CHAPTER 38

10 2 0
                                    

Mastermind? Tinatanong niya sa akin? Wala rin naman akong ideya e.

“I don’t know,” tipid kong sagot na nagpasapo sa mga kilay niya.

“You...what? I’m asking about the name of your boss, the main boss.” seryoso niyang saad na tinanguhan ko nang nakataas ang dalawang kilay.

“Kaya nga, hindi ko alam.” tugon ko at nagkibit-balikat pa ngunit hindi niya yata iyon pinaniwalaan, bakas naman sa hitsura niyang hindi nga e.

“I’m not kidding around here, Gly, you better say it now or I’ll force you just to say it. . .” napabuga ako ng hangin at umiling-iling sa kaniya. Dios ko, kung alam ko lang e ’di nasabi ko na sana sa iyo ngayon na patay na ang mastermind ng Vastler Org., hindi ako papayag na hihinga pa iyon ano matapos ng ginawa niya sa mga magulang ko.

“Just to say what? Nagsasabi ako ng totoo, hindi ko kilala ang pinaka pinuno,” kalmado kong ani sa kaniya na ikinatiim naman ng bagang niya. “Unbelievable, right? That’s the truth.”

“Another warning, what is the name of your boss?” ang tono ng pananalita niya ay hindi nakikipagbiruan, at wala naman sa aming dalawa talaga ang nagbibiro. “Let me tell you a secret, Miss, if you don’t give me her or his name? You’ll end up in life imprisonment.” nanikip ang dibdib ko sa pagbabanta niya pero kahit ano naman kasing piga niya sa akin ay wala siyang makukuha!

Kung alam niya lamang sana ang dahilan kung bakit ako naririto bilang kriminal ngayon e, hindi niya na ako pipilitin sa pangalan nung walang-hiyang iyon!

“Ipapakulong ako ng mismong taong dapat din makulong? Haha, hindi ba’t kasangkot ka rin naman sa mga krimen? Ano, gagamitin mo ang posisyon mo sa gobyerno para makatakas sa mga kasalanan mo?” mahaba kong balik na ikina-salubong ng mga kilay niya. “Oo, mali ba ako? Nasa basement ka ng mga kriminal noong gabing iyon at kilala ka pa nung lider nila, ha? May penthouse ka na tatakbuhan? Kinidnap ako, ah basta, and daming proweba sa dirty laundry mo.”

Nangunot nang saglit ang mga kilay niya, “Excuse me? I, have a dirty laundry? Never. Kilala ako nung Tyron na iyon dahil nakalilimutan mo na yata kung ano ako sa lugar na ito, at matagal ko na siyang sinusundan kaya kilala ko rin siya, hindi ak—but that’d be funny if true, I mean, I hate criminals and I’d be one of them? So, I’d hate myself too?” natatawa niyang bigkas na may halong sarkasmo.

“E bakit ka nga kasi parang kinakalaban mo lahat ng kriminal na parang ayaw mong masapawan ng iba?” kunot-noong tanong ko naman. Bilib pa rin talaga ako sa araw na iyon na hindi ko namalayang may tracker siyang nilagay sa akin dahil hinayaan niya akong isipin na wala siyang pakialam sa akin.

“Hindi ba puwedeng kalabanin kayo nang hindi parte ng karumal-dumal na mga pinaggagawa niyo? Sige, sasabihin ko sa iyo ito at ang kapalit nito’y pangalan ng boss mo at kalayaan mo pagkatapos, pero sa susunod ay huwag ka nang papahuli dahil huhulihin ka na talaga. . .” usal niya at umayos na ng upo. “I am gathering concrete evidences from big-big criminals because I have a feeling that they are not getting jailed because they are bribing everyone, but not me, they can never bribe me. Kaya ako na lamang ang kumikilos para sa bansang ’to kahit hindi ganoon kadali at ka-epektibo pa.” mahaba niya pang lintaya na ikinalunok ko nang mariin, umiwas ako ng tingin para tumingin sa sahig.

Totoo ba? Masiyado akong pinangunahan ng galit ko sa kaniya at nahusgahan ko siya nang mali—madali akong umabot sa konklusiyon na masama rin siya dahil lamang sa simpleng mga pangyayari.

Ganoon pala ang ginagawa niya? Kabutihan pa rin pala? Mabuti? Hindi siya mabuti! Baka sa ibang tao, oo.

Oo, nagkamali na ako sa paghihinalang kriminal din siya pero hindi pa rin maaalis niyon ang matinding galit ko sa kaniya.

Mirrored FatesWhere stories live. Discover now