CHAPTER 36

26 2 0
                                    

Nabalot kaming lima ng katahimikan pero kaagad din iyong binasag ng lalaking nasa kanang tabi ni Alexis dahilan para mapaiwas na ako ng tingin sa kaniya.

Umiling-iling ako sa aking dilidili, inaalalang dapat ay galit ako sa kaniya, hindi na ginugunita pa ang pagiging mag-asawa namin. I hate him to the fullest.

It’s a better choice I chose my parents’ justice, like really.

“Kung gayon, wala na tayong poproblemahin pa Chase, nandito naman pala si Glaiziel e, hindi ba’t iyan iyong nasabi mo nang kasangkot sa mga bigating krimen? E ’di matutulungan niya tayong makapasok sa kamp—” saad naman nung lalaki sa kaliwa ni Alexis na biglang pinutol.

“No, we won’t need her.” pagkontra naman ni Alexis na ikinalunok ko nang malalim.

Salit-salitan ko silang pinagmasdan, nalilito sa usapan nila.

“Why not? This is probably the easiest way to get to our en—”

“I just said no!” napapitlag ako sa medyo lumakas na boses ni Alexis. “She’s my ex, my works don’t concern her anymore. She will not help us in any way, she’ll be useless.” baritono niya pang sambit.

“Pero delikado yung pagsa-spy natin sa marami, like what happened earlier with Tyron, dahil sa babaeng ’yan hindi ka nagtagumpay at alam na nila ngayong kalaban ka nila they know that we are after them so they will get ready for us baka ma-ambush pa tayo.” ani lalaki sa kanang tabi ni Alexis, napakuyom ako sa mga kamao ko.

“Do you think I don’t know that? I work safely and always successfully, don’t teach me.” malamig na tugon ni Alexis at ibinulsa ang mga kamay niya.

Napakunot ang noo ko sa pagtataka, anong pinaplano nila? Talaga bang kriminal nga sila na kinakalaban ang iba pang kriminal gaya namin?

“Alam niyo, Alexis is right, ’wag niyo na ngang ipilit na isama natin ’tong Glaiziel na ’to. Besides, kung dahil nga sa kaniya e nahuli tayo e ’di nabosesan na siya nung mga taong ’yon na kakampi siya ni Alexis kasi nakita nilang sumakay sa kotse niya, baka mas maging delikado para sa atin kasi maging ang babaing ito ay sangkot sa krimen, kilalang-kilala na siya, pero tayo ay hindi.” pagsingit naman ng epal na babaeng ito sa usapan at muntik naman akong mapanganga sa pagsang-ayon ni Alexis sa kaniya.

“See? Romy has a little brain,” papuri ni Alexis at walang emosyon nang naglakad palagpas sa amin. “Take Glaiziel home, that’s final.” pahabol niya pa. Huh? Siyempre naman e uuwi ako, alangan namang dito lang ako?

Lumingon naman ako sa tinutukoy na “Romy” ni Alexis at nakangisi ito sa malanding paraan, animo’y kinikilig habang ginugunita ang munting papuri ni Alexis.

Masaya na siya sa maliit ang utak niya? Hindi man lang niya inisip na ang ibig sabihin ni Alexis ay wala siyang utak, tsk. Haha, pathetically crushing on him.

“I don’t understand, what were they talking about?” pabulong kong komento pero alam kong sapat na para marinig nila.

Sana naman ay may sumagot, gusto kong malaman kung ano talaga si Alexis at baka magkaroon pa ako ng lakas ng loob sabihin sa kaniya ang—hep! No! Why would I? He doesn’t love me anymore, I won’t tell him anything.

Okay na nga itong tanging si Eiser lamang ang nakakaalam ng sikreto ko, hindi na dapat malaman pa ng babaerong Alexis na iyon.

“Yeah, just don’t mind it and go home.” saad nung lalaking nasa kaliwang bahagi kanina ni Alexis at naglakad padireksyon ko.

Iyong lalaking nasa kanan at si Romy ay sumunod na kay Alexis.

Umuwi na lamang daw ako? Hahayaan nila akong umuwi nang mag-isa? Sabagay, baka umaga na rin naman e. Hindi rin ako magpapahatid sa kanila, paniguradong inaantay ako ng kaibigan ko sa mansyon niya e, hindi sa apartment.

Mirrored FatesWhere stories live. Discover now