CHAPTER 49

15 1 0
                                    

Natahimik siya nang ilang segundo, tila pinoproseso nang maigi ang mga sinabi ko.

“Wow, Cheri, those meaningful words from you felt like it opened a door of realization for me...t-tama ka siguro, hindi naman ako walang kwentang tao dahil nariyan si lola na pinalaki ako. Now I feel bad for leaving her and choosing to enter hell, mataas ang expectation niya sa akin at ngayon ay inaantay niya pa rin siguro akong magbalik, inalagaan niya ako ang maayos pero hindi ko alam bakit naramdaman ko pa ring mag-isa ako sana lang talaga ay buhay pa siya kasi gusto kong bumawi sa mga pagkakamali ko, mahal na mahal ko si Lola. Babalikan ko siya at hihingi ng tawad.” napangiti ako nang malapad sa naging komento niya, tumangu-tango ako sa pagsang-ayon doon. “And hey, don’t be that thankful to me again, iniligtas mo rin ako ngayon at inaalagaan pa ngang parang pasyente e, kaya quits na tayo.”

I grimaced at him playfully, “Did you know that I also hated you for leaving me behind? I thought that you’re gone for forever but I’m very happy to see you alive now and sitting beside me another proof that you are worthy of living, bear that in mind.” turan ko at ibinaba na ulit ang paningin ko sa mga pasa niya.

“Yes, I would have truly died if you didn’t come, that’s why I wrote that letter in advance for I guessed that we won’t see each other ever again, I didn’t even expect you to be there and rescue me.” pangatwiran niya, pinanatili ko ang pakikinig habang ginagamot ang braso’t bisig niya. “Limang araw na lang at wala na sana ako, plano kasi ni boss Mamba na i-torture ako nang dalawang linggo bago patayin e, sa tagong kuwarto na iyon.”

I gasped and looked at him with widened eyes, “Huh? Ang sama naman niyang Sancho na iyan!” tumiim ang bagang ko sa mas dumagdag na galit sa kaibuturan ko, sobra-sobra na iyong matandang ’yon!

Iyon kaya yung kahulugan nung nakita kong kalendaryong may mga marka at hanggang katorse lang ang numero? Yes, that must be it!

“Oo, alam ko na ngayong si Sancho si Mamba kasi sinabi sa akin ni Jazz, nagpapatulong kasing mahuli e sa kondisyong hindi ako makukulong—at saka, huwag ka nga, nakita kita roon sa bahay niya at naisip ko na ring iyong boss ang dumakip sa iyo dahil sa paglalabas mo ng totoong pangalan niya, kaya madali na lang malaman.” singhal ko pa nang makita ang gulat sa mukha niyang namutla nang banggitin ko ang pangalang Sancho. “P-pero paano niya ba nalaman na may pinagsabihan ka? Isinuko mo ba ang sarili mo?”

Ganoon na yata siya ka-loyal sa amo niya e.

Umiling siya, “It’s the failed attempt of the government authority to catch him in his house in Philippines, he escaped and ran here to Las Vegas, and that’s why you saw me here too. Dahil sa umatake sa kaniya, alam niyang isa sa amin ni Beau ang nagsabi sa awtoridad na kriminal siya kasi walang nakakaalam niyon.” paliwanag niya kaya unti-unti na rin akong nalilinawan. “Actually, he’s a very dangerous man, Alexis must be fucked in the head to tell you to catch him because the government can’t.”

Ay hindi, gusto ko nga ito, ayaw kong mahuli ng polisya iyong taong iyon, gusto kong mabaril siya sa ulo nang isahan para tapos. Natutuwa nga akong nalaman ko ang pinuno e, hindi na ako matatagalan sa kakalundag-lundag sa pag-alam ng iba’t ibang grupo sa Vastler Organization.

“Hindi naman nila pinapahuli sa akin si Sancho e, tiktikan lang, at bilang Glaiziel, mas mapapadali ang pagmanman ko sa kriminal na iyon.” malumanay kong sagot sa kaniya. “Galit ako sa lahat ng kriminal...bukod sa iyo, siyempre, hindi naman kasing itim nila ang budhi mo.”

Gosh, I wanted to tell him the real reason of me being inside this organization, it feels terrible that he’s still carrying my lies. . . But I promise, after I finish Sancho, I will be purely honest to him.

Huminga siya nang malalim at umiling-iling sa konsumisyon, “Cheri, thank you, really, for saving me. But...how far will I hide? He’s a powerful criminal and he doesn’t spare anyone, kapag nalaman nilang ikaw ang nagtakas sa akin, magiging kalaban ka na rin.” he breathed heavily. “I’m worried for you, not me, I really appreciate your efforts, I felt like I am still a human being that matters but they are still after me and probably you. Hindi sila titigil hangga’t hindi tayo nahuhuli at nakikitil.”

Mirrored FatesWhere stories live. Discover now