CHAPTER 34

22 3 0
                                    


“No, she’s not out of this because you were both spying on me.” lumunok ako nang malalim at napagtantong hindi naman pala siya kakampi ni Alexis, para sa Tyron na ito ay pareho kaming kaaway niya.

Ito na ang oras para ilabas ko ang naituro sa akin ni Eiser sa mahaba-habang panahon.

Inipon ko ang lahat ng enerhiya ko at siniko nang buong lakas ang lalaking nasa likuran ko sa puntong maging ang siko ko ay sumakit din sa puwersang iyon. The heck, that body was made of rock or iron?

Napadaing siya nang maikli at masama ko namang tiningnan nang saglit si Alexis sa pamamagitan ng munting liwanag sa flashlight ni Tyron na nasa sahig na ngayon.

Kaagaran akong humarap sa siniko ko kanina upang atakihin pa sana ito nang napagilid na lang bigla ang ulo ko sa pagsampal niya sa pisngi ko tumigil ang daloy ng hangin sa lalamunan ko nang suntukin niya pa ako sa sikmura nang matindi.

Parang sinasakal ako at huminto na rin ang mga baga ko, hindi ako makahinga, para na akong mahihimatay rito.

“Oh I see, you’re Glaiziel, his wife or ex-wife?”

K-kilala niya rin ako? Ibig sabihin ay kilala niya ang lahat ng mga kalaban niya, kasama na roon si Alexis.

Nasaan na ba si Alexis? Tumakbo na ba siya?

Pinilit kong umayos ulit ng tayo kahit naghahabol pa rin ako ng hininga upang sugurin siya pero may pumigil sa magkabilang braso ko.

Hindi ko puwedeng ipakitang mahina ako sa mga mata nila, at hindi rin puwedeng masira ang gabi kong ’to.

Bumuwelo ako para ibaon ang mga takong ng boots ko sa mga paa nila at nakakita ng oportunidad sa saglit nilang kahinaan para makalihis.

Madilim na nga ang paligid sa maliit na flashlight ay may maskara pa ako na mas nagpadilim sa lugar ngunit hindi iyon ang dahilan para ’di ako makalaban.

Ipinamalas ko ang kakayahan kong suntukin silang dalawa nang sabay at pag-untugin ang malalaking ulo nila gamit ang buo kong puwersa, bago pa man sila makaganti ay natamaan na ng heels ko ang mga panga nila sa mabilisan kong flying kicks.

I feel so proud and amazed for myself that I finally got to execute Eiser’s lessons in real life situations.

“Aray!” daing ko at napahawak sa braso ko nang tila may tumamang bala rito.

Susugurin ko na rin sana si Tyron pero nabaril din siya ni Alexis malapit sa pulsuhan na dahilan ng pagkakabitaw niya sa hawak niyang baril.

Handa pa talaga sana akong gumanti, sapagkat hindi ako payag na may tama ako sa braso, kung wala lamang sanang nanghila na naman sa akin at sa pagkakataong ito ay si Alexis na iyon, hinigit niya ako palabas nung madilim na basement na iyon.

Bago ko pa malaman ay napasilid na ako sa loob ng van na hindi naman sa Marija group. Kunot-noo akong lumingon sa likuran pero wala akong natanaw na kahit anong sasakyan doon.

Nakahawak pa rin ako sa duguan kong braso nang lingunin ko ang katabi kong si Alexis na ang seryoso ng mukha.

“Drive to my penthouse, now!” may pagka-alarma sa tono ng boses niya at sa pagharurot pa lang ng sasakyan ay sunud-sunod na ang putukan ng baril sa labas na batid kong nag-iiwan na ng marka sa sasakyang sinasakyan namin ngayon.

Hindi ko inaasahang magkakaroon ng mala-giyera rito, ni hindi ko nga inaasahan na may naghihintay o naka-abang pala sa kaniyang sasakyan sa bukana e: what is actually happening? I don’t understand him, does he have a gang too?

Is he a part of crimes at night as well?

Para bang nasa action movie na ako sa ingay ng mga bala na pahina nang pahina; ito ang kauna-unahang pagkakataong nakarinig ako ng ganitong tunog sa totoong buhay na hindi na lamang tungkol sa ensayo, maaari na talaga akong mamatay rito datapuwa’t hindi ko ipapakitang kinakabahan ako, dapat sanay na ako bilang Glaiziel.

Mirrored FatesWhere stories live. Discover now