiyahan niya sa kasama niyang Alliyah ngayon, basta akin si Starlette, magsama silang dalawa ni Glaiziel.”

“WTF? Glaiziel? Wait, I don’t get it. . .”

“I don’t get it either, Ice, hindi ko alam kung paano sila nagkita, nagulat din akong buhay ang kakambal ko—masaya naman ako, oo dahil alam mo namang iyon ang pinakaninanais kong mangyari, ’di ba? Pero aywan ko, napupuno na ako sa ugali ni Gly na makasarili e ngunit magpapaubaya pa rin ako dahil mahal ko siya, galit din naman ako kay Alexis kaya kung masaya siya roon, e ’di sa kaniya na.” mahabang lintaya ko sa naka-awang pa rin ang bibig na si Eiser.

“Yeah, that’s just...wow! She survived, I’m glad. Tell me about it, did she tell you how?” namamanghang saad niya na ikinahinga ko naman nang malalim.

I shook my head. “Some other time, matutulog na muna ako, have your dinner na, mamaya na lang ako.” ani ko at ipinatong ang bag at telepono ko sa mesa saka tumayo na.

“Oh yes, I’m sorry I almost forgot, sleep well! Almost 24 hours ka nang gising, ang lakas e. Matulog ka na nga talaga at late na naman ngayong gabi.” pagsang-ayon niya kaagad. “Good night, Cheri.”

Mirrored FatesWhere stories live. Discover now