CHAPTER 37

12 2 0
                                    

I am never settled again after that night, we escaped through his hidden door at the back of his house, and he drove to a 5-star hotel to make sure that we aren’t getting followed and we can sleep peacefully for a night because receptionist won’t reveal customer’s hotel room to anyone.

Pero kahit pa natatakot na ako kay Alexis na hindi na umuuwi sa mansyon niya ay umuuwi pa rin ako para sa mga bata, hinahanap nga siya ni Starlette at panay lang din ako bigay ng rason kung bakit wala ang tatay niya; mas nadadagdagan lang ang galit at inis ko sa taong iyon, sa doble-doble niyang trabaho ay wala na siyang panahon para sa anak niya, tama lamang talaga na kagalitan ko iyong taong iyon.

Halo-halo na ang nadarama ko kay Alexis; takot, galit, inis, poot, hindi ko alam kung may pagmamahal pa ba, siguro naman ay oo na nararapat ko nang alisin din sa puso ko.

It’s 10 PM and I’m currently on my way to Eiser’s new apartment, we are still unsure if we’re being watched or not, so to make sure that his apartment is safe, he rented a new one.

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng biglaan kong pagtapak sa brakes ng kotseng gamit ko nang may nakagugulat na sasakyang sumulpot sa harapan ng sasakyan ko at tumigil.

Nagtataka pa ako sa hindi maintindihang pagharang sa akin nang mapalitan na lamang ng pamumutla at panlalamig ang mukha’t buong katawan ko; napahigpit ang hawak ko sa manibela nang may bumaba sa van na may mga hawak na baril at mas lalo pa akong na-alarma nang maglakad sila sa gawi ng sasakyan ko.

Napasinghap ako nang may kumatok sa salamin ng kotse ko, hindi iyon banayad na pagkatok kundi parang naghahamon ng away, napakagat ako sa pang-ibabang labi ko dahil sa lalaking naka-full black mask sa tabi ng car door ko.

“Hey, open your door or we’ll blow your car up!” this is what I’m fearing, it’s happening. Nanginginig ang mga kamay kong nagmamadali na kinapa ang cellphone ko at mas lalo namang bumilis at naging mabagsik ang katok sa bintana ko.

I immediately dialed Eiser’s number and left my phone on the side seat as I slowly opened the door beside me. I was left with no choice, he threatened me.

“Hey!” napasigaw ako nang hilahin na lamang ako bigla pababa at tinutukan ng baril para mapasama sa pagtakbo niya kasama ang kaniyang alipores papasok sa van nila hindi ko alam kung anong iisipin, dapat bang mauna muna akong maawa at kabahan para sa sarili ko o para sa kotse at cellphone na naiwan sa loob niyon?

Sinara naman siguro nila ano? Nasagot kaya ni Eiser ang tawag ko? Sana hanapin niya ako sapagkat hindi ko pa kakayanin ang pumanaw, hindi pa puwede! Hindi maaari!

“Welcome back to our hands, Gly.” saad ng pamilyar na malamig na boses nang matulin na umandar ang van.

“A-Alexis? What am I doing here? Kinikidnap niyo ba ako?” mapagprotesta kong tanong sa kanila. “Seriously? A respected governor like you will do this petty crime?!”

“Can you stop exaggerating? Nobody’s going to kill you here...well, no one yet.” aniya at mapagbantang ngumisi sa akin, iyong ngising ipinamalas niya nung gabing iyon.

Inilibot ko ang paningin sa palibot ng sasakyan at lahat sila ay lalaki na may makikisig na pangangatawan sa likod ng itim na pananamit, tanging si Alexis lang ang walang tabon sa mukha na nakaupo sa tabi ng tsuper.

I know Alexis as a kind person, he is not a killer, but what if he is? Hindi ko pa naman siya kilala nang lubusan e. I mean, ni ito ngang klase ng pamumuhay niya ay hindi ko alam e.

At saka malaki ang galit niya sa akin bilang Glaiziel, hindi ba? Paano kung kaya niya talaga akong patayin at walang makakaalam?

“Huh? Can you kill, Chase?” parang hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya, tumingin naman siya sa dashboard ng sasakyan.

Mirrored FatesWhere stories live. Discover now